*PSUltimateDream
[Gardo POV]
Mula nang magkapalit kami ni Bianca ng katauhan. Andaming mga bagay ang hindi nagagawa noon ang kering keri ko ng nagagawa ngayon. Ang magmakeup,magsuot ng damit pambabae at kung ano anong kalandian ng isang bakla. Pero may mga bagay din ang hindi ko gusto ngayong babae na ako. Katulad ng pagkakaroon ng buwanang dalaw at pagsusuot ng bra. Kaloka mga sis akala ko magandang magkaroon ng boobs hindi pala. Alam mo yung feeling na parang may dala dala ka palagi. Lalo pag walang bra kaloka hindi siya bongga mga sis.
Sa ngayon nga ay nakaharap ako sa salamin dito sa kuwarto namin ni Tonton sa bahay ni tita. Isinusukat ko ang gown na susuotin ko sa pageant. Grabe pangarap ko lang ito dati eh ang makasali sa pageant kahit pa nung bakla ako. Hindi man lang ako noon nakasali sa Miss Gay eme eme. Pero ito na mararanasan ko na.
Musta kaya si Bianca? Hindi ko pa siya nakokontak eh. Magaling na kaya siya. Agad akong lumabas ng bahay para puntahan siya. Kalalabas ko lang galing school.
Namiss ko ang bahay na ngayon ay nasa harapan ko. Ang bahay na kinagisnan ko. Kakatok pa lang sana ako sa pintuang gawa sa plywood ng biglang may nagsalita sa likuran ko.
"Oh iha wala si Gardo dito eh kasama ng nanay niya sa pinagtatrabahuhan."
Sobrang bumilis ang pagtibok ng puso ko. Ang lalaki kasing walang ginawa kundi ang kamuhian ang buong pagkatao ko ay nasa harapan ko. Ang bait bait ng awrahan niya mga bes.
"Ah ganun po ba sige mauna na po ako!" Paalam ko sa kanya.
"Iha andito ka na lang din naman ay pumasok ka muna. Baka maya maya ay darating na rin yun si Gardo. Tamang tama may pagkain pa dito. Magbiscuit at softdrinks ka muna iha !"
Sumunod lang ako sa kanya. Mula nang magkapalit kami hindi na ako nakakapunta dito palagi. Kaya nagulat ako nang makitang medyo nagbago na ang itsura ng loob nito. Sementado naa ng sahig nito at nagkaroon na ng mga plywood na dingding. Dati kasi ay may tarapal pa ito at butas butas pa ang bubong pero ngayon ay maganda na ang mga yero.
Pinaupo niya ako sa mesa. Ipinatong niya doon ang biscuit na nasa pinggan at ang one point five na softdrinks. Kumuha siya ng baso at ipinagsalin ako.
Alam niyo yung feeling na finally inaasikaso ka ng tatay mo. Finally hindi ka niya binubulyawan at sinasaktan. Ang sarap grabe para ako ngayong nasa ulap.
Umupo siya sa harapan ko. "Iha ang ganda ganda mo pala. Ikaw ata yung babaeng nagugustuhan ni Gardo eh." Bigla niyang pagsasalita.
"Ah hindi po ako yun hehe."
"Ah ganun ba . Ngayon lang kita nakita iha pasensya na. Saan ka nga pala nakatira?"
"Ah jan po sa kabilang kanto! Kay Aldrin Flores po!"
"Ah ganun ba. Kaano ano mo sila ?"
"Tiyuhin ko po! Andun po kami ng kapatid ko sila na bahala magpaaral sa'kin."
"Ah ganun ba. Pareho ata kayo ni Gardo eh. Napakasipag mag-aral. Alam mo ba proud na proud ako sa anak kong yun. Mahal na mahal ko yun." Pakiramdam ko ano mang oras mula ngayon babagsak na ang mga luhang kanina pa nagkukubli sa mga mata ko. Sobrang sarap pakinggan. Sobrang sarap sa pakiramdam na marinig mula sa tatay mo na mahal ka niya. "Kaya nung nagkasakit siya sobrang kinabahan ako. Lahat na ginawa ko. Maya maya ako tumatawag kay Josie para magtanong kung ano gagawin. Ngayon lang kasi kami nagkalapit ng anak kong yan eh."
"Bakit po pala ngayon lang kayo naging malapit sa isa't isa?" Tanong ko kahit alam ko naman na ang sagot.
"Naku mahabang kwento. At ayoko ng balikan pa. Ang mahala okay na kami"
BINABASA MO ANG
Perfect Switch
FantasyIsang lalaking may pusong babae at isang babaeng may pusong lalaki. Paano kung magkapalit sila ng katawan? Is this a Perfect Switch? Or start of a bigger challenge that they need to overcome!