Chapter 46

23 3 32
                                    

*PSApologyVlog

Gardo's POV

Ilang araw na mula nang magumpisang dedmahin ako ni Bianca. Nitong araw ko lamang nalaman ang dahilan nun. Sabi raw kay Princess ay narinig  nito ang usapan namin. Kaya naman medyo gets ko na siya. Pero parang ang OA niya magreact akala ba niya gustong gusto ko yung ginawa ko! Eh kung hindi lang dahil kay Princess hindi ko gagawin yun. 'Di ko rin pati pinagsisihan nagkamake-up kit na me nabusog pa me. Oh 'di ba san ka pa? Sa Princess Offers na!

"Gardo punta ka nga sa kabilang section tawag ka ng isang SMAW student. Ipapaayos ko kasi yung nasirang sabitan ng padlock."

Kaloka  napaka-wrong timing naman nito. Hindi pa ako ready na harapin si Eldon matapos yung mga sinabi niya sa'kin noong recognition.

"Si Eldon na lang siguro ang tawagin mo siya yung pinakamahusay mag-welding dun sabi ni Sir Arcena."

"Sige po,"tanging sambit ko.

Wala naman kasing ibang tao dito dahil vacant namin. Nasa canteen lahat ng kaklase ko eh wala ako sa mood kaya gusto ko sana mag-stay dito. Kaya lang ito namang si Mam hayysttt. No choive ang lola niyo kundi ang sumunod.

Pagbaba ko ay dumiretso agad ako sa classroom nila. Oh noes mukhang nagkaklase sila! Ito yung pinaka-hate kung moment eh yung may kailangan tawahin tapos oras ng klase nila. Achkkkkkkkkk!

Para sa ekonomiya Gardo laban lang!

"Sir Aldrin excuse raw po kay Eldon."

"Eldon excuse ka raw,"sambit naman nito. Hindi pa rin ako sanay na tawagin siyang Sir nasanay kasi akong tito ang tawag ko sa kanya lalo na noong nasa katawan pa ko ni Bianca.

Maya-maya pa ay lumabas na si Eldon sa  kabilang pintuan. Kita ang tuwa sa kanya pagmumukha. Ano kayang nakain nito at mukhang sayang saya. Tahong with melted cheese ? Mangga with bagoong? Pechay with Mega Sardines? Or Tilapia with sweet tomato sauce?

"May ipapagawa raw si Mam,"malamig kong tugon. Oo malamig kasing lamig ng yelong sampung taong nakalagay sa refrigerator na walang patayan.

"Gardo sa wakas makakausap na kita."

"Ha?"

"Dalawang linggo akong nagkasakit at nitong mga nakaraang araw hindi kita magawang lapitan dahil lagi mong kasama yung Warren."

Akala ko maghahatdog siya buti namam sumagot siya ng matino. Dahil kung hindi mabibigyan ko siya ng magasawang sampal with junakis pa!

"Bat mo naman ako gustong lapitan? 'Di ba galit ka sa'kin! Sinumbatan mo pa nga ako. Sinabi mo pang peke yung feelings sa'kin ni Kurt!"  Well mukhang tama naman siya sa part na peke si Kurt. Akala ko pa naman totoo siya sa'kin. Sabi kasi ni  Bianca after nitong dumalaw sa'kin noong comatose ako never na itong bumalik.

"Kaya kita gustong makausap kasi gusto kong humingi ng tawad sa'yo."

"Bakit pa?"

"Para gumaan yung pakiramdam ko Gardo."

"Tss hinintay ka na ni Mam dalian mo."

"Patawarin mo muna ako!"

"Dami mong alam bilisan mo na nga!"

"Please Gardo patawarin mo na ako sa lahat lahat. Sa mga nagawa ko sa'yo noon. Sa lahat ng sakit at galit na ibinigay ko sa'yo."

"Okay fine! Kung yun ang makapagpapagaan ng loob mo. Sige! Pinapatawad na kita Eldon!"

Perfect SwitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon