*PSNewBeginning
Bianca's POV
Masaya ako dahil unti unti nang nagiging maayos ang lahat. Nakakatuwa lang na magkaayos na si Gardo at ang tatay niya. Sana ganoon din kadali ang sitwasyon ko sa ina ko.
Dalawang araw pang nanatili si Gardo sa hospital. Inubos lang yung dextrose para mas lumakas ang katawan niya. Paglabas niya ng hospital ay naghanda ang nanay at tatay niya. Simpleng handaan na naging masaya naman dahil sa mga taong malalapit sa amin.
Hanggang ngayon ay wala pa rin kaming balita kay Kurt. Hindi kasi namin alam kung saang probinsiya ba sila. Kahit papaano naman ay nawawala ang pangungulila ni Gardo kay Kurt dahil sa presensiya ni Warren.
At ngayon magkakasabay na nga kami nina Gardo at Warren pagpasok sa school. Nagulat ako nang may biglang humawak sa braso ko. Akala ko ay si Lauron pero laking gulat ko nang si Freda pala iyon.
"Uy Freda ano yan close tayo? Masyadong clingy ha."
"Friends naman tayo ah sabi mo last week. Pumayag ka kaya nakalimutan mo na agad."
"Pa'no yung mga alpores mo iiwan mo na lang sila?"tanong ko.
"FO na kami ayaw kasi nilang makipagfriends sa'yo kaya ayon"
"Anong FO?"
"Friendship Over kaloka ha hindi mo alam yun?"
"Tatanong ko ba kung alam ko? Saka hindi ako pamilyar sa mga kaartehang words na yan."
Tatanggalin ko na sana yung pagkakahawak niya sa braso ka nang biglang makita ko si Princess. Nakatingin ito sa'min ngayon. Kaya naman chance ko na ito para pagselosin siya BWAHAHAHA.
Inakbayan ko na lang si Freda habang naglalakad papuntang room. Umiwas naman agad ng tingin si Princess. Ano kayang nararamdaman niya sa ngayon. Minsan okay rin pala yung kaabnormalan nitong si Freda.
Winelcome si Gardo ng new adviser namin na si Ms. Pearl Limbo. Maganda siya and sobrang husay magturo. Ibang klase siya sa lahat ng naging guro ko. Crush ko na yata siya.
Nakakatuwang isipin na nakalimutan na yata ng lahat ang sinabi namin noon sa stage. Ewan ko kung naniwala sila o wala lang talaga silang pake. "Bianca hindi ka pa rin ba pinapansin ni Princess?" biglang tanong ni Lauron. Magkatabi kasi kami ngayon at kagaya nang inaasahan tsismisan to the max!
"Oo nga eh pero kanina nakita niya ata kami ni Freda na magkasama. Ewan ko lang kong nagselos basiya or what."
"Ayy kaloka kang tomboy ka haba ng hair mo." biro pa nito.
"Actually balak ko ngang magpagupit eh. Semi Kalbo para kakaiba."
"Sira ka buti ka nga mahaba buhok mo. Ako kelangan ko pang magpahaba ng ilang buwan para maachieved ang ganyang look."
"Gusto mo sa'yo na lang toh," natatawa kong sambit. Gusto ko na talaga magpagupit. Baka sa weekends. Yung gupit mala-Jake Zyrus hahahah.
Napansin ko si Gardo na tulala. Iniisip niya siguro si Kurt. Saang lupalop ba naman kasi ng mundo nagtatago si Kurt. Pag bumalik talaga yun uupakan ko yun nang matindi.
Lunch time na at andito kami ngayon sa canteen. Kasama ko ngayon sina Gardo,Lauron at Warren. Kumakain na kami ngayon. Adobo ang ulam naming lahat dito. Tapos may drinks kaming coke. Si Lauron ang nanlibre ngayon mukhang may himala talaga eh. For the first time in the history nanlibre si Lauron.
"Warren musta ang klase?"tanong ko.
"Ayon pahirap na pahirap na ang mga topic sa iba't-ibang subject."

BINABASA MO ANG
Perfect Switch
FantasyIsang lalaking may pusong babae at isang babaeng may pusong lalaki. Paano kung magkapalit sila ng katawan? Is this a Perfect Switch? Or start of a bigger challenge that they need to overcome!