Epilogue

112 6 25
                                    

*PSEpilogue

10 Years Later

Nakatingin lang ako sa dinadaanan  namin nang marealize kong nandito na pala kami.  Suot ang kulay pink na long gown habang ang mahabang buhok ay nakalugay. Ang suot ko ay tumiterno sa kotse ko na pink ang kulay. Bonggacious da ba! Ilang saglit pa ay tumigil na ang kotse. Finally I'm here na! Nakakaloka ang traffic grabedad!

Makikita ko na ulit sila sobrang namiss ko silang lahat grabe! Buti na lang talaga nagkaroon ng Reunion Party ang batch namin. Bababa pa sana si driver namin nang pigilan ko siya.

"Okay lang po,"sambit ko.

"Ano oras ko po kayo susunduin?"

"Ahmmm mga 10 pm siguro. Sige salamat manong Philip."

Humarap na ako nang tuluyan sa hotel. Dito gaganapin ang reunion namin. Ang bonggacious dito mga sis grabedad.

Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na sobrang ginhawa na ng buhay namin. Ang dating iniimagine ko lamang ay nangyayari na.

Sobra akong nagpapasalamat sa Daddy ni Janna. Isa siya sa naging dahilan kung bakit nangyari ang mga ito. Noong nagpasya na siya na sa ibang bansa na maninirahan kasama si Janna binigyan niya ng pera ang nanay ko. Para raw sa pagiging tapat sa serbisyo ng aking ina. Nagamit namin yun upang magsimula ng negosyo. Karenderya at first then habang tumatagal lumago. Naging restaurant nagkaroon na nga ng branch kung saan-saan. Hindi ko alam kung anong klaseng swerte ang nangyari sa'min. Pero sobra akong nagpapasalamat sa dami ng hindi birong blessings na iyon.

Dahil sa mga blessings na yun nakapagtapos ako ng Business Management. Sa tulong ni Princess na ngayon ay pinasok na talaga ang mundo ng showbiz naging successful ang pag-launch ko ng sarili kong make-up line. Yes it's super truelalo! Sobrang mabenta ang mga products ko kaya super bonggacious!

Pumasok na ako sa loob ng hotel. Sa isang floor dito gaganapin ang reunion party. Bago pa man ako makapasok sa elevator ay may humawak na sa kamay ko. Hanggang ngayon hindi ako makapaniwala na going strong pa rin kami. Lalo siyang pumupogi sa bawat araw. Lumaki na rin ang dating patpatin niyang katawan. He's none other than Kurt Elly De Leon na isa na ngayong engineer. Yeah may boyfriend akong engineer maiingit kayo! Charrr.

"Napakaganda at napakasexy naman ng mahal ko." Sambit nito na nakapagpangiti sa akin.

"Bolero! Hmmm sila Bianca ba?"

" ' Di ko lang alam tara na!"

Tuluyan na kaming sumakay sa elevator. Pagkarating namin sa sixth floor ay pumasok kami sa isang organized room. Ito mismo ang event center dito sa hotel. Bumungad sa'min ang malakas na tugtugan. Nakahanay rin ang mga table kung saan may mga wines and foods. Just imagine a party sa mga palabas ganitong-ganito yun.  Panay ang pagkislap ng mga ilaw na may iba't-ibang kulay.

"OMG Gardo it's that you?"Gulat na tanong ni Freda  na todo ang ngiti. Okay na okay na kami lagi kaming naguusap sa chats.

"Yes the one and only," Umikot pa ako sabay flip ng long hair.

"Grabe ang sexy at ang ganda mo. Parang hindi ka na talaga bagay tawaging Gardo. Ano na lang kaya?"

"You can call me Louis my second name."

Nagtawanan na lang kami habang nagkukwentuhan about sa mga nangyari sa past. Infairness sobrang namiss ko talaga yun. Ilang saglit pa ay dumating na rin sila Bianca kasama si Princess siyempre.

At ang lola mo ampogi na. Naka-barbers cut na siya kaya mukhang lalaking-lalaki na siya. Dagdag mo pa yung sky blue tuxedo with the red necktie. Then si Princess ay nakasuot ng kulay yellow na long gown. Para tuloy siyang si Belle ng Sleepimg Beauty ay Beauty and the beast pala hehe. Kung maganda na siya noon mas bongga ang beauty niya ngayon. Dahil na rin siguro sa pagiging artista niya. Kaloka nga eh todo papicture na yung iba sa kanya. Todo protekta naman si Bianca na isa na ngayong sindikato este office boy. Nakapagtapos siya sa kursong BS in Information Technology. Last year nga ay napromote siya sa mas mataas na posisyon sa kompanyang pinapasukan niya.

Perfect SwitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon