Chapter 3.1

139 29 5
                                    

Chapter 3 (Part 1)

*Gardo's New Year

Gardo's POV

Ilang oras na lang at bagong taon na pero nasa harap ako ngayon ng kubo ni Mang Tasyo. Wala naman masama kung susubukan 'di ba. Naisip ko kasi na baka meron ditong magandang cellphone at ipapalit ko yung bigay ni Nanay.

"Hello po nagbalik po ako dahil may gusto po ako sanang palitan kung available lang naman po sana !"

"Ano yun iho ?"

"Ito po yung cellphone ko na bigay sa kin ni Nanay medyo hindi ko po gusto. Touchscreen po kasi gusto ko and naisip ko baka meron kayong ganun."

Saglit pa niya akong tinitigan bago kunin ang hawak kong cellphone. Sasabihin ko na lang kay nanay na kailangan talagang touchscreen ang cellphone namin para magawa yung ibang activities sa school. Lalo at malapit na magpasukan.

" ' Di ba ang sabi ko lahat ng hanap niyo ay dito niyo matatagpuan. Maghintay ka jan at pagbalik ko may bago ka ng cellphone !"

Bonggacious talaga!!

Pagbalik nga niya ay may dala diyang touchscreen na phone pati na ang charger nito.

Ang bongga bongga talaga !

Nang mahawakan ko iyon ay para akong nasa panaginip. Finally makakapagfacebook na ako !

"Thank you thank you po talaga !"

Matapos kong magpasalamat kay Mang Tasyo ay agad akong umuwi sa amin. At pagdating ko dun ay si pudracles ang bumungad sa akin. Lasing na lasing ito.

Grabe araw araw na lang siya ganyan.

Nangangatumba na ito sa may pintuan kaya inalalayan ko siya. Wala pa rin si mudra kaya no choice ako kundi ako ang mag-take care kay pudracles. Nangangabitawan na niya ang saklay. Kaloka kasi ang pudracles kong ito. Pilay na nga lasenggero pa!
Kung ano ano pinagsasabi niya. Senyales na sobra siyang lasing.

"Bakla ka ! Dapat sa'yo pinapatapon sa ilog !"

Haiisttt

"Bakit ba kasi hindi niyo ako matanggap. Tao din naman po ako ah. Dyosa nga lang sa kagandahan."

Maya maya ay nagulat ako dahil bigla siyang bumangon sa papag. Tinaas niya ang kamay niya. At mukhang yayakapin niya ako.

Totoo ba ito ??

Pero isang malaking pagkakamali pala ang umasa. Sinukahan lang niya ang damit ko.

Eeewwwweeeeeeee

"Oh anak ako na bahala jan. Itabi mo muna tong mga dala ko."

Si mudra yun may dala siyang pansit at kung ano anong pagkain. Luto na ang mga yun.

"San galing ito Nay?"

"Sa amo ko bigay sa akin. Andami kasi nilang niluto kanina at dumating yung mga anak niya."

"Ah ganun po ba. Sige po !"

Matapos kong itabi ang pagkain ay aagd akong nagbihis. Dahil amoy suka ako . Hindi ko talaga gusto amoy ng alak.

"Anak san galing tong cellphone mo ?"Tanong ni mudra.

" ' Di ba po may binili kayong cellphone sa akin ! Sinuwap ko po! Kailangan po kasi talaga touchscreen ang phone sa school!

"Ah ganun ba ? Magkano naman nagastos mo.  'Di ba pag swap lalo at maganda ang kapalit may dagdag !?"

"Sa awa naman po ng Diyos ay wala! Sige po Nay labas po muna ako gagawa po ako ng fb account hehe !"

Perfect SwitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon