Ang kasiyahang kanilang nararamdaman agad bang mapapawi sa pagdating ng mga pangyayaring muling babago sa lahat.
Kurt Elly De Leon
Isang lalaking naguluhan sa kanyang pagkatao matapos niyang makilala si Gardo. Hanggang sa magkaroon siya ng pagkakataon na mapalapit kay Gardo kahit na nasa iba itong katawan. Maging matagumpay kaya siya sa panliligaw kay Gardo. Sapat ba na tanggap niya si Gardo sa lahat ng aspeto. Paano nga ba makakaapekto ang pagbabagong parating sa kanyang buhay.
Princess Ibañez
Isang babaeng maganda,mabait at mamahalin ka ng buong buo. Pero sa kabila ng lahat nagawa pa rin siyang saktan. Ngayong nahanap niya kay Bianca ang tunay na pagmamahal na matagal ng inaasam. May pagbabagong parating paano nga ba ito makakaapekto sa kanya? Matanggap niya pa rin kayang ang minamahal niya ay isa palang tomboy na nasa katawan lamang ng isang lalaki. Paano niya matatanggap na ang kanyang minamahal ay hindi si Gardo kundi si Bianca.
Eldon Segovia
Isang lalaking gagawin ang lahat para sa kanyang ama. Kahit na ang kapalit ay makapanakit siya ng damdamin ng iba. Si Princess na nagawa niyang lokohin para maambunan siya ng kasikatan. At si Gardo na kanila lamang pinagpustahan ng kaibigan. At ngayon unti unti na siyang nagbabago. Kung kelan natututo na siyang magmahal ng tapat at totoo malaman niyang ang babaeng minamahal niya ng todo ay ang baklang sinaktan niya noon. Paano makakaaapekto sa kanyang buhay ang pagbabagong yayanig sa kanilang lahat? Magawa niya pa kayang mahalin ito kapag alam na niya ang tunay at totoo.
Lauron Ramos
Matalik na kaibigan ni Gardo. Nagmahal at nasaktan dahil sa kanyang love na si Laurence ang matalik na kaibigan naman ni Eldon. Magkaroon pa kaya siya ng happy ending. Paano niya pagtatakpan ang kababalaghang nangyari sa kanyang kaibigan at kay Bianca. Manatili kayang team Kurt ang lolo mo sa oras na dumating ang pagbabago.
Janna Buenaventura
Ex ni Bianca. Paano nga ba niya mapipigilan ang ama sa pagpapakasal sa babaeng kanyang kinaiinisan. Ano ang gagawin niya sa oras na malaman niya ang katotohanan sa pagkatao ni Gardo at Bianca.
Sila ang mga karakter na inyong minamahal. Kasama ang iba pang karakter na may kaugnayan sa kanila, paano nila haharapin ang mga pagbabagong yayanig sa kanilang buhay.
Mas titindi pa ang mga eksena kaya wag ka ng bibitiw pa sa kwento ni Gardo at Bianca. Samahan sila hanggang dulo upang harapin ang matitinding hamon na paparating.
PERFECT SWITCH
BINABASA MO ANG
Perfect Switch
FantasyIsang lalaking may pusong babae at isang babaeng may pusong lalaki. Paano kung magkapalit sila ng katawan? Is this a Perfect Switch? Or start of a bigger challenge that they need to overcome!