PS: Facts

53 3 13
                                    

Thank you so much for supporting this story. Hope you enjoy until the last chapter. Pero dahil tapos na ang kwentong ito, meron akong ilang ishi-share na facts about this story. Kung hindi ka interesado puwede ka namang umalis na dito sa page na ito hahaha.

~•~•~•~

*Nabuo ang konseptong ito habang nanonood ako ng Wansapanataym Presents Switch Be With You. Naisip ko what if isang bakla at isang tomboy naman. Tutal palagi akong nakakakita ng isang babae at isang lalaki tapos parehong lalaki then parehong babae.
Para maiba lang naman guys hahaha.

*Dahil nga nakabuo ako ng concept sa isip ko nag-isip ako ng title. Eh saktong kinomersyal noon ang Pitch Perfect movie habang nanonood kami sa GMA. Kaya ayon naisip ko Switch Perfect ang title. Pero hindi nagpatalo ang second thought ko na Perfect Switch na lang. Naguguluhan pa rin ako noon sa dalawa kung ano ang itatitle ko nagtanong ako sa friends ko. Mas okay raw Perfect Switch kaya ayon. PERFECT SWITCH is the final title!

*Siyempre kung may concept at title na kailangan na ng name ng main characters. Nag-isip ako ng name ng lalaki na mahirap lagyan ng female version. Naisip ko ay Gary. Tapos dinagdagan ko ng second name which is Louis. Pero naisip ko hala pangalan pala yun nung boyfriend ng kaklase ko. Kaya ayon todo palit ako naisip ko Gardo. Ganoon din sa babae dahil sobrang fan ako ng Kambal Karibal (na may palitan ng katawan din na naganap) which is si Bianca ang isa sa bida kaya ayon wala ng pero at bakit. Yun na dinagdagan ko na lang ng Marie. Sa apelyido naman kailangang makabuo ng GF at BF sa mga name at surname nila. Kaya ayon Fuentes and Flores naging surname nila. Sa mga supporting characters naman inspired lang yun sa mga name ng kaklase ko then yung iba bigla na lang pumasok sa isip ko habang sinusulat ko kaya ayon.

*At dahil may concept, title and characters name na dito naman tayo sa kung ano ang magiging dahilan ng pagpalitan. Una kung naisip ah dapat maaksidente sila or something. Pero narealize ko rin na medyo cliche na yun. Then second thought ko ay may bulalakaw na babagsak mula sa langit. Magwiwish si Bianca at Gardo na maging ganap na babae at lalaki na lang sila. Pero naisip ko masyadong corny na. Hanggang sa naisip ko na lang na isang matandang babae agad ko naman ginawang lalaki dahil babae na nga yung sa WISYA pati ba naman dito. Kaya ayon nagkaroon ng Lolo Tasyo, na saka ko lang naisipang gawan ng full name na Anastasio.

*Bigla ko naisip anong klaseng nilalang si Lolo Tasyo at nagawa niyang pagpalitin? Naisip ko isa na lamang itong mangkukulam. Pero nawerduhan ako agad dahil usually babae yun. Kaya naisip ko basta makapangyarihan siya. Dun ko naisip na dapat may tindahan siya na pagnanakawan nila Gardo dahil sa hindi sila satisfied sa pinalit nilang gamit.

*Tungkol dun sa 1.1 to 5.2 na chapter actually hanggang 10.2 dapat yun dahil gusto ko mahaba ang introduction sa mga main characters.  Pero kahit ako nainip na dahil parang matatagalan bago magkaroon ng konek yung title sa ganap. Kaya ayon ginawa kong hanggang 5.2 langa ng introductory chapters. Then mula 6 ay pinagsama ko na ang point of view nilang dalawa.

*Ang plano ko dito ay mga 30 chapters lang kagaya ng Close To You. Pero dahil Chapter 12 pa lang ako noon and pakiramdam ko mabibitin ako sa ganap ayon ginawa kong 48. Hanggang sa makarating ako sa 48 naisip kung paabutin ko ng 50 para walang putal hahaha.

*Nakarating ako sa Chapter 26 at naisip kong gawan ng special chapter si Lolo Tasyo. Sabi ko wala man lang siyang backround kung anong klaseng nilalang siya. Kung bat niya kayang magpalit-palit ng mga bagay. Kaya naisipan kong gawan siya ng mundo. Nagisip ako ng pangalan nung mundo. Sabi ko dapat naguumpisa sa Per then dinagdagan ko na lang  ng Pia dahil nakakita ako ng isang word na Utopia. Actually nagtanong pa ako sa mga friends ko pero wala sila masuggest na name para sa isang perfect world. Kailangan kasi Perfect para may connect sa title hahaha. Dapat mga Perñatopia pero naisip ko dapat simple lang para mabigkas agad. Kaya ayon PERNATOPIA.

*Aaminin ko wala sa plano kong lagtan ng Pernatopia world ang kwento. Kaya lang naisip ko na ang genre nito ay Fantasy bakit hindi ko pa itodo yung fantasy feels 'di ba? Hahaha.

*Kagaya nang wala sa plano ko ang Pernatopia wala rin sa plano ko si Warren. Kaya lang one day trying hard ako pahabain yung chapter kaya ayon naisip kong gawan ng childhood friend si Gardo. Dapat nga mas matagal pa ang selosan kaya lang malapit na magwakas noon kaya ayon binigyan ko na lang siya ng girlfriend.

*Wala rin sa plano ko na vlogger si Princess actually. Nag-isip na lang ako nang paraan kung paanong mabilis nagkagirlfriend si Eldon. Ginawan ko na lang ng twist hindi kasi uso sa'kin noon ang fast pacing eh yung tipong after months agad. Pero okay na yun naitawid ko naman. Yiieee Acessionism!

*Janna's Role as anak ng pinagtatrabahuhan nung amo ng nanay ni Gardo ay supposedly kay Princess. Pero nauna na yung scene na iba ang bahay nila noong sumama si Bianca para sa birthday nung kapatid niya. Honestly bigla ko na lang naalala si Janna out of nowhere. Sabi ko what if bigyan siya ng second chance na ipakita yung other side niya. Tingnan mo naging sila pa ni Eldon. Hahahaha!!

*At tama ang hinala niyo nang mabasa niyo ang Special Chapter sa previous page. Magkakaroon ng spin-off ang Perfect Switch kung saan magpopokus na sa Pernatopia. Paano nga ba nabuo ang mundong iyon? Ano ang hiwaga sa likod ng perpektong mundong yun? Malalaman natin yan pero hindi pa sa ngayon. Ibang level na fantasy experience na iyon kaya kailangan ko pang paghandaang mabuti. Sa ngayon pokus muna ako sa 'My Island Girl'.

PERFECT SWITCH

Perfect SwitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon