*PSAPerfectMoment
Gardo's POV
Sabi ko noon sa sarili ko never na akong maghahangad na may taong magkakagusto sa akin. Kasi tatay ko nga never akong matatanggap ibang lalaki pa kaya. Super tanggap ko na sa sarili ko na single forever na ang drama ko sa buhay.
Hanggang sa nagkapalit kami ni Bianca. Ako naging siya at siya naging ako. Ang gulo 'di ba? Pero ang magulong iyon ang nagbibigay ng naiibang saya sa akin. Dahil dun naranasan ko kung paano maging isang babae.
Sa lahat ng araw ko bilang si Bianca ito na siguro ang pinakaespesyal. Espesyal dahil ito ang mismong araw ng aking kapanganakan. Na siyang araw rin ng kapanganakan ni Bianca. Daig pa nga naming kambal ng tomboy na yun dahil pareho kami ng birthday. Kaloka mga sis noh.
Pero aaminin ko isa ang debut sa pinapangarap ko. Yung tipong may pa-eighteen eme eme doo. Pag lalaki kasi walang kaartehang ganern. Pero ito ako ngayon inaayusan na ni tita. Nakagown ako mamaya. Bonggacious 'di ba.
By the way nakalimutan kong sabihin agad. Andito nga pala kami sa isang resort sa Batangas. Resort nila Maxpein ata ito. Hahaha. Wag ka Jijieras aketch. Wattpaders ako wag kayong ano. Noong wala nga akong cellphone nakikibasa pa ako kay Lauron. Haha at yung He's Into Her ang una kong nabasa. Umabot ata ako ng one year dahil sa nanghihiram lang ako ng phone. Kaya nung nagkaphone ako ng sarili mas marami na akong nababasa. Actually binabasa ko ngayon yung That Promdi Girl ni Owwsic. Grabe super nalolokaness ang beauty ko kay Althea hahahhaa. Laughtrip yung englishing skills niya.
Haha sorry na share ko lang naman. Wattpader ang lola niyo wag ka.Pero joke lang ibang resort ito pero sa Batangas rin. Kaya ko nga nasabing sa pamilya Moon ito eh hahaha. Pero by the way nasa kuwarto ako ngayon sa hotel inaayusan nga ako remember. Grabe ang effort nila tita. Andami naming kasamang bisita. Dalawang jeep para sa ibang bisita. Tapos bukod pa yung nakakotse,tricycle at motor. Sabay kami ni Bianca magbibirthday. Natatawa nga ako sa kanya dahil tuwang tuwa siya. Never daw kasi niyang pinangarap magdebut. Hate niya ang gown and make-up. Na sobrang love ko naman. Baklang bakla ang lola niyo noh.
Grabedad talaga ang effort sa birthday namin. Nasa labas yung mga bisita. Sa tabing dagat kasi gaganapin yung party. Talagang kinausap nila tita yung may-ari nitong resort. Kami kami lang ang andito. May ilan din namang nakacheck-in. Pero halos kami lang ang laman nitong resort sa ngayon.
"Oh Bianca ready ka na ba? "
"Yes na yes po tita." Excited kong sambit.
Agad ko ng isinuot yung long gown. Yung pang wedding gown. Hahaha charot lang. Kulay pink iyon na may design na pagkaganda ganda. Bonggacious talaga. This is the best day ever.
Paglabas ko ng hotel ay dumiretso na ako sa magiging venue. Naguumapaw ang saya ko habang naglalakad. Kailan man ay hindi ko naisip na mararanasan ko ang magkaroon ng debut.
Nang makarating ako dun ay sumilay sa akin ang mga bisita. Mga kapamilya,kaklase at iba pang kakilala. Lahat sila ay nakatingin sa akin iniintay ang aking paglapit. May maliit na mistulang stage na nandun. Sa gitna noon ay may dalawang upuan. Ang isa ay kulay asul at ang isa naman ay kulay pink. Nakaupo na sa asul na silya si Bianca. Isa si Bianca sa eighteen roses ko. Gusto raw niya kasi akong maisayaw sa birthday niya. Ang sweet niya mga bes. Sa bandang likuran ay may tarpaulin may picture namin ni Bianca. Happy "18th Birthday Gardo and Bianca ang nakasulat dun.
Kung hindi kami kilala ng makakakita sa amin aakalain talaga kaming kambal. Hindi rin ako makapaniwala na ang taong nakapalitan ko ay kasabay kong isinilang sa mundo. Mahirap man paniwalaan pero iyon ang totoo. Ang kaibahan lang ay umaga ako ipinanganak samantalang siya ay gabi.
BINABASA MO ANG
Perfect Switch
FantasyIsang lalaking may pusong babae at isang babaeng may pusong lalaki. Paano kung magkapalit sila ng katawan? Is this a Perfect Switch? Or start of a bigger challenge that they need to overcome!