*PSConfessionInPublic
Bianca's POV
Lumipas pa ang mga araw ay naging maayos naman ang takbo ng aming mga buhay. Ayon si Kurt at Gardo nagkaaminan na. Mukhang sila na nga eh ayaw pang sabihin. Obvious naman sa mga actions nila kapag magkasama. Tapos kami ni Bianca going strong pa rin kahit na hanggang ngayon hindi ko pa nasasabi sa kanya ang katotohanan.
Recognition Day na ngayon at kasama ko si Nanay Josie. Siyempre andito rin si Tatay Dado. Bukod dun ay nandito si Papa para samahan siyempre si Gardo. Hindi na nakasama si tita dahil masyado siyang busy.
Si Gardo ang naging top one.Nakakapanibago pa rin na maririnig ko ang pangalan ko na top one. Top two naman ako then sinusundan ni Kurt imbiyerna tuloy si Freda dahil naungusan siya. Top four si Freda then top five si Lauron. Nakakatuwa naman kaming magkakaibigan honor kami lahat.
Matapos ang awardings at kung ano anong performances ay lumapit ako kay Gardo. Agad ko siyang hinila palayo sa aming pamilya. Pakiramdam ko ito na ang tamang panahon para sabihin sa lahat ng naririto ang totoo. Kabilang na si Princess kaya naman naguumapaw ang aking kaba pero desidido na ako.
"Kaloka ka naman. Bat bigla mo na lang akong hinila?"
"Wow sa sobrang saya mo nakalimutan mo na yung plano natin ha!"
"Ay oo nga sorry naforgot ko. So pa'no natin gagawin?"
Nginitian ko lang siya. Isang ngiti na nagsasabi na alam ko na ang gagawin.
———————
"So sa mga naririto po ngayon. May importanteng sasabihin ang first honor at second honor ng Grade 11. Gardo and Bianca puwede na kayong umakyat dito sa stage."
Sabay kaming umakyat sa stage ni Gardo. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Bawat tibok nun ay nagbibigay ng pagaalinlangan sa'kin. Pero naiisip ko rin na andito na kami. Kakayanin namin ito. Bahala na kung anong maging reaksyon ng lahat.
Iniabot sa amin nung MC ang microphone. Si Gardo na ngayon ang may hawak ng microphone. "Magandang hapon po sa onyong lahat. Marahil ang tingin niyo po sa'kin ngayon ay si Bianca Marie Flores. Pero mali po iyon dahil hindi po talaga ako si Bianca. Dahil ang totoong Bianca po ay nasa katabi ko. Ako po si Gardo Louis Fuentes."
Lahat ay nagulat sa sinabi ni Gardo. Sino nga ba naman ang hindi magugulat sa sinabi niyang iyon? Kahit sinong tao ang hindi magugulat
dun. Binigay sa'kin ni Gardo ang microphone."Tama po siya ako po si Bianca Marie Flores. Isa po akong tomboy. Nagkapalitan po kami ng katawan ni Gardo dahil sa isang matandang makapangyarihan. Kaya po kung kilala niyo si Gardo maguguluhan rin kayo kung bakit bigla siyang nagpakalalaki. Ang totoo niyan nangyari ang lahat ng yun dahil sa pagpapalit. Maniwala man kayo o hindi yun po talaga ang totoo. Alam ko pong hindi kapanipaniwala. Pero sinasabi namin ang lahat ng ito para wala na kaming sikretong tinatago. "
Binigay kong muli ang microphone kay Gardo. "Opo tama po siya. Nagkapalit po kami ng katawan. Marahil ang masasabi niyo itong Perfect Switch. Perfect Switch kasi akalain mo isang bading at isang tomboy. Masaya po ako actually kami na nasabi na namin ito sa wakas. Sinasabi na po namin ito sa pamilya namin kaya lang hindi po sila naniniwala. Gusto lang po naming patunayan na totoo ang lahat ng iyon."
Bakas pa rin sa mukha ng mga taong naririto sa covered court ang pagkagulat. Napatingin ako sa mukha ng aming pamilya. Marahil ay nagulat rin sila sa ginawa namin ngayon. Nahagip din ng mata ko si Princess. Halata sa mga mata niya anag pagkabigla. At nang mapansin niya na nakatingin na ako sa kanya ay tumalikod siya at naglakad palayo.
BINABASA MO ANG
Perfect Switch
FantasyIsang lalaking may pusong babae at isang babaeng may pusong lalaki. Paano kung magkapalit sila ng katawan? Is this a Perfect Switch? Or start of a bigger challenge that they need to overcome!