Chapter 28

44 4 24
                                    

*PSTheFriendsFeelings

Kurt's Point Of View

Naranasan mo na bang mainlove ? Siyempre oo 'di ba. Hindi natin maiiwasan na mahulog sa isang tao. By the way ako nga pala si Kurt Elly De Leon. Noong una akala ko naranasan ko na ang lahat ng klase ng hearbreak sa buhay ko. Akala wala ng mas sasakit pa sa last heartbreak ko. Pero nagkakamali ako matapos ang tatlong babae hindi muli ako nainlove ulit.

Hanggang sa makilala ko si Gardo. Isa siyang bakla. Kaklase ko na siya mula Grade seven. Natutuwa ako sa personality niya. Napakagaling niya sw klase. Siya ang consistent top one. Masaya siyang kasama. Noong una hindi kami ganoon ka-close. Pero gumawa ako ng paraan para magpapansin sa kanya. Kahit sa hindi ganoon ka-nice na paraan. Hahaha.

Siguro nga inlove ako sa kanya. Kakaibang tama ang naramdaman ko para sa kanya. Lumaki akong straight as in pero hindi ko inexpect na mahuhulog ang loob ko sa isang katulad niya. Mula nang magumpisa siya na pansinin ako doon lumalim ang pagtingin ko sa kanya. Hanggang sa isang araw nalaman kong nagkapalitan sila ng katawan ni Bianca. At ang inaakala kong si Bianca ay siya na pala. Kaya pala biglang nag-iba.

Pero kahit nasa katawan siya ng isang babae. Si Gardo pa rin yung nakikita ko. Doon ko napagtanto na ugali ni Gardo ang minahal ko at hindi ang pisikal na kaanyuan.

Everything seems fine hanggang sa dumating ang oras na ito. Ang makita ko silang magkayakap ni Eldon Segovia. Ang lalaking nanakit sa kanya noon. Sobrang sakit panoorin. Hindi ko na nagawa pang i-enjoy ang view. Dumiretso na ako sa motor ko na nakapark sa may lomihan.

Mabilis ko iyong pinaandar. Kaya mabilis din akong nakauwi sa aming bahay. Maayos naman ang bahay namin kung titingnan. Si tatay na lang ang kasama ko dito. Yung  isang kuya at ate ko naman ay nagsipagasawa na. Yung isa namang kuya ko ay single pa pero nasa Thailand nagtatrabaho. Siya ang nagbibigay ng sustento sa amin. Si tatay kasi ay medyo mahina na at hindi na kakayanin pang magtrabaho ng mabibigat. Lagi lang siya dito sa bahay. Ang nanay ko naman ay matagal nang namatay.

Sobrang iyak ko noon dahil sa close kami. Ten years old pa lang ako nun pero dama ko pa rin hanggang ngayon ang sakit. Kahit na siyam na taon na ang nakalilipas.

"Oh Kurt buti nandito ka na. Nagluto ako ng turon magmeryenda ka na!"   Sambit ni tatay. Siya kasi ang tiga-luto ,tiga-laba at taong bahay. Kaya nga hanga ako sa kanya eh. Wala kasi akong alam sa gawaing bahay. Puro online games lang ang alam ko hahaha.

"Sige po. Pero tay hindi nga po pala nakapunta si ate kanina. Kaya wala pumirma sa card ko."

"Ah naku bakit naman? Akala ko ayos na ang usap na siya ang aattend?"

"May sakit daw yung anak niya at nasa trabaho yung asawa niya. Hindi ko naman natawagan pa si kuya dahil wala akong load. Pero oks lang po yun. Sige bihis lang po ako!"

Agad akong pumasok sa kwarto ko. Matapos magbihis ay agad kong chinarge ang phone ko. Lumabas ako at pumunta sa kusina. Binuklat ang taklob sa mesa at bumungad sa'kin ang limang pirasong turon. Kulang pa ito sa'kin haha. Sobrang paborito ko kasi ang saging. Kaya siguro unggoy ang ulit sa akin ni Gardo noon.

Matapos maubos ang kinakain ko ay bumuklat ako sa ref. May juice doon agad akong nagsalin sa baso at uminom. Matapos kumain ay nanood muna ako ng tv para magpahindag.

"I love you Carmela. Kaya sana ako na langa ng piliin mo. Niloko ka nq niya noon so please wag mong hayaang maulit pa yun."  Umiiyak na sambit nung bidang lalaki. Nakatingin lang naman sa kanya yung babae. Hanggang sa lumuhod na yung lalaki. Hinawakan niya ang kamay ng babae.

"Tumayo ka jan Efren please. Tanggapin mo na lang na si Ron ang pinipili ko at hindi ikaw. Mahal ko siya at hanggang kaibigan lang ang kaya kong ibigay sa'yo. I'm so sorry !"

Perfect SwitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon