Chapter 42

35 4 33
                                    

*PSLifeWithoutYou

Bianca's POV

Isang linggo na ang lumipas ngunit hindi pa rin nagigising si Gardo. Dinadalaw na lang namin siya pag may oras. Bumalik naman na sa trabaho ang tatay ni Gardo upang may maidagdag sa pambayad sa hospital. Ang nanay naman niya ay nagbabantay sa hospital. Gusto raw niya na siya ang unang makita ng anak pagkagising nito. Nagbibigay rin naman sina tito,tita at papa sa kanila ng tulong. Nakakatuwa na para na kaming magkakapamilya.

Hanggang ngayon ay naalala ko pa rin ang araw kung kailan nakipaghiwalay na sa'kin si  Princess. Mahirap pa rin sa aking tanggapin iyon pero kailangan na. Hindi ako ang minahal niya.

Papunta ako ngayon sa bahay nila Gardo upang i-check ito. Madalang na kasi makauwi ang nanay at tatay ni Gardo doon eh.

Nang makarating ako sa bahay nila ay isang lalaking mukhang kaedad lang namin. May katangkaran ito. Kung matangkad na si Eldon mas lamang ito. Bakit ko pa nasali sa usapan si Eldon tss!

"Excuse me! Sino ka bakit ka nandito?"

"Ahmm Miss nasaan ang tao dito?"tanong nito.

"Uy wag mo nga akong tawaging Miss masyadong hindi bagay. Nasa hospital ang tao jan eh kakilala ka ba nila?

"Anong nangyari?"

"Si Gardo kasi comatose pa rin." malungkot kong tugon.

"Ano bakit?"gulat niyang tanong.

Ikinuwento ko sa kanya ang nangyari kay Gardo. Hindi ko na lang sinabi yung tungkol sa pagpapalitan namin. Siya raw pala si Warren yung childhood friend ni Gardo. Andito raw siya para magbakasyon. Baka rin daw dito na siya mag-aral. Grade 11 pa lang siya dahil hindi siya nag-aral last year.

"Nakakatuwa naman na nagbalik ka. Kaya lang ito naman si Gardo tulog pa rin hanggang ngayon." pabiro kong sambit.

"Puwede mo ba akong samahan sa hospital?"

"Sure."

——————
Ganoon na nga ang nangyari magkasama kaming pumunta sa hospital. Habang papunta kami napakadami niyang kinukwento sa'kin. Tulad ng sa tita muna niya siya makikitira. Masaya raw siya na makakasama niya si Gardo ulit.

Matapos niyang pumasok sa kinaroroonan ni Gardo ay nagpaiwan na lang ako sa labas. Hanggang ngayon kasi hindi ko kinakaya na nakikita siyang ganun. Na ako ang dahilan kung bakit siya nasa ganoong sitwasyon.

"Hi Bianca,"napatingala naman ako sa kinauupuan ko nang marinig ko ang pamilyar na boses.

"Janna anong ginagawa mo dito?" gulat kong tanong.

"Si Dad kasi nagpacheck-up. How about you anong ginagawa mo dito bat ka nag-iisa?"

"Dinalaw lang namin si Gardo."

"What happened? "muli pa nitong tanong.

"Comatose pa rin siya hanggang ngayon. Ilang araw na siya dito."

"Alam mo bang close kami ni Gardo. Sa bahay kasi namin nagtatrabaho yung Mom niya and ayon lagi kami nagkakausap."

Napangiti na lang ako dahil dun. Hindi niya kasi alam na ako ang nakakausap niya noon at hindi si Gardo. Baka hindi niya napanood yung video namin na umaamin sa stage. Sinearch ko kasi ulit yun sa FB pero nawala na. Wala na rin ibang nagpopost about dun. Masaya naman ako dahil parang nakakalimutan na nila ang bagay na iyon.

"Nakukwento nga sa'kin ni Gardo."

Nagulat ako nang bigla siyang umupo sa tabi ko. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko at biglang tumingin sa mga mata ko. Ramdam ko ang pamumuo ng luha sa mata niya.

Perfect SwitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon