Chapter 27

42 2 24
                                    

Note :

Not just one but two chapters. Enjoy Reading hehehe.

*PSSeriousDecision

Bianca's  POV

After a week

Kauuwi lang namin galing sa mall. Kasama namin si Papa at si Tonton. Ang saya saya ni Tonton dahil sobrang miss na niya si Papa. Hindi naman sumama si Tatay dahil nagpapahinga lang siya sa bahay dahil medyo masama pa ang pakiramdam niya. Naalala ko na sinabi sa'kin ni Gardo kanina na parang napansin niya sa mall si Mang Tasyo. Kung totoo man yun sana man lang nakausap ulit namin siya. Marami pa akong tanong sa kanya.

"Sige Gar — Bianca uwi na ako."   Paalam ko sa kanya. Nakaupo siya ngayon sa sofa katabi si Tonton. Mukhang napagod sa pamamasyal kanina. Dinampot ko na ang pagkaing pasalubong ko kay tatay.

"Iha pasabi sa tatay mo magpalakas nq siya ng todo. Para makapagtrabaho na siya. Wala na akong makausap doon haha." Sambit ni Papa na ngayon ay kagagaling lamang sa kusina.

"Sige po," sambit ko naman sabay ngiti. Nakakalungkot lang na hindi niya ako kilala. Hindi niya alam nq ako ang totoo niyang anak. Na ako talaga si Bianca at hindi si Gardo.

Bago pa man maiyak sa harap nila ay umuwi na ako. May sinabi pa si Gardo pero wala na akong narinig pa.

Pagkapasok ko sa bahay ay agad kong kinumusta ang lagay ni tatay. "Tay musta po? May dala ho akong pagkain para sa inyo."

"Medyo okay naman na ang pakiramdam ko. Nanghihina lang ng kunti. Pero nagpasalamat ka man lang ba para jan ?"

"Opo naman sige ho ilalagay ko lang ito sa plato."  Dumiretso ako sa kusina at kumuha ng plato. Inilagay ko ang spaghetti doon isinama ko na rin dun yung fried chicken.

"Nak alam mo napakabait na tao ni Mario. Mahal na mahal niya ang mga anak niya. Iniwan na sila ng asawa niya eh. Naawa nga ako eh."

Kung alam mo lang po kung nasaan yung babaeng yun. Nagpapakasarap lang naman sa kayamanan ng Daddy ni Janna.

Kinabukasan ay nagbigayan ng Card si Tita Liza ang umattend sa aming dalawa ni Gardo. Busy kasi pareho ang mga tatay namin. Matapos dumaldal ang adviser namin tungkol sa mga bayarin at kung ano ano pa ay dumako na siya sa pag-aannounce ng Top 10.

Nasa room lang kami and nasa kabilang tabi swmantalang ang mga magukang naman ay nasa kabilang side ng mga upuan.

Habang nagtatawag ay kinakabahan ako. Baka madissapoint ko si Gardo. Buong buhay ko ngayon lang ako kinabahan ng husto. Nung nasa katawan ko pa kase ako ay wala naman akong pakialam kung hindi ako mapasali sa Top. Basta pasado sapat na. Minsan nga nagkakagrade ako ng 75. Hehe ganun ako katalinong magaaral mga bro. Top 6 si Kurt at todo ngiti ang loko. Siyempre kay Gardo siya nakatingin. Katawan ko yun actually kaya medyo naki-cringe ako. Hahaha.

Hindi ko na tuloy namalayan ang sinasabi ni Ma'am sa sobrang titog ko sa dalawang yun.

"Okay  our Top 4 is Mr. Lauron Ramos."

Aba ibang klase din pala itong si Lauron. Kung titingnan mo aakalain mong puro kabaklaan lang ang alam. Pero ito oh top 4 ang bakla hahaha.

Agad na lumapit si Lauron sa unahan at tinanggap ang certificate. Ngiting ngiti siya . Matapos yun ay bumalik na siya sa tabi namin.

"Next is Top 3, Ms. Freda Sandoval."

Ito yung babaeng napakapalaban. Ibang klase kung awayin si Gardo. Pero mukhang hindi siya masaya sa honor niya. Nakasimangot kasi siya habang tinatanggap yun.  Ibang klase hindi man lang naging thankful.

Perfect SwitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon