Chapter 6

114 21 4
                                    


*PSUnexplainableHappenings

Gardo's POV

Matapos ang sakit na ipinaramdam sa akin ni Eldon. Nahanap ko naman ang sayang hatid ni Kurt. Noon akala ko he is just an annoying guy na dapat hindi pinapansin pero mali ako. Na sa kabila ng katangiang makikita sa kanya ay may tinatago palang kakaibang side si Kurt na hindi makita kita ng iba.

Summer Vacation na and next school year eh Senior High School Student na ako. And ngayon nga ay medyo nagloloko na ang cellphone ko. Baka makakapunta na naman ako kay Lolo Tasyo. Madaming gamit na akong naipalit dun. Tulad ng bag,sapatos,damit at kung anek anek. Ang hiwaga lang niyang tao. And feeling ko wala siya masyadong customer dahil super tago ng kubo niya. Wala masyadong nagpupunta dun.

By the way naglalakad na pala ako ngayon papunta kay Lolo Tasyo. Papalitan ko na ulit cellphone ko. Matagal na akong nagtataka kung bakit parang lahat na lang ng kailangan ng tao ay andun sa kubo niya. Curious ako kung ano ano pa ang makikita dun sa loob.

Binuksan ko ang kulay pulang gate. At agad na tumakbo palapit sa kubo. Humihingal pa ako sa sobrang init ng panahon. Nakatshirt ako na panlalaki and jersey short na pangbasketball. Hindi porket bakla ako eh magsusuot na ako ng mga pambabaeng damit. Actually gusto ko naman kaya lang baka mapatay na ako ni pudracles shiwarewappchiii.

"Lolo Tasyo I'm here again !"

Nakailang sunod na sigaw ako ngunit wala pa ring lumbas na Lolo Tasyo. Ano kaya nangyari bakit wala siya? Naisip ko na lang pumasok sa loob at baka kung anong masamang nangyari na sa kanya. Nagawa ko naman agad yun dahil hindi naman nakakandado ang pintuan. Pagpasok ko ay nashock ako ! Dahil sa anlawak pala sa loob nito. OMG! Kung titingnan sa labas parang simpleng kubo lang ito pero ang truenay niyan ay kakaibabe iteche!

Pumunta ako sa kwarto kung saan niya kinukuha ang mga pampalit. Pagbukas ko ng silid na iyon ay nashookt na naman aketch. Dahil walang kahit na anong gamit doon. May kakaiba na akong nararamdaman. Ewan ko ba kung bakit ako kinakabahan. Dalian akong lumabas at hindi ko na napansin kung ano ang nadanggil ko. Pag tingin ko ay mayroong gasera na may sindi.

Kaloka bat may gasera dito eh umagang umaga. Wala bang kuryente si Lolo Tasyo. Nagulat na lang ako dahil sa kalapit ng kurtina pala iyon bumagsak at ngayon nga ay nagliliyab na ang laylayan ng kurtina.

Juskolord lagot ako neto !!!!!!!!

At dahil sa sobrang kaba ay lumabas na lang ako ng kubo. Hihingi na lang ako ng tulong wala kasing tubig dito at di ko alam kung paano papatayin ang apoyche.

Asan na kasi si Lolo Tasyo !

Hindi na aabot kung bumbero pa ang tatawagin ko. Kaya kumuha na alng ako ng dalawang timbang tubig sa bahay namin at binuhat iyon papunta sa kubo.

Pagbukas ko ng gate ay nagulat ako. OMG what is happening in this country ? Napaenglish na alng ako sa isip ko ng wala sa oras. Paano ba naman ang kubo ni Lolo Tasyo nadisappear!!!???

Kinusot kusot ko pa ang mata ko pero wala talaga na kahit anong bakas. Ano yun naabo agad agad! Ang bilis and hindi kapanipaniwala.

K A L O K A N A ITEY ! ! !

Hindi ako nakuntento lumapit pa ako sa kinatatayuan ng kubo . Pero walang kahit anong bakas doon. Tanging ang berdeng mga damot lamang ang aking nakikita.

Is this real ???!!!!!!!


Bianca's POV

Naalimpungatan ako sa tunog ng cellphone ko. Sino kaya ito ?

Agad ko iyong sinagot.

"Hello sino to ?" Tanong ko na halata sa boses na kagigising lang.

[Anak hindi muna ako makakauwi ngayon pinagovertime kami nung boss namin eh ]

Hindi pa pala nakakauwi si Papa. Maaga ako nakatulog kanina eh. Pagkakain ko pa lang ng hapunan dinalaw na ako agad ng antok.

"Ah sige po Tay ingat na lang po kayo diyan I love you po !"

Naisip kung lumabas muna ng kwarto ko matapos ibaba ni Papa ang tawag niya. Pero may narinig akong boses. Boses na alam ko kung kanino nagmumula !

Marites !

"Nu ka ba bukas na lang baka umuwi yun maya maya eh 'di nahuli tayo !"

May kakaiba akong naramdaman ng marinig ko iyon. Parang may kung anong nilalang ang nagbulong saa kin na pakinggan ko pa lalo.

"Kaw talaga parang hindi tayo nagkita kanina kinulang ka ba kahapon !"

What the fuck !?

"I love you din babe kita na lang ulit tayo bukas. Wag kang pupunta dito andito mga anak ko at baka mahuli tayo pati ng asawa ko. "

Malinaw na sa akin ang lahat !

May kabit siya !

Hindi lang siya walang kwentang ina wala rin siyang kwentang asawa. Anong klase siyang tao at nagagawa niyang lokohin ang katulad ni Papa. Napakabait ni Papa sa kanya. Lahat ng gusto niya ay nahihingi niya lalo na noong nasa abroad pa ito. Siguro hindi na ganun kalaki sweldo ni Papa sa bagong trabaho kaya naghanap na siya ng ibang mapera.

May nadagil ako na kung ano na nagdulot ng ingay. Napalingon si Marites sa pwesto ko.

"Kanina ka pa ba diyan ?"halata sa boses nito ang matinding kaba.

"Oo at dinig na dinig ng dalawang tenga ko ang kataksilan mo !"

Agad itong lumapit sa akin.

"Wag mong sasabihin sa Papa mo ang narinig mo kung ayaw mong masaktan !"galit na sambit niya.

"Makakarating lahat kay Papa at wala kang magagawa para pigilan ako."

"Sige sabihin mo kung gusto mong iwan ko kayo at isasama ko si Tonton !"

Yun ang hindi mangyayari! Hinding hindi ko hahayaang ilayo niya sa amin si Tonton.

"Ikaw na lang ang umalis at matutuwa pa ako. Wag na wag mong idadamay si Tonton walang hiya ka !"

"Kung ayaw mong gawin ko yun wag na wag mong sasabihin ang lahat ng narinig mo sa akin intyendes !"

Agad siyang umalis sa harapan ko at pumasok sa kwarto nila ni Papa. Ang kapal ng mukha niya. Naiwan akong tulala dahil sa narinig ko. Kailangan kung sabihin kay Papa ano man ang mangyari. Na niloloko na siya ng babaeng ito !

Pumasok ako sa kwarto ko at nakita ko ang tulog na tulog na si Tonton sa baba ng double deck. Umakyat na ako sa taas at nahiga. Bat ba kasi ngayon pa nagovertime si Papa. Sana tumawag ulit siya para masabi ko agad sa kanya! Wala kasi akong load para kontakin siya. Wala din siyang facebook account para machat ko siya.

Hayyyssss bukas na bukas pagdating niya sasabihin ko agad agad ang narinig ko. Siguradong hindi din naman papayag si Papa na makuha si tonton kaya wala akong problema sa kondisyon ni Marites !!

PerfectSwitch

Perfect SwitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon