Chapter 20

56 12 14
                                    

*PSRepresentative

Bianca's Point of View

"Princess wait !" Sigaw ko habang hinahabol siya. Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko.

Tumigil naman siya at humarap sa akin. Bakas sa mga mata niya ang lungkot. Naupo siya sa hallway. Agad ko naman siyang nilapitan. "Princess ano ba ginagawa mo !"inalalayan ko diyang tumayo.

"Uuwi na lang ako Gardo! "

"Hatid na kita!"

Imbes na sa bahay ihatid. Sinama ko siya sa paborito naming kainan. Ang lomihan ni Aleng Emma.

"Sure ako pag kahigop mo ng sabaw niyan makakalimutan mo lahat ng sakit!"

Wala akong ibang gustong gawin kundi ang makita siyang masaya. Ayokong sinasayang niya ang luha niya dahil lang sa isang lalaking wala namang pakialam sa nararamdaman ng iba. Speaking of that bullshit man nasabi sa'kin ni Gardo ang inamin nito sa kanya. Dapat ko bang sabihin ito ngayon kay Princess.

"Princess may sasabihin nga pala ako sa'yo!"

Tumigil siya sa paghigop ng sabaw. At tumingin ng diretso sa'kin. Siguro ito na ang tamang oras para malaman niya ang totoo."Ano yun Gardo?" Baka pag nalaman niya yun baka makamove on na talaga siya kay Eldon.

"Princess inamin ni Eldon kay Gardo na hindi ka niya talaga minahal. Ginamit ka lang niya para matulad sa'yo. Maging sikat na vlogger. Pero dahil nagkaroon ng ganung eksena naudlot ang plano niya. Actually ang pustahan nila."

Sobrang natigilan si Princess sa narinig niya mula sa akin. Kita sa mata niya ang pagiiba ng emosyon niya. "Hayop pala talaga siya. Apakasinungaling niya! Sabi niya noon pa niya ako pinapanood at noon pa niya ako crush. Naniwala pa ako sa hindi ligawan ang pinatatagal kundi relasyon pero manloloko pala siya. Manggagamit siyang hayop siya. Akala ko sincere siya sa'kin. Nagpakaeasy to get ako sa kanya. First boyfriend ko pa naman siya!"nanginginig siya habang nagsasalita. Galit na galit siya dahil sa mga narinig niya mula sa'kin.

"Oh Cess san ka pupunta?"tanong ko dahil sa bigla siyang tumayo. Agad ko siyang sinundan.

Bumalik ito sa school. Mukhang alam ko na ang gagawin niya. Dumiretso kami sa covered court at naabutan namin doon si Eldon na naglalaro kasama yung kaibigan niyang si Laurence.

Nagulat ako ng biglang lumapit sa kanya si Princess. Kinuha nito ang isang bottled water na mukhang wala pang bawas at agad binuksan. "Eldon!"napalingon naman si Eldon dahil dun. Pero sobrang nagulat ako sa kasunod niyang ginawa. Ibinuhos niya ang laman ng bote at basang basa ngayon ang mukha ni Eldon.

"Anong problema mo ha!" halata sa boses niya ang pagkainis sa ginawa ni Princess.

"Problema ko mukha mo! Masyadong makapal at mapanlinlang!"sigaw ni Princess. Parang ibang siya ngayon. Lumabas yung mas palabang siya.

"Anong pinagsasabi mo ha? Akala ko ba okay ka na! Ikaw ka pa nga ang tumapos sa'tin 'di ba?!"

"At yun ang pinakamagandang bagay na nagawa ko! Walang hiya ka isa kang malaking mangga! Akala ko pa naman dahil kay Bianca kaya ganun ka."

Nakatayo lang ako habang pinapanood ang eksena nila. Wala ng ibang estudyante dito dahil tapos na ang lunch break. Tanging mga lalaki lang ang naririto na nagbabasketball.

"Ano bang pinagsasabi mo diretsuhin mo nga ako!"

"Alam ko na ang totoo! Alam ko na isa kang gago! Gaguhan pala ha. May papuntahan pa kayong nalalaman. Akala ko pa naman sincere ka sa nararamdaman mo sa'kin. Nagpaeasy tk get ako sa'yo dahil akala ko totoo ka!"

Perfect SwitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon