*PSTheBlameGardo's POV
Kinabukasan nga ay nanood kami ng movie ni nanay. Ang saya kasi ngayon lang namin nagawa ito. Ngayon lang kasi kami nagkaroon ng tv at dvd. Sobrang saya dahil habang nanonood ay may kinakain kaming meryenda na si nanay mismo ang nagluto. May lumpiang gulay,french fries and may orange juice.
As usual wala si tatay dito. Sanay naman na ako dun kaya parang balewala na lang sa akin yun.
"Nay maraming salamat po dahil palagi po kayong nandiyan para sa akin. Kayo po ang unang tumanggap sa'kin sa kung sino at ano ako."
"Ako ang nanay mo. At lahat nang magpapasaya sa iyo susuportahan ko."
Niyakap ko siya at niyakap niya rin ako. Sobrang miss ko siya talaga. Naantala ang pagyayakapan namin ni nanay nang tumunog ang cellphone ko.
Kurt
"Nay saglit lang po ha si Kurt po kasi tumatawag."
Lumabas muna ako nang bahay. Ano na naman kayang kakornihan ang sasabihin niya sa'kin. For sure babanat na naman ang lalaking ito nang super chessy lines.
"Hello Kurt napatawag ka?"
"Gardo," unang imik pa lamang niya ay halata mong umiiyak siya. "Si Tatay kasi iniwan na niya kami " Mas lumakas ang hagulhol niya sa kabilang linya.
"Saan siya pumunta?" Kahit parang alam ko na ang ibig sabihin ay nanigurado pa rin ako.
"Gardo wala na si tatay." Natigilan ako sa sinabi niya. Hindi ko pa nararanasan ang mawalan ng magulang at kung maaari ay huwag muna pero nararamdaman ko ang sakit nun. Kailangan niya nang karamay sa mga oras na ito.
"Gardo ang sakit sakit. Mahal na mahal ko si tatay pero hindi ko inexpect na iiwan na niya ako nang ganoon kaaga."
"Ano ba nangyari sa kanya?"
"Inatake siya sa puso. Ngayon lang ako nakatawag sa'yo kasi sobrang hindi ko matanggap ang mga nangyayari."
Agad akong nagpaalam kay nanay matapos ang tawag na iyon ni Kurt. Alam kong kailangan niya ng karamay sa mga oras na ito. Nakakaguilty lang na ako pa ang piniling samahan ni Kurt kahapon samantalang yung tatay niya ay iiwan na pala siya.
Nakaburol na sa kanila ang tatay niya. Ngayon pa lamang ako makakarating sa bahay nila. Pero itinuro naman niya sa'kin ang address nila kaya madali ako nakapunta.
Sa labas ng bahay nila ay may malaking tarapal. May mga ilang bisita rin doon na naglalaro ng baraha.
"Kurt condelences,"sabay abot ng kulay puting roses.
"Thank you," agad siyang tumayo at kinuha ang bulaklak na dala ko. Ngumiti siya sa akin pero iyon na ang pinakamalungkot na ngiti na nakita ko mula sa kanya. Ramdam ko yung matinding lungkot niya na makikita rin sa kanyang mga mata. "Tara sa loob," aya niya.
Pinasilip ako ni Kurt sa kabaong ng kanyang ama. Kung pagmamasdan parang natutulog lamang siya. Payapa ang itsura niya. Hindi ko kakayanin pag nawala si nanay o pati na rin si tatay. Hindi maganda ang trato ng tatay ko sa'kin pero mahal ko pa rin siya. Ayokong mawala siya agad. Marami pa akong pangarap kasama siya.
Maya-maya pa ay isang lalaki ang lumapit sa amin. Kamukha siya ni Kurt at kung hindi ako nagkakamali ay kuya niya ito.
"So ito pala yung girlfriend mo?"
"Oo Kuya ahmmm Ga—Bianca si Kuya Kier nga pala . Kuya si Bianca siya ang girlfriend ko."
"Nice to meet you po,"iaabot ko sana yung kamay ko ngunit hindi man lang ito tinanggap. Nakatingin lang siya sa akin na para bang may nagawa akong kasalanan.
![](https://img.wattpad.com/cover/176242364-288-k280549.jpg)
BINABASA MO ANG
Perfect Switch
FantasíaIsang lalaking may pusong babae at isang babaeng may pusong lalaki. Paano kung magkapalit sila ng katawan? Is this a Perfect Switch? Or start of a bigger challenge that they need to overcome!