Chapter 21

52 11 17
                                    

*PSIntentions (Princess and Eldon's Special Chapter)

Eldon's Point Of View

Eldon Segovia is my name! Isa akong basketball player na kinakikiligan ng mga babae pati na mga binabae dito sa campus. Sa totoong buhay isa lang naman akong simpleng estudyante na nagaaral sa school na ito. May kaya lang kami sa buhay.

Hanggang ngayon hindi pa rin talaga ako makamove-on sa ginawa sa'kin ni Princess at Gardo. Two months na ang nakararaan pero andito pa rin yung mga salitang sinabi at pinamukha nila sa'kin. Nagawa na nila akong saktan dahil sa mga kalokohan kung nagawa sa kanila. Hindi ko naman sila masisisi kung bakit nagawa nila yun.

Flashback

Malapit lang ang bahay namin sa school kaya naman palagi akong lakad. Ewan ko ba kung bakit itinuturing nila akong hearthrob sa school. Si Tatay na lang ang kasama ko sa buhay matagal ng patay ang nanay ko dahil sa sakit. At ngayon nga ay may sakit na rin si tatay. Mayroon siyang diabetes. Kailangan lagi niya ng gamot at sa ngayon nga ay paubos na ito. Problema ko na naman ang pangbili nun.

Pagpasok sa school ay si Laurence ang unang sumalubong sa'kin. Siya ang mortal enemy este bestfriend ko since Grade 7.

"Bro may naisip akong game!" Bigla niyang sabi habang naglalakad kami papuntang room.

"Anong game game na naman yan?"Tanong ko na nagbigay sa kanyang ng kakaibang ngiti.

"Pustahan! Yung tipong paaasahin mo yung isang tao tapos pag nagawa mo 5,000 pero pag hindi mo nagawa ikaw ang magbibigay!"

"Ano eh wala nga akong pera pambili ng gamot ni itay !"

"Okay ahmmm ibibigay mo na lang sa'kin yung isa mong rubber shoes!"

"Aba lalo naman yun!"

"Eh di libre.mo na lang ako ng fishball happy na?!"

"Sige basta sampung piso lang!"

Natawa na lang siya. Andito na kami sa room kami pa lang dalawa dito. Alam niyo naman malapit ako dito sa school. 'Di ko lang alam dito kay Laurence kung paano siya nakakaaga ng ganito eh anlayo niya.

"Sige pre kung sinong malilate ngayong araw siya ang magiging biktima mo!"

"Eh pa'no kung lalaki?"

"Basta saka na pag meron na!"

Ilang saglit pa ay sunod sunod ng dumating ang mga kaklase namin. Hindi ko alam kung bakit sinasakyan ko ang trip niya. Ang alam ko lang kailangan ng tatay ko ng gamot.

Maya maya pa ay dumating na ang adviser namin. Si Mam Dilema!

"Okay class ready na ba kayo para sa christmas party natin tomorrow? Lahat kayo ay aattend ha!"

"Mam hindi po ako makakaattend !"sambit ng isa naming kaklaseng babae.

"At bakit naman ?"

"Pupunta po kasi kaming Bicol. Yung lolo ko po dun wala na!" Naiiyak pa siya habang nagsasalita. Alam ko ang pakiramdam ng nawalan sobrang hirap at sobrang sakit. Naalala ko tuloy nung nawala si nanay

"Okay Stacy naiintindihan ko. Oh maliban kay Stacy sino pang hindi aattend?!Wala naman ng nagsalita. "Basta yung mga pledge niyo ha. Wala tayong exchange gift pero okay lang yun ang mahalaga masaya!

Perfect SwitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon