Chapter 17

69 16 12
                                    

*PSConfession

Bianca's Point of View

Naglalakad ako ngayon sa hallway ng school ng biglang may humawak sa kamay ko. At paglingon ko ay nagulat ako kung sino ang taong yun.

Princess!

"Bianca may aaminin ako sa'yo. Sana pag nalaman mo yun hindi ka magbago ng pakikitungo sa'kin."

Teka pa'no niya nalaman na ako si Bianca? Tiningnan ko ang braso ko. Bumalik na ito sa dati. Sa wakas ako na ulit si Bianca.

"Oo naman, ano ba yun?"

"Bianca mahal kita. Mahal na mahal kita Bianca mula pa ng makilala kita!"

Nagulat ako sa sinabi niya. Totoo ba ito?

"Mahal mo talaga ako kahit na tomboy ako?"tanong ko para masiguro ang sagot niya.

"Oo Bianca kahit na sino at ano ka pa. Mamahalin pa rin kita!"

Nang sambitin niya yun ay sobrang gumaan ang pakiramdam ko. Ang sarap sa pakiramdam mga repa!

Hindi ko na nagawa pang pigilan ang sarili ko. Niyakap ko siya ng mahigpit. Pero paglapat pa lamang ng mga braso ko sa katawan niya ay unti unting naglaho ang katawan ni Princess. Ilang saglit pa ay tila bula na lang siya na unti unting nawala.

Napaupo na lamang ako sa hallway. "Princesssssssss!!"sigaw ko.

Pagmulat ng aking mata ay sobrang bigat ng pakiramdam ko. Panaginip! Isang panaginip na parang may ibig ipahiwatig.

Parang gusto nitong iparating na hindi kami para sa isa't isa ni Princess. Kay saklap na katotohanan.

Napabangon na lang ako sa pagkakahiga ko. Wala pa rin ang tatay ni Gardo. Hayyss mag-isa na naman ako. Miss ko na ang nanay ni Gardo. Kahit hindi ko siya tunay na ina napamahal na rin ako sa kanya sa maikling panahon na nakilala ko siya.

Tama na muna ang kadramahan ko hindi bagay sa macho kong katawan. At isa pa papasok pa ako baka malate eh nakikisabay lang ako kay Tito.Mabilis lang ako nagbihis. Wala pa rin ang tatay ni Gardo kaya medyo nagtataka na ko. Mabuti na lamang at may baon na ako for one week.

Nang makarating kami sa school ay agad kaming dumiretso sa room. Isa na namang araw na puno ng sorpresa. Nagumpisa ang klase na wala ako sa tamang pagiisip. Lutang kasi ako ngayon dahil hindi ko alam kung sasabihin ko ba kay Gardo na yung tatay niya ay kagabi pa hindi umuuwi. Ayoko naman na pagalalahin si Gardo dahil kahapon lang ay durog na durog siya.

Lunchtime at ito ako ngayon naglalakad papunta ng canteen. Nauna na dun yung dalawang bakla. Grabe no? Di man lang nanghintay!

"Gardo!"dinig ko ang pagtawag ng isang tinig. Tinig na ayaw ko muna sanang marinig dahil sa aking panaginip. Pero kapag puso na ang nagdikta kailangan talagang sundin ito.

"Ahmmm tara sa'min birthday nung kapatid kong one year old!"

Papayag ba ako o hindi. Wahhhh pagkakataon ko na ito para makilala ang future family ko  palalampasin ko pa ba?! Kaya naman agad kong tinext si Gardo. Sinabi ko na may pupuntahan ako at wag na nila ako intayin. Kumain na sila sabi ko.

Hinawakan ni Princess ang kamay ko. Naramdaman ko naman ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Ibang klase mga pre!

Hindi ko na tuloy namalayan na nasa labas na kami ng gate. Sumakay kami ng tricycle at si Princess na rin ang nagbayad sa'kin. Ayaw ko pumayag nung una pero pinilit niya akong mahalin siya este ibayad niya.

Perfect SwitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon