Chapter 26 (Special Chapter)

65 7 12
                                    


Author's Note

Finally na-achieved na ng Perfect Switch ang one thousand reads hehe. Kaya naman isang espesyal na kabanata ang inyong matutunghayan. Get ready dahil papasukin na natin ang naiibang mundo ni Anastasio. Ihanda ang sarili dahil masasagot na ang mga katanungang bumabagabag sa ating puso't isipan.

*PSPernatopia

Tasyo's Point of View

Ako si Anastasio at ako ang may kagagawan kung bakit nagkapalitan ng katawan si Gardo at si Bianca. Hindi iyon isang kaparusahan. Isa iyong espesyal na regalo para sa kanila. Mula ng iwanan ko ang mundong aking pinagmulan ay dito na ako namalagi sa mundong ito. Ang mundo kung saan hindi pare-pareho ang antas ng pamumuhay ng mga nilalang.

Flashback

Kasalukuyan kong binabagtas ang daan tungo sa aming makulay na tahanan. Kung mapapansin pare-pareho ang hugis (parisukat) at laki ng mga tahanan dito. Pero hindi lang yun pati na rin ang kakayanan ng bawat nilalang.

Lahat ng nilalang dito kabilang na ako ay may kakayanang gumawa lumikha ng mga bagay, pagpalitin ang mga bagay,at kung ano mang gustuhin naming magawa ay magagawa namin.

Ang mundong ito ay makulay. Pati na ang mga puno ay kulay ginto ang dahon. Ang ulap naman ay mayroong ibat-ibang kulay. Napakaaliwalas rin ng pamumuhay dito. Walang namumuno dito. Lahat ay pantay pantay. Walang nag-aaway. Masaya ang buhay kung titingnan. Pero sa kabila ng lahat ng kaperpektuhang ito, pakiramdam ko ay meron pang kulang. Hindi ko maipaliwanag kung ano yun.

Kung titingnan sa labas mistulang ordinaryo lamang ang mga tahanan dito. Maliit lamang ito pero oras na pumasok ka sa mahiwagang pintuan. Bubungad sa inyo ang napakalawak na lugar.

Agad akong pumasok sa loob. At nagliwanag ng husto ang paligid ko. Ilang saglit pa ay nakapasok na ako. Naabutan ko sa isang silid ang aking ama at ina. Kung pagmamasdan sila at halos kaedad ko lamang sila. Pero hindi may salamangka rin kasi kaming ginagamit para dun. Kaya naming mag-anyong bata,lalaki,babae o isang uri ng hayop.

"Peresian kung maaari ay huwag na lamang natin ipaalam sa kanila ang tungkol sa susi ng Terestial. Baka magkaroon lamang sila ng kuryusidad upang kunin ito. Hindi maaaring pumunta sila sa kung saan saang mundo nila gustuhin!" Sambit ng aking ama na si Farosian.

Ngayon ko lamang narinig ang tungkol sa Terestial na iyon. At tama ba ang narinig ko maaaring magamit iyon upang maglakbay sa ibat-ibang mundo kung nanaisin.

"Pero Farosian nararamdaman ko ang kalungkutan sa ating anak na si Anastasio. Marahil ay hindi siya masaya sa mundong ating kinalalulugaran."

"Ina ! Totoo ba iyon. ?" Nagulat sila sa biglaang pagpasok ko sa nagliliwanag na silid na iyon. Isa iyong silid kung saan sinasanay ang aming kapangyarihan upang manatili ang kalakasan.

"Oo at marahil ito na ang kasagutan sa iyong kalungkutan. Tanggapin mo ito anak at pumunta sa mahiwagang puno ng Terestial. Magagamit mo ito upang makagawa ka ng lagusan tungo sa ibang mundo!" Sambit naman ng aking ina sabay abot ng parisukat na bagay.

"Talaga maraming salamat ina."

Wala nang nagawa pa ang aking ama para pigilan ang desisyon ng aking ina. Agad akong nakarating sa puno dahil sa kapangyarihan naming makarating sa gustuhin naming lugar na naisin namin.

"Mahiwagang Lagusan ng Terestial ako'y iyong dalhin sa mundo kung saan hindi katulad ng mundong ito. " Sigaw ko habang nakatapat ang parisukat na hawak ko sa puno ng Terestial.

Nagliwanag ang parisukat na hawak ko at kung ano anong bagay ang nabuo doon. Hindi ko iyon maipaliwanag. Maya maya pa ay biglang nahati sa gitna ang napakalaking puno ng Terestial. Nagkaroon sa gitna nito ng makulay na liwanag at maya maya pa ay hinigop nito ako papasok. Naramdaman ko na lamang ang pagikot ng paligid ko.

Perfect SwitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon