Chapter 7

108 21 5
                                    

*PSWokeUpLikeThis

Gardo'sPOV

Kinagabihan naisip kong magtanong kay Nanay. Nakaupo ito ngayon at nagbibilang ng pera. Wow daming pera hahahaha. Charoowwwt langs nagkakape lang siya. Magaalasdose na at gising na siya. Tulog na tulog naman na si Pudracles.

Tumabi ako sa kalapit niyang upuan. At napatingin siya sa akin.

"Oh nak kala ko tulog ka na !?"

"Nagising lang po ako."

"Ah magkape ka kung gusto mo !"

Hindi na ako nakapagpigil pang magtanong.

"Ma alam niyo po ba yung kubo dun sa may malawak na parang !?"

Nagbakasali na lang ako na alam niya yun.

"Huhhh ?? Anong kubo ?

Halatang hindi niya alam iyon.

"Kubo po doon sa likod sa may gate na pula sa kabilang kanto!"

Kita sa mata niya na hindi niya alam ang tungkol sa sinasabi ko.

"Ah alam ko na may pulang gate na napalilibutan ng pader pero kaparangan lang ang nasa loob nun. Bakanteng lote lang yun at walang nakatayong kubo dun simula pa noon ."

Kinilabutan ako sa narinig ko mula kay Nanay. Anong meron sa kubong iyon at parang ako lang ang nakakaalam. Posible bang hindi oang karaniwang nilalang si Lolo Tasyo.

"Ah sige po tulog na ko!"

"Bat mo naman naitanong Gardo ?"

Nagisip ako ng palusot para hindi niya mahalata ang kakaibang naranasan ko.

"Nanaginip po kasi ako na may kubo dun sige po !"

"Sige!"

Agad akong nahiga at hindi na inisip pa ang hiwagang nangyari sa akin nitong mga nakaraang araw. Akala ko huli na yun may mas malaking hiwaga pa pala akong mararanasan.

Naramdaman ko na umaga na naginat inat ako. Pagmulat ng mata ko ay super duper nagulatcheee aketchhhh!

Nasaan ako ??????"

Sa sobrang pagkabigka ko ay nahulog ako sa sahig. Medyo mataas yun dahil double deck pala ito.

Ohhhhhhhh EMMMM GEEEE

Teka sino tong batang ito ? Kaninong bahay ito. Agad akong lumabas ng kwarto. Oo may pakwarto sila ditech. Paglabas ko ay wala namang tao sa salas at kusina. Agad akong lumabas ng bahay. Kailangan kung umuwi sa truenaney kung balor.

Sumakay ako ng jeep. Pero kinabahan ako ng marealized kung wala akong pamasahe. Paano na itech ????1 2 3 na ba ang drama ko !

Ilang sandali pa ay natanaw ko na ang tricycle lane na ang biyahe ay papunta sa min. Jusko !

Laking pasasalamat ko dahil madaming bumaba at hindi na napansin ng driver na wala pa akong bayad. Tumakbo ako papunta sa tricycle lane.

Paano nga pala ulit ako sasakay eh wala akong pamasahe. Kumapa kapa ako sa bulsa ng may makita akong 50 pesos. Astig naman may pera pala ako. Wait kanina pa ako nagtataka kung bakit iba na ang pananamit ko. Panlalaki din naman tingnan ito pero ano ba talaga nangyayare panaginip lang ba iteyy !??

And after a million hours of waiting nasa may amin na ako. Bumaba na ako sa tricycle at nagbayad. Sinuklian ako ng thirty pesos ng driver.

Ano bang kababalaghan ang nangyayari sa akin? Napahinto ako sa ng mapansin ko sa side mirror ng tricycle ang sarili ko. No hindi ako kundi si Bianca ! OMG!

Perfect SwitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon