Chapter 11

105 21 4
                                    

*PSGettingReady

Gardo's POV

Nalungkot ang pudracles ni Bianca ng sabihin ko sa kanya ang katotohanan tungkol sa asawa niya. Mula sa pagtataksil nito hanggang sa muntikang pagdala nito kay Tonton. Kitang kita ko sa mata nito ang sakit na naramdaman niya nung oras na sinabi ko sa kanya iyon.

Ilang linggo na ang lumipas at ito kami ngayon at dala na ang mga damit namin. Oo hindi na ako mag-iisang titira kina Tita Liza. Masaya ako na pumayag ang magasawa na kasama ko si Tonton.

"Magpapakabait kayo dun mga anak ha. Dadalaw dalawin ko na lang kayo pag wala akong trabaho. Hayaan niyo pag nakaipon ang tatay  hindi niyo na kailangang gawin ito!" sambit ng pudra ni Bianca.

"Promise yan pa ha. " tugon ni Tonton.

"Pa ingat ka lagi. Tawag ka sa'min palagi ha. "kahit alam ko sa sarili ko na hindi niya ako anak ramdam ko naman na mahal na mahal niya kami. Masaya ako na naramdaman ko kung paano magmahal ang isang ama sa pamamagitan niya.

"Oh siya basta yung mga bilin ko sa inyo ha sundin niyo. Lagi niyong tatandaan na mahal na mahal kayo ng papa ha! Saka Bianca anak kung ano mang gusto mo o kung ano ka man tatanggapin pa rin kita kahit anong mangyari. Ikaw lang nagiisang Bianca na mahal na mahal ko mapa-tomboy ka man o babae nak."

Niyakap niya kami bago tuluyang umalis. Sana ganito din sa akin si pudracles. Matapos ang ilang oras na biyahe ay finally nakarating na kami sa aming destination.

"Oh Bianca Tonton kanina pa kayo iniintay ng Tita Liza niyo!"masiglang bati sa amin ni Tito Aldrin.

"Talaga po?" ngiting ngiti kong sambit.

Pagkapasok namin sa loob ng balor nila ay agad kaming pinapunta sa magiging kwarto namin ni Tonton. Sinamahan kami ng Tita ni Bianca dun. Infairness mas malaki itong balor ng tita ni Bianca kesa sa balor nila. Dalawa kasi ang kama dito at medyo malawak ang kwarto.

"Mula ngayon ito na ang magiging kwarto niyo. Feel at home lang kayo ha kasi ituturing na namin kayong anak ng Tito Aldrin niyo."

Mas okay na rin siguro toh para mas malapit ako sa truenay naming balor. Puwede na kaming magkita anytime. Ngumiti ako ng malapad.

"And by the way  Bianca sumama ka sa'kin mamaya may pupuntahan tayong importante. Ton dito ka muna kay Tito Aldrin mo ha."

Omg naexcite naman ako bigla dun. Wait mas okay siguro kung kasama si Bianca.

"Tita pwede po bang magrequest ?"

Naghintay lang ito sa sasabihin ko.

__________________

So ayon pumayag siya na kasama si Gardo. Tamang tama ang timing mga sis. Makeover eme eme doo daw pala kaya sinama ako nito. Nalaman daw kasi nito na gusto ko ng magpakababae. And for sure gusto na rin ni Bianca na magpakakalalaki sa katawan ko.

Para na rin ito sa pagbabalik namin sa school. Ilang araw na lang at Senior High School na kami. Pareho kami ng kukuning Strand ni Bianca para magclassmates kami.

Humanda silang lahat sa paglabas ng bagong Gardo at bagong Bianca hehe exzoiting di ba mga sissy! Wait a minute kapeng mainit truelaley ba itong nasiseen ko rayt now over there !?

Ang mudracles ni Bianca kasama yung escabeche niya. Maya maya pa ay nawala na sila sa paningin ko. Ay dinedma ko na lang din dahil for sure mas exciting pa itong makeover namin.

So ayon pumasok kami ng auntienesss ni Bianca sa isang salon. Pumunta naman sa barbershop for boys si Bianca. And the show must go on. Pinahiga kaming dalawa ni tita. Oo tita na tutal ako naman si Bianca sa paningin ng lahat eh and isa pa nahihirapan na ako sa kababanggit sa name ni Bianca eh. May kung ano lang inayos sa buhok ko bago kami pinahiga ni Tita.

Perfect SwitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon