Chapter 35

40 4 17
                                    

*PSFeelWhatIFeltBefore

Gardo's Point of View

Suot ang blouse kong pink at ang maiksing shorts at ang doll shoes ay naglalakad na ako papunta sa meeting place namin ni Eldon. Ang totoo niyan wala akong balak harapin siya. Gusto ko lang makita kung talagang willing siyang maghintay for me.

Pagdating ko sa park ay agad akong nagtago sa isang malaking puno. Feeling ko ay safe na ako dito. Maya maya pa ay nagtext na siya sa'kin. Andito na raw siya. Mas lalo kong inayos ang pagtatago ko.

From Eldon
Uyy andito na ako sa park asan ka na?

To Eldon:
Sorry Eldon traffic kasi eh. Wait mo ako diyan darating ako.

From Eldon:
Okay lang maghihintay ako rito kahit anong mangyari. Hinding hindi ako aalis sa pwesto ko.

To Eldon:
Thank you

Nakita ko siyang umupo sa may swing. Kaloka mukhang hindi nga siya aalis sa pwesto niya. Paano kung umulan? Willing siyang magpakabasa? Jusme andami daming puwedeng masilungan dito. Hayysss ganun na ba talaga ako kaganda.

Maya maya pa ay kumulog at kumidlat. Hudyat nang pagulan. Madilim na rin ang kalangitan kahit alas-kwatro pa lamang ng hapon. Nanatili ako sa pwesto ko. Mukhang safe naman ako dito at hindi mababasa.

Napansin kong hindi pa rin umaalis sa pwesto niya si Eldon. Nakaupo lang siya sa swing. Unti-unti na rin umambon. Naisip kong umalis na sa lugar na iyon. Dahan dahan akong naglakad papalayo. Hindi niya ako makikita kasi nakatalikod siya sa pwesto ko.

Nakauwi ako nang matiwasay sa amin. Agad kong tiningnan ang phone ko. Alas sais ng gabi na. Nakailang missed calls na pala si Eldon. May mga text rin like "kung nasaan na raw ako?",maghihintay raw siya kahit anong mangyari and kembolar achuchu.

Agad ko siyang tinawagan. Ilang segundo lang nagring and sinagot na niya agad.

[Hello Bianca buti tumawag ka.]

"Ahmmm sorry Eldon ha nagkaroon lang ng emergency. Nalowbatt pa ako kaya hindi ko masagot mga tawag mo kanina. Sorry talaga."  Ginagawa ko ang lahat para magmukhang sincere ako. Pero nakakaloka mukhang nasa park pa ang gago.

[Okay lang yun. Ahmmmm sige uuwi na lang ako. Medyo nabasa ako ng ulan eh.]  Hindi man niya gustong ipahalata ang lungkot ramdam ko iyon. Dahil alam ko yung feeling na ganun. Siya mismo ang nagparamdam sa'kin noon.

Nahiga muli ako at tumingala sa kisame. Pero alam niyo mga sis parang hindi pa rin ako satisfied. Hindi ako happy sa nangyari.

Nakita ko yung Winny the pooh na bigay sa'kin ni Kurt noon. Napangiti na lang ako nang maalala ang araw na iyon. Ang sayang isipin na tanggap ako ni Kurt kung sino at ano ako.

Maya maya pa y muling tumunog ang phone ko. Akala ko ay si Eldon na naman kaya medyo napasimangit ako. Ngunit nang makita kong si Kurt iyon ay napangiti ako.

"Hello Kurt bat napatawag ka?"

[ Miss lang kita.]

"Owws? Tologo bo?"

[ Oo miss na miss na kita agad. Alam mo ayaw mong umalis sa isip ko eh. Hindi tuloy ako makatulog.]

"Baliw!"

[Sa'yo ,actually hindi ka lang pala sa isip ko nagistay]

Alam niyo yung feeling na kahit medyo pamilyar na kayo sa ganoong banat kinikilig pa rin kayo. Ganun siguro talaga pag mahal mo yung tao. Kahit gaano pa kakorni ibang iba pa rin ang epekto sa buong sistema mo.

Perfect SwitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon