Chapter 25

52 10 16
                                    

*PSConfused

Gardo's POV

Matapos kumain ay iniwan na ako ni Eldon. 'Di ba expert nga siyang mangiwan! Tsk ito ako pabalik na sa park kung nasaan sila Bianca. Pagdating ko doon ay napakalawak ng ngiti ng mga loko. Wag mong sabihing ? What! Magkakalovelife na ang body ko my gosh ! I can't imagine.

"Hoy bakit ang tagal mo?" Tanong ni Bianca na nakapagpabalik sa akin sa reyalidad.

"Nagkita kasi kami ni Eldon inaya niya ako kumain."

"Ah may goodnews ako sa'yo Ga—Bianca."

OMG itey na ba disss??

"Ano yun?"

"Payag na si Princess na magpaligaw sa'kin." Nakangiting kuda niya sa akin.

Aishhhh akala ko naman magjowa na ang mga ito. Mas okay kung ako mauna hehehe chosss

"Wow congrats. Princess wag mong sagutin yan agad agad ha." Sambit ko naman kay Princess na ngiting ngiti lang sa'min.

"Willing ako maghintay no. Kahit forever pa yun."

Naku naku naku!!! Ang mga banat ni Bianca Umi-Eldon emedoo!

"Asus naman sige na ito na yung pinabibili niyo. Enjoy muna kayo jan alone. Maghahanap lang muna ako ng boyss hahahaa!" Pabirong paalam ko pa sa kanila.

Naglakad lakad muna ako sa park habang sila Bianca ay nagtatawanan. Tsk eh di sila na may lovelife.  Andaming magjowa dito sa park sa totoo lang. Super OP na me ditey.

Nasan ka na ba kasi Mr. Right? Okay lang kahit hindi ka ganun ka-perfect basta mamahalin mo ako with all your heart.

"Gardo !"  Isang pamilyar na boses iyon.

Paglingon ko ay nakita ko si Kurt. Nakangiti ito sa akin na para bang wala ng bukas.

Juskolored siya na ba si Mr. Right? Pero mukhang hindi eh nasa front ko kasi siya ngayon.

"Oh Kurt akala ko ba umuwi ka na ?"

"Ah malapit lang kasi kami dito. Eh nagba-bike ako. Tapos nakita pa kita!"

Lumapit siya sa kinatatayuan ko.

"Ah ganern? Pero next time Bianca pa rin itawag mo sa'kin. Baka may makarinig malaman nila secret namin."

"Haha yun lang ba sige promise!"

"Asan yung bike mo ?" Muli kong tanong sa kanya.

"Ah andun oh tara sama ka try mo!"

"La hindi naman ako marunong eh!"

"Ano ka ba? Eh 'di tuturuan kita."
At wala na akong nagawa pa dahil bigla na niyang hinawakan ang kamay ko at hinila papunta sa kinaroroonan ng bike niya. Kaloka mga sis feeling ko may kuryenteng biglang dumaloy sa buong sistema ko. Ganito yung feels ko kay Eldon. Posible bang ? Wahhhhhh .

So ayon tinuruan ako ni Kurt magbike. Jusko mga sis ang hirap magbalance. Parang ako lang unbalance hehehe. Nakailang slide na ako at hanggang ngayon hindi pa rin ako marunong.

"Kailangan mo lang mag-focus. Ibalance mo yung katawan mo at tumingin ka ng diretso sa daan."

Jusme ayoko na. Mas gugustuhin ko na lang maglaro ng barbie kesa dito wahahhaa charooott.

Ginawa ko lahat ng advice niya and paunti-unti medyo nakakausad na ako. Hehehe. Hanggang sa ayon nakakapidal na ako confidently. Yahooooooooo I'm so proud of myself.

Perfect SwitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon