A PS of PS

54 5 16
                                    

*PSSpecialChapter

Third Person's POV

One Week Later

"Hello Lauron musta na buti napatawag ka." Bungad ni Gardo sa kabilang linya matapos siyang tawagan ng kaibigan.

[Actually nakabalik na kami dito sa Manila. Kung hindi ka busy puwede ba tayo magkita?]

"Sure saan ba yan?"

Dahil sa miss na miss na niya ang kaibigang si Lauron ay payag agad siya. Isa nang ganap na teacher si Lauron samantalang ang kasintahan naman niya na si Laurence ay nagtatrabaho sa isang fast food chain bilang waiter.

Nagpaalam muna siya sa mga magulang niya na ngayon ay nagaasikaso ng kanilang negosyo. Matapos maibaba ang tawag ay agad siyang lumabas ng kwarto. Bumaba siya ng hagdan at agad hinagilap ang susi sa lagayan nito. Pumunta siya sa garahe at andun ang kanyang kotse. May sarili na rin siyang kotse nabili niya gamit ang sarili niyang kita sa kanyang negosyo. Kulay pink iyon kaya sobrang agaw pansin.

Nakasimpleng shirt na kulay dilaw lamang si Gardo na may ternong kulay black na fitted pants pero litaw ang ganda niya. Hindi rin maitatanggi na sobrang saya na niya sa buhay niya.

Isang oras lamang ay nakarating na si Gardo sa mall kung saan sila magkikita ni Lauron. Sa isang fast food chain yun kung saan nagtatrabaho si Laurence.

"Hoy grabe namiss kita nang sobra." Masayang sambit ni Gardo sa kaibigan.

"Ako rin sis super."

Nagyakapan pa ang dalawa sa may entrance ng fast food chain. Kung si Gardo ay nagpahaba na ng buhok at nagdadamit babae na rin si Lauron ay nanatiling lalakking pumorma. Dahil isa siyang teacher.

"Sayang wala ka sa reunion natin last week. Kulang tuloy kami."

"Sorry yung tita ko kasi sa probinsya namatay na kaya ayon pumunta kami ni ate. Sinamahan kami ni Laurence. Grabe sis hindi pa rin ako makapaniwala na mahal ako ni Laurence gosh!"

"Sure ka ba baka nagiimagins ka lang jan."

"Ikaw talaga pero grabe ang ganda ganda mo na beshy mukha ka ng babae talaga. Bagay na bagay lalo kayo ni Kurt."

Pumunta na sila sa isang table sa gilid. Si Laurence mismo ang nagserve sa kanila ng kanilang order.

"Grabe Laurence ang gwapo gwapo.mo na lalo. Pero curious ako mahal mo ba talaga si Lauron?" Birong tanong ni Gardo na ikinasimangot ni Lauron.

"Hindi eh-" Pinutol ni Laurence ang sasabihin. Ikinasimangot lalo ni Lauron yun. "Mahal na mahal ko yan hindi lang mahal hahahhaa." Nagtawanan si Gardo at Laurence dahil dun. Umarte naman si Lauron na para bang nasaktan talaga nang sobra kaya todo comfort naman si Laurence dito.

Naiwan na lang si Lauron at Gardo na kumakain. Dahil nagsiserved pa ulit si Laurence sa ibang customer.

"Ang swerte mo rin kay Laurence besh eh noh?"

"Oo nga eh. Alam mo ba kaya raw siya sumama sa probinsya eh para damayan ako. Nakakakilog nga eh. Kahit sobrang lungkot ko noon dahil nawala ang pinakamamahal kong tita ay nabawasan naman yun kahit papaano dahil sa kanya."

"Condolence nga pala ulit sis. Pero grabe noh hindi natin inexpect na pareho tayong magkakaroon ng masayang lovelife."

"Oo sis grabe akala ko hanggang tulo laway na lang ako kay Laurence pag nakahubad siyang nagbabasketball. Pero tingnan mo naman ang suppportive niya sa'kin. Lagi niya akong dinadalhan ng launch sa school. Grabe lalo tuloy ako naiinspired magturo siswang."

"Speaking of pagtuturo ano nga bang subject tinuturuan mo?"

"Major in English ako sis kaya ito ako englishing level 69 sa pagtuturo. Buti nga at secondary ang tinuruan ko hindi gaano sakit sa ulo. Pero siyempre stress din minsan. Buti nga may Laurence ako kaya ayon nababawasan."

"Namiss talaga kita sis."

"Ako rin by the way si Bianca ba asan na?"

"Malapit na raw siya sabi sa text kanina."

"Kasama si Princess?"

"Hindi eh may work daw ngayon."

"Sad naman pero ang bongga na ni Princess. Dati youtube lang siya napapanood pero ngayon pati sa tv. Grabe yung new teleserye niya ang gwapo nung leading man. Buti hindi nagsiselos si bakla."

"Ewan lang haha."

Natigil sila sa tawanan nang dumating na si Bianca. Nakapolo shirt lang ito na kulay blue at black maong pants. Ngiting-ngiti itong lumapit sa pwesto nila Gardo.

"Hoy sis grabe ang pogi mo na lalo." Sambit ni Lauron pagupo nito sa isang chair sa may table nila.

"Sakto lang."

"Tss pa-humble ka pa. Si Princess pala?"

"May taping sila ngayon eh."

"Ahhh buti hindi ka nagsiselos sa mga nagiging leading man niya."

"Alam ko namang ako ang mahal niya. Saka masaya siya sa ginagawa niya kaya masaya na rin ako."

"Haha good hmmm speaking of selos Gardo si Warren nga pala asan na? Grabe magselos nun si Kurt dun eh."

Napatingin namam si Gardo na kanina pa kumakain. Nakikinig lang siya kanina sa usapan ng dalawang kaibigan pero kailangan na niya ngayong magsalita.

"Ahmmm after graduation bumalik na siya sa lugar nila eh. Kaya ayon sa pagkaalam ko nagbreak na sila ni Angel yung girlfriend niya. Ngayon wala na ako gaanong balita sa kanya. "

"Ahhh ganern! Sayang naman yung effort mo noon sa pagtulong panliligaw hahaha. Tara na nga tama na ang chika 'di ako makakain ng maayos."

Ayon nagpatuloy lamang sila sa pagkain. Matapos kumain ay naguli pa sila sa mall kagaya ng ginagawa nila noong mga estudyante pa sila. Puro tawanan sila dahil naaalala nila ang mga kabaliwang nagawa nila noon.

Hindi maitatanggi na masaya na sila sa kani-kanilang buhay. Kahit pa hindi nila nakakasama gaano ang kanilang kasintahan dahil sa mga trabaho nito eh mas nagiging matatag naman sila. Parang kailan lang nang mangyari ang pagpapalitang nagpabago sa kanila. Si Gardo na isang baklang maabilidad at si Bianca na isang tomboy na matapang ay pareho ng masaya sa kani-kanilang buhay pamilya pati na buhay pag-ibig.

~•~

Ngunit kung sila ay masaya sa kanilang mundo si Anastasio naman ay may malaking pagsubok na kahaharapin sa kanilang mundong tinatawag na Pernatopia. Dahil nga sa kanyang paglalakbay sa kung saan-saang mundo mayroong nakapasok na masamang nilalang na balang araw ay magpapahirap at wawasak sa kanilang perpektong mundo.

Paano nga ba haharapin ni Anastasio ang mga pagsubok na ito kung ang kalabang naghihintay sa kanila ay mas makapangyarihan sa lahat?

Pernatopia isang mundong perpekto. Lahat sila ay pantay-pantay sa lahat ng aspeto. Pare-pareho silang nagtataglay ng mga kapangyarihan. Ang mga nilalang sa mundong ito ay tinatawag na Teptian. Wala silang problemang kinaharap sa mga nagdaang panahon. Ngunit isang mas makapangyarihang nilalang ang babago sa lahat ng nasabing pagkakakilanlan sa mundong iyon.

Handa ka na bang samahan si Anastasio at ang mga batang Teptian sa pakikipaglaban tungo sa pagbalik ng perpektong mundong kanilang kinagisnan? Tuklasin ang mga natatagong hiwaga sa mundong ating papasukin. Kilalanin ang mga mandirigmang pamumunuan ni Anastasio at samahan sila sa mahiwagang mundo ng

PERNATOPIA.

Perfect SwitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon