Chapter 41

33 2 23
                                    

*PSGoodbye

Kurt's POV

Habang naglalakad papasok ng hospital ay nagsalita si Kuya. May pagtataka sa kanya at mukhang alam ko na kung bakit.

"Kurt sino yung Gardo? Wag mong sabihing—

"Oo kuya pero maiiwan na tayo nung tatay niya oh."

Mabilis kaming sumunod doon. Kinakabahan ako sa daratnan ko doon. Sana gising na siya pag nakita ko.

Pumasok ito sa isang kuwarto. Sumunod lang naman kami. Nagpaalam muna si kuya may bibilhin lamang daw siya. Ipinatong nito sa isang table ang bag niya.

Biglang lumukso ang puso ko nang makita ko si Gardo. Sobrang saya ko dahil dininig ng panginoon ang panalangin ko.

"Kurt buti nandito ka,"mabilis akong lumapit sa kama niya. Alam kong nabigla siya sa ginawa ko. Sobrang miss ko kasi siya kaya nayakap ko siya agad.

Bahagya niya akong itinulak para kumawal ang pagkakayakap ko sa kanya. Nagtaka ako kung bakit niya nagawa yun. Hindi niya ba ako namiss?

"Gardo hindi mo ba ako namiss? Alam mo ang saya saya ko dahil gising ka na."

"Kurt may kailangan kang malaman,"bumilis ang tibok ng aking puso. Pakiramdam ko ay hindi maganda ang nais sabihin nito. Tumingin lamang ako sa kanya upang hintayin ang kasunod niyang sasabihin sa'kin. "Ako na si Bianca and si Gardo nasa ICU comatose siya Kurt," hindi na nito napigilan ang umiyak. Napatingin ako sa kamay niya. May nakakabit na dextrose doon. Sana nagbibiro lang siya.

"Uy wag kang magbiro ng ganyan Gardo. Eh ito ka nga oh may nakakabit pang swero. Eh 'di ba si Gardo ang—

Natigilan ako nang mapansin kong seryoso talaga siya. Nakabalik na ba talaga sila sa sarili nilang katawan?

Mabilis akong lumabas ng kuwarto na iyon. Naramdaman ko namang nakasunod sa akin ang tatay nu Gardo. Pakiramdam ko ay hindi ko kakayanin kapag nakita ko ang kalagayan ni Gardo.

Magkasama kaming pumasok nito sa ICU. Nakasuot kami ngayon ng face mask at hospital gown. At mas tumindi ang bigat sa dibdib ko nang makita ko ang kalagayan ni Gardo. Nasa likod ko lamang ang tatay niya pero wala akong pakialam. Mahal na mahal ko si Gardo at hindi ko kinakaya ang nakikita ko.

Ibat-ibang aparato ang nakakabit sa katawan niya. Tanging ang tunog ng life support ang maririnig. "Gardo ano pang hinintay mo? Andito na ako tapos nakabalik ka na sa katawan mo. Gumising ka na please lang miss na miss na kita." Patuloy sa pagdaloy ang aking luha.

Maya-maya ay tumunog ang life support. Nagulat ako at nataranta nang makitang nagpa-flatline ito. Agad na tumawag ng doctor ang tatay ni Gardo.

Hindi ko malaman kung ano ang gagawin ko. Masyado akong nasasaktan sa nangyayari sa ngayon. Wag mo akong iiwan Gardo please lang.

Dumating na ang doctor kasama ang ilang nurse. Pinalabas niya kami ng tatay ni Gardo. Nagumpisa na nilang irevived si Gardo. Ilang ulit pa ay muling gumalaw ang linya.

Thank You  Lord!

————

Nakaupo ako sa upuan sa hallway ng hospital. Hindi ako makapaniwalang nangyayari ang lahat ng ito. Ayaw tanggapin ng puso't-isip ko ang mga nangyayari.

Napahawak na lamang ako sa akung mukha at ipinatong ang siko sa tuhod. "Kurt,"isang pamilyar na tinig ang aking narinig.

Princess

"Totoo bang comatose si Bianca?"

Tumayo ako at hinarap siya. Hinfi pa niya siguro alam na nagbalik na sila sa mga katawan nila.

Perfect SwitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon