Chapter 2 (Part 2)*BiancaMeetsMangTasyo
Bianca's POV
Nagpadala ng package si Papa . And ngayon nga ay dadalhin ko kina Tita Liza yung para sa kanila. Pagbaba ko ng tricycle ay agad kong inabot yung bayad. Agad akong naglakad papunta kina Tita.
"Ay sorry pre !" sambit ko dahil mukhang may kasalanan din ako.
"Okay lang sige una na ko !" Hindi na niya ako masyado pinagmasdan. Mukhang nagmamadali siya. May dala kasi siyang bigas mukhang magsasaing.
Bading pala siya base sa kilos at pagsasalita niya. Pareho siguro kami ng pinagdaraanan. Tanggap kaya siya ng parents niya ?
Maya maya pa ay narating ko na rin ang bahay ni Tita Liza. Sinalubong na niya ako sa labas ng gate dahil alam naman niya na pupunta ako ngayon. Kapatid ni Papa ang asawa niya . Si Tito Aldrin na isa namang guro sa senior highschool .
"Pasok ka BM !" siya sabay kuha sa akin ng kahon na naglalaman ng padala ni Papa.
Mas malaki ang bahay nila kumpara sa amin. Nagtataka nga ako dahil abroad na nga nagwowork si Papa pero parang mas okay pa ang buhay nila Tita kesa sa amin.
"Tita asan po so Tito ?" tanong ko naman habang pumapasok sa pinto nila.
"Ah wala may inasikaso sa school . Alam mo naman malapit na ulit ang pasukan."
Pinasok na niya sa isang kwarto ang kahon. May tatlong kwarto dito. Malawak ang sala nila . May malaking flatscreen tv at kung ano anong display.
Dumiretso si Tita sa kusina. At mukhang alam ko na kung bakit. Pagbalik niya mula sa kusina ay may dala ma siyang sandwich na nasa plato. Egg sandwich yun at mayroon din na orange juice.
Yummy !
Matapos maipatong ni Tita ang pagkain sa lamesita ay agad akong dumampot ng isang sandwich.
"BM may gusto lang akong itanong sa'yo!"
"Ano po yun Tita!" Umiinom muna ako ng juice para maitulak ang sandwich na kinain ko.
"Aware ka naman siguro na hindi na kami magkakaanak ng Tito Aldrin mo tama ba ?"
Oo aware ako na baog si Tito and may problema din sa matres si Tita. Kaya siguro mas maalwan ang buhay nila kesa sa amin ay dahil wala silang anak na sinusuportahan.
"Opo !"
"Palagi namin itong napaguusapan ng Tito mo at payag naman siya. Kung okay lang sa'yo na dito ka na tumira sa amin at kami na magpapaaral sa'yo!"
Medyo hindi ko alam kung ano magiging reaksyon ko sa sinabi niya.
"Ahmmm Tita kaseee.....
"Hindi ka naman namin pinipilit na magdesisyon agad. Kakausapin pa rin naman namin ang Papa Mario mo tungkol dun !"
Kung ba dito na ako sa kanila? Magiging masaya kaya ako ? Pero paano si Tonton ayokong malayo sa kanya lalo at baka saktan lang din siya ni Marites.
"Bigyan niyo na lang din po muna ako ng panahon para mag-isip."
Ngumiti ako sa kanya. Mabait naman silang magasawa sa akin. Actually mas okay nga kung mangyayari yun dahil malalayo ako kay Marites. Tanggap na tanggap din ako ni Tita kung ano ako.
Ilang oras pa bago ako nagpaalam kay Tita. Nanood muna ako ng tv habang nakahiga sa malambot na sofa. Ang sarap sa pakiramdam na malaya kang gawin ang gusto mo.
![](https://img.wattpad.com/cover/176242364-288-k280549.jpg)
BINABASA MO ANG
Perfect Switch
FantasyIsang lalaking may pusong babae at isang babaeng may pusong lalaki. Paano kung magkapalit sila ng katawan? Is this a Perfect Switch? Or start of a bigger challenge that they need to overcome!