Chapter 5 (Part 2)
*Bianca'sMemories
Summer na naman. Isang linggo na ang nakakaraan ng magmoving up ceremony kaming mga Grade 10 Students. And ito ako nakatunganga sa may lamesa. Napansin kong may kausap sa phone si Papa.
Si Marites naman ay wala na naman dito. Mas lalong tumindi ang hindi naman pagpapansinan. Wala na namang pasok kaya nahihirapan na ako. Hayyyyssss bat kasi hindi pa siya umalis dito !??
"Oh anak kain na may hotdog at itlog diyan na ulam !" sambit ni Papa na tapos na makipagusap sa kung sino.
"Perfect combi po Pa hahaha... By the way asan po si Tonton ?"
"Ah kasama ng Mama mo . Nagkain na sila bago umalis " siya ulit.
Pagkakuha ko ng kanin ay umupo ako at binuklat ang pantaklob sa mesa. Nakita ko dun ang dalawang hotdog at isang pirasong itlog. Agad ko itong nilantakan. Nasa mood ako ngayon kasi wala si Marites. Naiinis ako at nawawalan ng gana pag kasabay namin siyang kumakain.
Maya maya pa ay naramdaman kong tumabi sa akin si Papa. Ilang saglit pa ay nagsalita siya.
"Anak tumawag sa kin ang Tita Liza mo about dun sa sinabi mo sa amin nung new year. Napagisip isip ko din na mas okay nga yun dahil for sure mas mapagaaral ka nila kesa sa amin!"
Oo gustong gusto kong malayo kay Marites pero hindi sa kay Papa at Tonton.
"Pa ayoko po malayo sa inyo ni Tonton !"
Binitawan ko muna ang kutsara at tinidor. At nagpokus kay Papa.
"Alam ko naman yun pero alam mo din naman na hindi ganun kalaki ang kinikita ko sa bago kong trabaho di ba. Kung yun lang ang problema hayaan mo lagi kaming dadalaw sayo dun!"
"Pa kelan po ako lilipat sa kanila ?"tanong ko.
"Mga next month siguro nak!"
Ayokong malayo sa kanila pero mas ayokong nahihirapan si Papa. Hindi ganun kalaki ang kinikita niya sa construction.
Nasa kwarto ako ngayon at hawak ang cellphone ko. Naisip kong i-chat si Gardo.
Me : uy musta ang bakasyon ?
Seen
Gardo : okay naman ito nga pasira na ata cp ko !
Seen
Me : ayttss bili na ng bago
Seen
Gardo : wampera
Seen
Me: yun lamang.
Seen
Gardo : huhu
Matapos yun ay di na siya nagreply. Siguro ay tuluyan ng nasira ang ko niya. Sayang naman di ko na siya makakachat. Para din kasi siyang babaeng magisip dinaig pa ako hehe.
Umalis na si Papa at papunta na siya sa trabaho. Naghuhugas ako ngayon ng mga plato. At habang ginagawa ko iyon ay nagbalik ang sakit na dinanas ko mula sa kamay ni Marites.
Flashback :
Birthday ni Mama ngayon and pagdating niya isusurprise ko siya. Pinagipunan ko ang cake na hawak hawak ko ngayon. Baka sa paraang ito matanggap niya ako bilang anak niya. Kahit anim na taong gulang pa lang ako ay malinaw na sa akin ang lahat. Na hindi ako babae! Pakiramdam ko ibang tao ang kaharap ko sa tuwing haharap ako sa salamin. Mas gustong maglaro ng robot at kotse kotsehan. At mas trip kong makipagbugbugan kesa magbahay bahayan. Pero hindi ko masabi sa kanila dahil pakiramdam ko pag sinabi ko lalo na kay Mama ay lalo niya akong hindi magustuhan.
Maya maya pa ay bumalik na si Mama. And masaya ko siyang nilapitan dala ang cake.
"Ma happy birthday po !" masayang bati ko sa kanya.
"Ano yan nagaksaya ka na naman ng pera!" siya
"Ma pinagipunan ko po ito para sa birthday mo!"
"Wala akong pakialam umalis ka nga sa harap ko at nabubuwiset lang ako !"
"Ma tanggapin niyo na po ito !"
Ngunit imbes na tanggapin ang cake ay isinalpak niya iyon sa mukha ko. Ramdam ko ang lagkit ngayon ng mukha ko. Ang sakit sakit na hindi naappreciate ng sarili mong ina yung effort mo.
End of Flashback
Tapos na akong maghugas pumunta ako sa kwarto ko at humarap sa salamin. Kahit saang anggulo ko tingnan babae ako. Para ngang may ibang tao akong kaharap sa mga oras na ito eh.
Isang alaala na naman ang nagbalik sa aking isipan.
Flashback
Pauwi na ako galing school ng makita ko si Mama. Nakablouse na white at paldang blue ako pero hindi ko nagagawang alisin ang sumbrero ko. Umamin na nga ako kina Papa at Mama. Si Papa natanggap ako agad pero so Mama lalong uminit ang dugo sa sakin.
May kausap siya ngayong babae na kumare ata niya. May anak itong kasing edad ko halos. Nagtago ako sa isang poste at pinakinggan kung anong pinaguusapan nila.
"Ang ganda ganda naman ng anak mo kumare manang mana sayo !"
Siya na ngising ngisi."May anak ka din babae kumare di ba!"
Mabilis namang sumagot si Mama.
"Wala akong anak na babae. "
"Ah talaga? Eh di ba may kasa-kasama ka dating batang babae sino yun !?
Ang sakit na ikinahihiya ka ng sarili mong mama.
"Ah pamangkin ko lang yun uy!"
"Ah ganun ba sige !
Umalis na yung babae at naglakad na rin palayo si Mama.
Hindi pala niya ako itinuturing na anak. Dapat hindi ko na din siya ituring na ina. Kung hindi niya ako magagawang tanggapin hindi hindi ko din siya tatanggapin bilang ina ko !
End FB
Di ko namalayan ang pagtulo ng mga luha ko ng maalala ko ang ilang bahagi ng nakaraan ko. Ewan ko ba kung bakit sa dinami dami ng ina sa mundo. Siya pa ang naging nanay ko. I hate to hate my own mother pero sumusobra naman na kasi siya.
Umupo ako sa kama hinagilap ang cellphone. Naglaro ako ng WormZone.
Sa kasagsagan ng paglalaro ko ay biglang may tumawag sa akin. Si Tonton ata.
Agad akong bumangon sa kama at lumabas ng pinto.
"Bakit Tonton ?"tanong ko.
"Lutuin mo daw sabi ni Mama!"
Shuta naman oh kala ko kung ano na. Pero asan yung magaling na yun at solo lang umuwi si Tonton.
"Bat solo ka lang umuwi ?!"
"May dadaanan oa daw kasi siya. Lutuin mo na lang daw yang karneng baboy. Sinigang may kangkong at sitaw diyan sa plastic."
Hayyysss wala na akong nagawa kundi ang magluto. Palaisipan pa rin sa akin kung saan nagpupupunta si Marites. Bahala nga siya wala akong pakialam sa kanya !!!!
"Never be bullied into silence. Never allow yourself to be made a victim. Accept no one's definition of your life; define yourself."
--Harvey Fierstein.Author's NOTE
So ayon tapos na ang introductory parts. Ibig sabihin sobrang lapit na ng pagpapalitang yayanig sa balat ng wattpad universe wahhahaa.
#PerfectSwitch
BINABASA MO ANG
Perfect Switch
FantasyIsang lalaking may pusong babae at isang babaeng may pusong lalaki. Paano kung magkapalit sila ng katawan? Is this a Perfect Switch? Or start of a bigger challenge that they need to overcome!