Chapter 37

27 3 16
                                    

*PSHisWords

Gardo's POV

Andito na ako sa sarili naming bahay. Kasama ko si nanay pati na ang tatay ko. Nakabalik na nga ako sa totoong buhay ko pero hindi ko pa maramdaman dahil nasa katawan pa rin ako ni Bianca. Nakakapagtaka lang na hindi pa rin kami bumabalik sa katawan namin. Akala ko ba yun ang paraan para bumalik. Ang umamin sa totoo naming kalagayan. Pero bakit hanggang ngayon wala pang pagbabago. Nakakapagtaka naman itey. Haiisttt nalolokaness ako talaga grabedad.

"Anak hayaan mo muna ang tatay mo. Alam mo namang ganun talafa yun."

"Naiintindihan ko po. Namiss ko po kayo nang sobra."

Niyakap ko siya nang mahigpit. Agad naman akong umalis sa pagkakayakap sa kanya.

"Nakakapanibago anak babaeng babae ka na sa paningin ko. Mahirap man paniwalaan pero nararamdaman ko na ikaw talaga ang anak ko."

"Oo nga po eh sobrang saya ko na naranasan kong maging babae. Mahirap din pala nay kaloka. Miss ko na yung dati kong katawan. Walang iniinda buwan buwan."

"Haha hayaan mo magtatagal pa naman ako dito sa atin. Pero mukhang mabait na bata rin si Bianca ha."

"Opo nay sobra kaya nagkasundo kami agad. Sabik po siya sa atensyon ng isang ina kaya malambing po siya sa inyo."

"Ahh kaya pala. Sige nak dito ka muna ha mamamalengke muna ako. May niluto ako diyan meryenda."

"Nay hindi ba puwedeng bukas na lang na umaga? Maggagabi na oh."

"Gusto kita makabonding eh para hindi na ako mamamalengke bukas. Tuloy tuloy lang tayo. Manonood tayo bukas ng movie. Tamang tama may bago tayong tv at dvd."

Oo nga pala ngayon ko lang napansin na may bagong tv at dvd  na bili si nanay. Mukhang malaking tulong talaga ang pagtatrabaho niya bilang katulong.

Agad akong kumuha ng meryenda. Turon iyon tapos may ginataang saging rin. Taray puro saging. Habang kumakain ay biglang dumating si tatay. Naisip kong isandok siya ng ginataang saging.

Nasa labas siya nakaupo sa monoblock na upuan. Matapos makasandok ay lumapit ako sa kanya para ibigay ang meryenda.

"Tay meryenda po oh. Luto po ni nanay yan."

"Busog ako,"walang emosyon niyang sambit.

"Masarap po promise mawawala po busog niyo pag natikman niyo."  Pilit kong pinagabutan sa kanya ang mangkok na may laman nun.

"Sabing ayaw ko mahirap bamg intindihin yun!?" galit niyang bulyaw sabay tabig sa mangkok.

Agad siyang tumayo at hinarap ako. Natapon na ang laman nung mangkok. Napatingin ako sa kanya. Muli siyang nagsalita pagkatayo.

"Kahit pa anong gawin mo hinding hindi kita matatanggap bilang anak ko!"  Itinulak niya rin ako at agad umalis.

Naiyak na lang ako. Ang sakit pa rin hanggang ngayon na hindi ako matanggap niya. Ginagawa ko naman ang lahat pero hindi pa rin sapat.

Isang kamay ang bumungad sa aking mata pagtingin ko ay si Kurt iyon. Inalalayan niya akong tumayo.

"Kurt buti andito ka. Sorry hindi na kita gaano napansin kanina. Kasi alam mo naman yung mga nangyari."

"Oks lang kaya nga andito ako eh. Namiss ko ang kita."

"Sus tamang tama may meryenda sa loob. Turon at ginataang saging."

"Wow ha puro  saging. Masarap ba naman?"

"Oo naman siyempre nanay ko nagluto eh."

Perfect SwitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon