Chapter 34

43 2 17
                                    

*PSThePrincessAndThePrince

Bianca's POV

Kung pagbibigyan ako na mabuhay muli isa lang ang hiling ko. Yun ay ang mabuhay ako na masaya. Maramdaman ko ang pagmamahalan ng pamilya. Wala na akong pakialam pa kung maging tomboy,bakla,lalaki o babae pa ako.

"Uy anak parang ang lalim ng iniisip mo ah? Chix ba yan?"  tanong ni tatay. Nakaupo siya ngayon sa kulay puting monoblock chair sa labas ng bahay namin.

"Tay pa'no kung sabihin ko pong hindi ako si Gardo?"  Nagulat siya sa sinabi ko. Hindi ko alam kung matatawa siya o hindi dahil sa reaksyon.

"Ano bang pinagsasabi mo anak? Kung hindi ikaw si Gardo eh sino ka? Wala namang kakambal si Gardo. Mabuti pa matulog ka na lang ."

Mahihirapan talaga kami ni Gardo na paniwalain ang lahat tungkol sa sitwasyon namin.

————––––

Weeks Later

Kinabukasan ay nauna na ako sa school. Birthday kasi ni Princess today. March 19 na and ilang araw na lang ang ipapasok namin. Recognition days is coming to town mga dre! Nasurvive namin ang one school year na wala sa sarili naming katawan.

Pagdating ko sa school ay may mga estudyanteng nasa stage. Nagdidesign sila doon. Agad akong pumunta sa kanila. "Guys para saan yan?" tanong ko.

"Ah para sa birthday ng girlfriend niyo. Nakalimutan niyo ba?"  Sagot ng isang babae.

"Mga fans po kami ni Princess. For the love po nagpaalam kami sa principal para sa celebration."
Sambit naman ng isa pang babae.

Ang astig naman pumayag ang principal for the celebration. 'Di ko inexpect ito ah. Nakakaproud na may famous akong girlfriend. Nakitulong na rin ako sa kanila sa paghahanda.

Ilang saglit pa ay dumating na si Princess. Gulat na gulat siya sa naabutan niya sa stage ng school. Alam kong ayaw niya ng paganito pero sana maappreciate niya yung effort lalo na ng fans niya.

Happy Birthday To You! Happy happy Happy happy happy birthday to you.

Nagumpisa ng magkantahan ang mga fans niya. Nakisabay na lamang ako sa kanila sa pagkanta. Seventeen pa lang si Princess.

"Gardo isayaw mo naman si Princess." Request ng isang fan sa akin.

Agad ko namang inaya si Princess. Sinayaw ko siya kasabay ang romantic song.

Wala akong pera
Walang magarang sasakyan
At kung sasabihin ako ay simpleng tao lang

Nakatingin lang ako sa mga mata niya. Ang sarap pagmasdan ng kanyang mga ngiti. Sana ganito na lang lagi. Masaya siya at masaya rin ako. Hindi ko alam kung hanggang kailan kami ganito pero ayaw ko munang isipin yun.

Alam ko namang sadyang magkalayo ang ating mundo
Pero aking maipapangakong
Araw gabi kaya kitang pagsilbihan
Hatid at sundo ako ay lagi lang nandyan
Pangako sayo ay di na kita iiwanan

Bagay na bagay yung kanta sa kanya. Dahil para sa'kin kahit na hindi naging Princess ang pangalan niya isa pa rin siyang prinsesa. Prinsesa na mahal na mahal ko.

Mahal kitang labis
Susubukan ko kahit
Wala kong palasyo na abot hanggang langit
At sa bawat araw na tayo'y magkasama
Dala ko ay ligaya
O aking prinsesa.

"Alam mo Gardo hindi ko inexpect na ang paglipat ko ng school ay magiging isang napakagandang karanasan. Dahil dun nakilala kita at si Bianca." Sambit niya may ngiti pa'rin sa kanyang labi. Nakapatong ang kamay niya sa balikat ko at ako naman ay nakahawak sa bewang niya.

Perfect SwitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon