Chapter 16

74 15 9
                                    

*PSYouMadeMyDay

Bianca's Point of View

Lunchtime na kaya naman nagtataka ako kung saan na naroon si Gardo. Kanina pa siya hindi bumabalik. Agad akong lumabas para hanapin siya. Saan kaya nagsusuot ang baklitang yun? Hindi kaya kinidnap na yun! Tapos nirape! Tapos tinapon sa ilog! Wahhhhh katawan ko yun hindi maaari.

Sa paglalakad ko ay nasalubong ko si Princess. Halatang kagagaling lang nito sa pagiyak. Ano kayang nangyari! Nang makita niya ako ay bigla siyang yumakap sa'kin. Yakap na humihingi ng comfort. Marahil ah sobra siyang nasaktan kaya nangyayari sa kanya ito. Naisip ko na lang na ayain siya na maupo sa may puno na mayroong upuan sa tabi.

"Princess ano nangyari sa'yo?"tanong ko.

"Nakita ko si Eldon at si Bianca naghahalikan! Ngayon mo sabihin na mali ako!"halata sa boses niya na sobrang nasasaktan siya sa nakita niya.

Ano ba kasing kalandian ni Gardo at nagkahalikan na sila ni Eldon?

"Pinakinggan mo na ba sila? Yung paliwanag nila dun?"
Baka kasi mali lang siya ng iniisip ulit.

"Hindi. Pero para sa'kin sapat na yung nakita ko para masabi ko na niloloko na ako ni Eldon!"

"Alam mo naisip ko baka nga hindi seryoso sa'yo si Eldon. Akalain mo yun ilang days pa lang na kayo tapos may mga ganun na pangyayari na! Sayang may mga fans pa mandin ka'yo na nagagalit sa'kin dahil sa paglapit ko sa'yo. Astig niyo dinaig niyo pa ang loveteam sa tv!"

"Ahmmm hindi naman sa pagyayabang mga loyal viewers ko sila sa vlogs ko. Kaya lahat ng lalaking madidikit sa'kin sinusuportahan nila. Tapos sikat din pala si Eldon dito sa school na ito. Kaya ayon !"sambit niya na medyo natatawa.

"Aww vlogger ka pala! Sorry hindi kasi ako lagi updated sa social media eh. Kaya hindi kita gaano kilala"sambit ko.

"Okay lang yun atleast hindi mo ako nilapitan dahil lang sa famous ako. Nilapitan mo ako dahil pure ang intention mo. Gusto mo lang talaga makipagkaibigan sa'kin!"

Napangiti naman siya. Masaya ako na kahit papaano ay napangiti ko siya. Mukhang effective ang plan ni Gardo.

"By the way ito oh panyo punasan mo na  mukha mo basang basa ng luha eh!"sabay abot sa kanya ng panyo ng mapansin ko ang puro luha niyang mukha.

"Thank you! Balik ko na lang sa'yo pag nalabhan ko na!"

"Uy wag na sa'yo na lang yan. Marami pa naman akong panyo sa bahay!"

"Thank Gardo ang bait bait mo. Tama ka sana hindi ko ganun kadaling sinagot si Eldon. Ayan tuloy ito ako sobrang nasasaktan!"

"Sige Princess mauna na ko!"paalam ko ng mapansin ko si Gardo na pabalik na ng room.

Sa room ko na inabutan si Gardo. Bigla niyang pinatong ang ulo sa desk. Napano kaya siya.

Agad akong lumapit sa kanya. Launch na kaya kami na lang ang tao sa room. Si Lauron ay napakamangiiwan talaga. Siguro kasabay niya si Laurence. Bahala siya matutulad lang siya kay Gardo. Bestfriend nun si Eldon kaya malamang ganun din yun.

"Uy Gardo okay ka lang ba?"tanong ko.

Nang tumingin siya sa akin ay halatang umiyak siya. Ano ba nangyayari bat ang iyakin ng mga tao ngayon.

"Bianca suko na ko. Hindi ko na kaya yung plano naten . Nasasaktan na ako na nakakasakit na ako ng ibang tao dahil sa kagustuhan ko." muling bumuhos ang kanyang nga luha.

"Gardo akala ko ba matapang ka? Akala ko ba kaya mong harapin lahat. Ikaw pa rin naman si Baklang Gardo 'di ba. Kahit na nasa katawan ko ikaw,ikaw pa rin yan na puro positivity. 'Di ba nung ikaw pa si Gardo na yun kinakaya mo araw araw lahat ng pananakit ng tatay mo."

Perfect SwitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon