Someone's POVNang magising ako kanina ay labis ang pagtataka ko kung bakit wala ako sa sarili naming bahay.
Ibang bahay yun kaya naman andito ako ngayon sa gitna ng kalye at gulong -gulo sa hindi ko maunawaang sitwasyon.
Hindi ako makapaniwalang lumaki ang mga braso ko, nawala ang dibdib ko at lumaki ang balikat.
Wala akong maintindihan sa mga nangyayari sa kin pero nakasisiguro akong may kung anong kababalaghan ang nangyayari sa kin ngayon !
Kung bakit nasa katawan ako ng isang lalaki!
Anong nangyari sa kin? Bakit lalaki na ako! Panaginip lang ba to!
Pangarap ko lang kase ito dati eh. Ang maging ganap na lalaki. Hindi kase bumabagay noon ang kaastigan ng kilos ko sa katawang babae ko.
Napatingin ako sa side mirror ng kotse na nakapark sa tabing kalsada. Nagulat ako sa aking nakita.
Kilala ko ang mukhang ito! Siya si Gardo Louis Fuentes. Pero bakit nasa katawan n'ya ako!
Hindi kaya nagkapalit kami ng katawan! Katulad ng mga napapanood ko sa tv!
No way! Please ayokong maging s'ya! Bakla si Gardo eh ayokong maging bakla! Sa dami ng lalaking -lalaki sa mundo bakit si Gardo pa !
Huhu! Ayoko na sa earth. Sure akong magtataka yung parents ni Gardo kung bakit hindi ko sila pinansin. At kung bakit parang lalaki ng kumilos si Gardo!
Napatingin ako sa suot ni Gardo este sa suot ko! Lalaki pa rin palang manamit si Gardo. Buti naman kung ganun.
Naglakad lakad pa ako. Hindi ko alam kung saan ako papunta! Pero ang gusto ko lang ngayon ay makita si Gardo dahil baka s'ya ay ako na.
"Bianca!"
Isang boses ang nagpalingon sa 'kin. Ang sarili kong boses na sure ako kung kanino nagmumula.
"Uy wag mo nga akong tawaging Bianca ! Sabing BM lang o kaya ay Bam!"
Nasabe ko na ito sa kanya noon pero palagi n'ya pa 'rin akong tinawag sa first name ko! BIANCA jusmeyo mga dre ang lambot di 'ba!
Nakakapanghina mga trops!
"Okey ! Pero bakit nasa sexy body ko ikaw at ako'y nasa body mo!?"
San banda sexy ? Eh para ngang katawan ng kargador ng bigas !
"Hindi ko rin alam kung bakit tayo nagkapalitan ng katawan !"
Wala talaga akong ideya kung paanong ako ay nasa katawan n'ya at s'ya naman ay nasa katawan ko. Sobrang weird ng nangyare sa'min .
"Pero mas better naman 'di ba! Puedeng puede na me na kumendeng at kumembolar kung saan saan! Wala ng tatawag sa'king baklush kase nasa katawan mo na ako!"
Sanay na ako sa kabaklaang language neto eh pero jusko mga repa may balak pa yata si baklang laspagin ang macho kong body.
"May punto ka naman dun pero kilala na tayo bilang bakla at tomboy ng mga taong malalapit sa atin . Baka magulat sila kung bakit biglang nag-iba ang mga ugali at pagkilos naten!"
"My Gas Abelgas! Sobrang easy naman besh ! E di sabihin nateng magbabalik loob na tayo!"
Haha maniwala naman kaya ang pamilya namin if ever na sabihin namin yung suggestion ng baklang twoooahh.
"Sabagay mas okay na din yun para makahanap na ako ng chix na mamahalin ako talaga !
Magagawa ko ng manligaw ng kahit sampu! Dahil nasa katawan na ako ng isang lalakweeeh!
"Haha but wait a minute kapeng mainit. Kailangan muna natin na kilalanin ang isat -isa ng lubusan!"
Tama !
Isang malapad na ngiti ang pinakawalan ko. Ito na ang umpisa ng pagbabago sa buhay ko. Sa buhay namin! ! !
A/N:
Alamin ang kwento sa likod ng pagpapalitan ng katawan ng isang baklush at tomboyers! Ano nga ba ang naging dahilan ng sitwasyon nila!? Magawa kaya nilang malampasan ang mga challenges na haharapin nila kahit na sila ay nasa katawan ng isat -isa.
Next na ang Chapter 1
Makikila mo na ng lubusan si Gardo Louis Fuentes
BINABASA MO ANG
Perfect Switch
FantasyIsang lalaking may pusong babae at isang babaeng may pusong lalaki. Paano kung magkapalit sila ng katawan? Is this a Perfect Switch? Or start of a bigger challenge that they need to overcome!