Chapter 14

86 18 2
                                    

*PSBreakTheirRelationship

Bianca's Point of View

Gusto ko ang naisip na plano ni Gardo. Pero sana talaga magawa namin yun. Bumangon na ako sa higaan dahil may pasok pa. Naabutan ko naman ang nanay ni Gardo na may dalang mahabang bag at inaayos ang lagay ng damit.

"Nay san po kayo pupunta?"Tanong ko na nagpalingon sa kanya.

"Nak buti gising ka na. Hinintay lang talaga kita magising nasabi ko na sa tatay mo. May nagalok kasi sa akin ng trabaho. Eh sakto dahil magsasara na daw yung karenderyang pinapasukan ko. Magiging katulong ako sa isang mansyon. Mas malaki ang sweldo dun makakatulong ng husto sa pagaaral mo at sa araw araw nating pangangailangan!"salaysay nito.

"So iiwan mo po kami ni tatay ?"tanong ko

"Oo pero okay lang naman sa'yo di ba ? Maayos na kayo ng tatay mo."

Oo okay lang naman sa'kin. Pero parang ayoko pa rin na umalis siya. Ngayon ko na nga lang naramdaman ang mahalin ng isang ina.

"Pero puwede ko po ba kayong puntahan dun pag namimiss kita ?"tanong ko

"Oo naman!"

Binigay niya sa akin ang address ng pagtatrabahuhan niya. Matapos yun ay niyakap niya muna ako ng mahigpit bago tuluyang umalis.

Pa'no yun wala pa namang cellphone ito. Kawawa naman si Gardo hindi niya alam na paalis yung nanay niya para magtrabaho.

Sasabihin ko na lang siguro mamaya. Mabilis akong naligo at nagkape. Matapos yun ay agad akong nagbihis at umalis na ng bahay. Mukhang maagang umalis ang tatay ni Gardo san kaya yun pumunta?

Tamang tama ang dating ko dahil pasakay pa lang sila Tito sa kotse.

"Kuya Gardo!"sigaw ni Tonton.

Miss na miss ko na rin talaga ang kapatid kong ito.

"Tontoooon!"hindi ko na napigilang yakapin siya ng mahigpit.

Nagtaka si Tonton pero niyakap niya rin ako. Ilang saglit pa ay umalis na kami. Habang nasa biyahe ay iniisip ko ang mga mangyayari mamaya. Nagreview naman ako kagabi pero kinakabahan pa rin ako. Kailangan kong galingan para kay Gardo.

Maya maya pa ay bumaba na si Tonton. Nasa tapat na kasi kami ng school niya. Nagbabye siya sa amin at nagpaflying kiss pa.

Matapos ang ilang minuto ay narating na namin ang school. Agad kaming pumasok at nagpaalam kay tito. Hindi pala namin magiging teacher siya kasi Grade 12 ang tinuturuan niya sayang naman. Pumasok si tito sa principal's office at kami naman ay dumiretso na papuntang room.

Habang naglalakad ay nasalubong namin si Princess. Gumanda tuloy aagd ang araw ko dahil sa kanya. Pero nakakalungkot lang isipin na may boyfriend na siya.

"Hi Gardo good morning!"bati nito sa akin.

"Good morning din my princess!"bati ko naman pabalik.

"Palabiro ka talaga sige may pupuntahan pa ako!"paalam nito sa akin.

Nakatingin lang sa'kin si Gardo.

"Uy bakit ?"nagtatakang tanong ko.

"Wala mukha kasing magiging maganda ang plano naten!"sambit niya.

Dumiretso na kami ng room at medyo nagkakagulo na naman ang aming mga kaklase. Imbes na gawing walis yung walis tambo ginagawa nilang espada. At para silang mga bata kung maghabulan. Ibang klase!

Natigilan ako ng biglang harangin ni Freda si Gardo. Oo nga pala nagaway sila kahapon at mukhang riresbak ang loko.

"Oopss balik ka na daw sa pinanggalingan mong school stupid girl !"sambit nito na halatang inaasar si Gardo.

Perfect SwitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon