*PSMayTheBestManWin
Bianca's Point of View
Ang saya saya ko kahapon. Hindi ko maipaliwanag ang sayang nadarama ko. At dahil yun kay Princess. Andami naming ginawa kahapon. Tulad ng nag-vlog,nagvideoke,tapos ayon nanood kami ng movie sa kwarto niya. Buti nga hindi siya nailang kasi alam niya naman lalaki ang katawan ko. May tiwala naman daw siya sa akin.
Nasa school na kami ngayon at kasabay kong naglalakad si Gardo na ibang klase ang ngiti. Ano kayang meron hindi naman siya nagkwento kagabi kong anong nangyari. Ganun pala itsura ko pag masaya. Ang weird talaga ibang klase. Pero honestly medyo nasasanay na ako sa ganito. Na ako si Gardo at siya si Bianca.
Naalala ko tuloy yung sinabi sa'kin ni Lolo Tasyo. Kailangan daw naming magawa ang misyon para magbalik kami sa dati naming katawan. Naisip ko lang what if kailangang magpanggap talaga kami as gay and lesbian pa rin. Pero siguro tama lang naman ginagawa namin 'di ba. Eh kasi ito na lang naman yung makapagpapasaya sa mga puso namin. Ang maging ganap na babae at lalaki.
Malapit na kami sa room ng biglang matinig ko ang boses ni Kurt."Gardo!"sigaw nito. Agad naman akong napalingon. Siyempre ako nga si Gardo sa paningin niya eh noh.
Nakakagulatang ang kasunod niyang ginawa. Kay Gardo talaga siya lumapit. Sa katawan ko mismo. Nakapagtataka lang alam na ba neto?
"Oh musta Kurt! Pero may pakiusap lang sana ako sa'yo. Bianca pa rin sana itawag mo sa'kin. Baka kasi magtaka yung ibang makakarinig!"sabi pa ni Gardo.Alam na talaga niya? Buti naman hindi na niya ako kukulitin!
"Alam mo na pala hehe. Sa wakas hindi mo na ako makukulit!"sambit ko. Nakangiti lang siya sa'kin at sabay tingin kay Bianca. Aba aba baka mainlove siya kay Gardo eh katawan ko pa naman ang gamit niya pati gwapo este magandang mukha ko.
"Oo naman promise walang makakaalam!" ang late ng sagot niya eh noh. Ibang klase mga repa ngumiti ngiti muna at nagpacute bago sagutin si Gardo.
Agad na kaming pumasok sa room. Discuss dito discuss doon eh wala ako sa mood makinig. Naiisip ko pa rin kasi yung ginawa namin kahapon ni Princess eh.
Recess time at ito ako sa room. Nagtitipid ako mga bro eh. Alam niyo naman hindi pa nagpapadala yung nanay ni Gardo. Pero oks lang yun may pinabaon naman sa'kin yung tatay niya. Ay oo nga pala bumalik na pala tatay niya kagabi. Nagpunta raw siya sa kaibigan niya nagbabakasaling makahanap ng trabaho. 'Di ko nga alam kung anong klaseng trabaho eh pilay siya. Bahala na ang mahalaga nagbago na talaga siya. Sana nga ganun pa rin siya kahit na malaman niyang bading pa rin talaga ang anak niya. At ayon nga enjoy na enjoy kasama si Kurt. Anlandi eh noh! Nakakalimutan niya ata na katawan ko gamit niya! Hayysttt bahala na ibang klase lang talaga ang mga nangyayari sa'min.
Maya maya ay may lumapit sa'kin. Mga kaklase namin. Tatlong babae ang hinarap ako. "Uy Gardo matagal ko ng gustong malaman. Bakit bigla kang naging lalaki? Bading na bading ka 'di ba?"tanong ni ano ni basta yung matabang babae naming kaklase. Hindi ko talaga memorize pangalan nila.
"Oo nga at ito pa. Bakit lagi kayo magkasama ni Princess? Kasama ka pa niya sa latest vlog niya!?"sambit naman nung isang sobrang kapal ng make ul sa mukha. Nagmukha tuloy siyang clown sa itsura niya.
"Yah winasak mo ang PrinDon heart ko!"sambit naman ng isa lang may kapandakang babae.
"Hinay hinay lang okay! Ganito kasi gusto ko mg magbago! Masama ba yun ha! Saka kaibigan ko si Princess kaya lagi niya ako kasama. Saka isa pa hindi ako ang may kasalanan kung bakit nagbreak sila ni Eldon. Si Eldon ang dahilan okay!" paliwanag ko sa tatlong babaeng ito na makikitid ang utak.
BINABASA MO ANG
Perfect Switch
FantasyIsang lalaking may pusong babae at isang babaeng may pusong lalaki. Paano kung magkapalit sila ng katawan? Is this a Perfect Switch? Or start of a bigger challenge that they need to overcome!