Chapter 50

55 5 23
                                    

*PSTheFinalChapter

Gardo's POV

Kaloka hindi ko akalaing makakarating talaga kami rito sa Pernatopia. Ginagawa ko lang biro noon na sana makapunta kami sa mundong ito. Pero sa nangyayari sa'min parang hindi ko na gugustuhin pang manatili dito. Kaloka hinahabol kami ng isang mukhang cartoon character na nilalang. Pinapaulanan niya kami ng kanyang kapangyarihan.Mabuti na lamang at magaling kaming umilag ni Bianca.

Nagtago kami ni Bianca sa isang malaking bato. At ang nakakaloka pati mga bato rito nagkikislapan. Diyamante na lang lahat ata ang naririto. Magkano ko kaya ito mabibenta sa mundo namin?

"Bianca pa'no yan baka mapatay niya tayo." Bulong ko kau Bianca na ngayon ay kunot na kunot na ang noo.

"Tiwala lang darating na si Lolo Tasyo ililigtas niya tayo!"

Kahit papaano ay gumaan ang loob ko. Nasaan na ba kasi si Lolo Tasyo nakipagchikahan pa yata sa family members niya. Kaloka aka nakalimutan niya na andito kami.

Ilang saglit pa ay biglang may narinig kaming palahaw. Isang pambihirang liwanag ang lumibot sa paligid.

"Maaari na kayong lumabas Bianca at Gardo!" Sa wakas Lolo Tasyo is in the house pero teka bat parang medyo bumata ang boses.

Nang lumabas kami sa aming pinagtataguan ay literal na napanganga ako sa new look ni Lolo. Hindi na siya mukhang matanda ang bagets na ng fezlac niya. Ang pogi niya gosh! Mukha siyang Korean actor na may pagka American actor basta ampogiiiiii!!!

"Lolo kayo po ba talaga yan?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"Oo nga ang bagets mo na parang magkakasing-edad na tayo!" Natutuwang kuda ni Bianca.

"Sabi ko naman sa inyo makapangyarihan kami eh. Pero kailangan na nating umpisahan ang paglalakbay."

Agad niya kaming pinahawak sa kanya at ialng sandali lang ay muling nagliwanag ang paligid. Namalayan na lang namin na nasa paanan na kami ng bundok.

"Teka sa bundok ba na yan makikita ang aming hinahanap?" tanong ni Bianca.

Nang maakyat kami ay isang nilalang ang sumalubong sa'min. Nagtataka ang itsura nito. Ramdam niya siguro na hindi kami taga-rito.

"Anastasio bakit may kasama kang tao?" Gulat na tanong nito na nagiging kulay pula pa ang mata. Guwapo rin ang nilalang na ito. Mukhang perfect talaga lahat ng features ng nilalang sa mundong ito. Sana all na lang talaga guys noh!

"Kailangan nila ng pinakamabisang eleryol." Sambit ni Lolo Tasyo este Kuya Tasyo ewan basta nakakahiyang tawagin siyang kung ano dahil sa ang bata ng itsura niya ngayon.

"Ngunit ang eleryol at kung ano mang gamot dito sa aking tahanan ay maaari lamang ipagkaloob sa kapwa natin Teptian!"

"Nakikiusap ako Bulgaro!"

"Pagbibigyan ko ang iyong kasama ngunit sa isang kondisyon!"

"Anong kondisyon? "

"Harapin muna nila ang bubuuin kong nilalang! At huwag na huwag mo sila tutulungan Anastasio!"

Kinabahan ako sa aking narinig. Hindi prepared ang beauty ko sa sagupaan kaloka naman. Inabutan niya kami ng tig-isang espada. Wala namang nagawa si Anastasio kundi ang panoorin kami.

Ikinulong kami ni Bulgaro sa isang pabilog na kapangyarihan kung saan hindi namin magagawang lumabas. Kaya no choice ang beauty namin ni Bianca kundi ang harapin ang kung sino mang tinutukoy ni Bulgaro. Jusko kung hindi lang gwapo itong taong ito nasapak ko na to kanina pa. Kaloka hindi na lang ibigay yung kailangan namin dami pang pakulo!

Perfect SwitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon