Chapter 22

51 11 15
                                    

*PSShockingDiscovery

Bianca's Point Of View

Ilang araw akong hindi nakapasok dahil nagkaroon ako ng lagnat. Sobrang taas umabot ng 40 degree. Nakakatuwa na ang tatay ni Gardo amg nagasikaso sa'kin habang wala ang nanay ni Gardo. Nanay at tatay ko na nga lang mas okay tutal ako naman na si Gardo sa paningin nila.

"Anak kausapin mo nanay mo oh!"  Iniabot ni tatay ang cellphone niya sa akin.

"Hello Nay," masaya kong bati dito.

["Oh nak kumusta pakiramdam mo?]

"Medyo okay na po. Miss na miss ko na po kayo."

Naiiyak na ako habang binibigkas ko yun. Nakakatuwa lang na sa ibang tao ko pa naramdaman ang magkaroon ng ina. Inang may malasakit sa anak at mahal na mahal ako.

["Tamang tama anak bukas uuwi ako jan. Isasama kita dito sa mansyon. Birthday kasi nung amo ko!"]

Nakaramdam ako ng excitement sa narinig ko. Isasama niya ako sa mansyon na pinagtatrabahuhan niya.

"Ahmm puwede ba ako jan? Baka magalit yung amo mo."

["Hindi anak actually yung amo kong babae ang nagpasabi sa'yo. Gusto ka raw niya makilala. Saka alam mo anak may anak silang babae for sure makakasundo mo yun!"]

Sorry hindi ako interesado! Kay Princess lang ako hehe. Pero nakakaexcite ha!

At dahil nga sa sobrang excitement sa sinabi  ni nanay ay halos hindi na ako makatulog. Ano kaya itsura ng mansyon na yun. Maganda kaya dun? May swimming pool kaya! Sayang hindi ko maiisama si Gardo may pasok at may practice pa siya para sa Miss Fortune. Wish ko na sana manalo siya. Alam kong dream come true para sa kanya ang sumali sa isang pageant na katulad nun.  At sa sobrang dami ko iniisip maya maya pa ay dinalaw na ako ng antok.

Kinabukasan maagang umuwi si nanay. May dala siyang mga pagkain mga pinaglumaang damit daw nung amo niya at kung ano ano pa. Natuwa naman si tatay dun. Ang saya para na kaming isang happy family.

Maya maya pa ay umalis na kami ni nanay. Naku tama ba itong suot ko. Gwapo na kaya ako? Naku excited na ako! Pero sayang talaga mas masaya kung kasama ko si Gardo.

Bumaba na kami ng tricycle. Isang jeep at isang tricycle papasok ng subdivision ang nasakyan namin. Andito na kami ngayon ni Nanay. Nagdoorbell si nanay at pinagbuksan kami ng guard. Wow ang astig! Ang yaman ng may-ari nito. Natanaw ko ang isang napakalaking mansyon pagpasok ko pa lang.

Balang araw makakatira rin ako sa ganyang kalaking mansyon!

Pagpasok namin sa loob ay dumiretso si nanay sa maid's quarter. At doon napagalaman kong mamaya pang gabi ang party. Akala ko pa naman kainan na agad ang dadatnan ko,magiintay pala ng gabi.

Ibang klase!!

Nakita ko namang nagsisipag handa na ang mga kapwa katulong ni nanay. Naisipan kong lumabas muna ng kusina. Napadpad ako sa sala at napakalawak nun. Parang mas malaki pa ito sa totoo naming bahay eh.

Andaming malalaking litrato at paintings na nakasabit sa dingding ng mansyon. Pero isang litrato ang nagpatigil sa aking paggalaw. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Isang lalaking sa tingin ko ay nasa edad 40 at ang anak nitong kilalang kilala ko.

Sabihin niyo pong mali ang nakikita ko please! Imposible akala ko ba hindi mayaman ang babaeng yun? Paanong! Andaming katanungang pumasok sa isipan ko sa mga oras na ito.

Janna!

Hindi ito ang bahay na pinaghahatiran ko sa kanya noon. Hindi ito yun eh! Pero bakit mukhang ang lalaking nasa litratong iyon ang ama niya.

Perfect SwitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon