Chapter 18

61 15 2
                                    

*PSTruthForKurt

Bianca's Point of View

Sunday morning at hanggang ngayon ay nalilito pa rin ako. Nagkatapat kasi ang pagakit ni Princess at Kurt sa akin. Si Princess inaya niya ako sa kanila magvideoke samantalang si Kurt naman ay may special request. Pumunta raw kaming mall at pag sumama ako hinding hindi na niya ako guguluhin.

Alam ko na!

Agad kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan si Gardo. Sinagot naman agad yun ni Gardo.

[Wow ha parang apakalayo mo sa'kin ah]

"Ah haha Gardo puwede bang ikaw na lang makipagkita kay Kurt para sa'kin. Ngayon din kasi ako pupunta kay Princess eh alam mo naman siya ang gusto ko at wala akong pakialam kay Kurt"

[Ayoko nga!]

"Gardo pleasee para tigilan na niya ako. Sabihin mo may pinuntahan ang family namin o mag-isip ka ng matinding palusot. Sobrang gusto ko ng tigilan niya ako!"

[Okay fine. Enjoy kayo ni Cess. Pasabi naman kung puwede kami maging close. Sabihin mo na hindi ko naman gusto si Eldon eh]

Natawa na lang ako sa sinabi niya. Kaya agad akong pumayag. Agad akong naligo at kumain. Matapos yun ay dumiretso na agad ako sa pagbihis. Nakita ko si Tito Aldrin. Nagpaalam muna ako ayoko na kasing maulit yung nangyari nung nakaraan. Masaya na ako na okay na ulit kami.

Andito na ako ngayon sa labas ng gate nila Princess. Tinext ko na si Princess at ilang saglit pa ay lumabas na siya ng gate. Pinapasok na niya ako sa loob.

Sa likod kami dumiretso sa kanilang garden. Ang ganda pala dito hehe. "Gardo puwede magvlog muna ako. And patulong na rin!"sambit niya.

Ay vlogger nga pala si Princess. Naalala ko tuloy yung sinabi sa'kin ni Gardo. Ayon daw kay Eldon niligawan lang niya si Princess para lang maambunan ng kasikatan. Ibang klase talaga si Eldon noh. Makasariling gago!

"Sure!"pagpayag ko.

<_
>_

"What's up Acessionism I'm back again for another video. And I have a special guest. Please welcome Gardo  my friend!" sambit ni Princess habang nakaharap sa camera. Pagkatapos ay ipinatong niya ang camera sa mesa na nasa harapan namin.

"Gardo say Hi to my vlog."

"Hi everyone!"

"Remember guys nagpost ako sa twitter ng #AskPrincess so ayon ito na si Gardo ang magbabasa ng mga tanong niyo guys so lets do this!"

Nakakatuwa si Princess. Ansaya saya niya sa ginagawa niya. So ayon ako nga ang naging tagabasa.

"Ahmm ito ang first question. Ano ang feeling na isa ka na ngayon sa tinitingalang vlogger?"

"Hmmm siyempre masaya and at the same time minsan nararamdaman ko na parang hindi ko deserve itong tinatamasa ko ngayon. Pero thank you guys sa support na natatanggap ko sa mula sa inyo!"

"Okay nxt question. Si Eldon na ba ang the best boyfriend for you?"

Natigilan din ako sa tanong ko. Ibang klase bat kasi may ganoong tanong!
"Princess you don't have to answer. Next question na lang!"

"Hindi Gardo sasagutin ko yan. For me he is not the best. Dahil kong siya na kasama ko sana siya hanggang ngayon. Aaminin ko na sa inyo guys. Break na kami ni Eldon!"

Medyo naluluha pa siya pagkasabi niya nun. Alam kong minahal niya talaga si Eldon. Pero bakit kasi napakaselfish ng gunggong na yun.

Agad akong nagnext question."Ano ang maiipayo mo sa mga aspiring vloggers na gustong maging katulad niyo?"

Perfect SwitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon