*PSAcceptance
Gardo's POV
Para akong nakaahon sa isang napakalalim na dagat nang imulat ko ang aking mata. Hindi ko alam kung ilang araw na akong nahihiga dito habang nakakabit ang iba't-ibang aparato.
Ilang saglit pa ay dumating na ang ilang nurse at doctor. Chineck nila ako kung okay na ba talaga ang lahat sa'kin. Matapos iyon ay kinausap na ng doctor sila nanay.
——————
Nasa regular room na ako ngayon. Agad na lumapit sa'kin si Bianca. Totoo nga ang panaginip ko nakabalik na kami sa katawan namin. OMG I'm super happy na. Medyo naloka lang ako sa huling naalala kong nangyari sa'kin sa katawan ni Bianca. Muntik na ako marape buiset. Buti sana kung kasing gwapo ni James Reid or Daniel Padilla. Hahaha charrr kahit gaano pa kagwapo hinding hindi ako papayag na madungisan ang pagkababae ko.
Pero now balik na ako sa kabaklaan mode. I'm back finally back with a beautiful face. CHARRR! Tanging dextrose na lamang ang nakakabit sa akin ngayon. Buti kinaya ko yung kung anek anek na nakakabit sa'kin noon. Kaloka talaga ang buhay napaka-unpredictable.
"Gardo sa wakas nagising ka na. Antagal naming hinintay ang pagbabalik mo. Sorry nga pala dahil sa'kin kaya ikaw ang nalagay sa ganyang sitwasyon."
Kaloka ang tomboy na ito eh noh! Kahit kailan walang dapat sisihin sa nangyari. Masyadong drama queen este drama king ang taong ito talaga.
"Kaloka ka wag ka nga magsorry jan. Dapat nga magong thankful pa ako sa'yo. Kundi dahil sa'yo hindi ako makakapagbeauty rest ng bongga! By the way highway ilang days ba akong nagbeauty rest?"
"Almost two months Gardo ibang klase ka magbeauty rest inaabot ng buwan." Biro pa niya at natawa rin naman ako dun. Kaloka hindi ko inexpect na almost two months akong nakahilata dito. Grabedad mga sis hindi ko kineri yun. "Alam mo bang araw-araw naming pinagdarasal na gumaling ka agad. Miss ka na namin sobra eh. Oo nga pala si Warren sa school na rin natin mag-aaral."
Sa sobrang pagkabigla ko ay napaayos ako nang upo sa kama. Totoo ba na bumalik na si Warren? As in Warren Fernandez? OMG!
"Sinong Warren?"inosenteng tanong ko.
"Kababata mo ah yung kinikwento mo sa'kin noon."
"Warren Fernandez as in?"
"Oo bakit mukhang gulat na gulat ka?"
"Wala naman hindi ko lang inexpect na babalik pa siya sa lugar natin."
Hindi ako sanay na kaharap ko na talaga yung totoong siya. Balik tuloy sa dati ang ayos niya. Nakapusod na buhok with matching sumbrero na nakabaliktad ang suot. Tapos wala rin siyang makeup na unlike noong ako pa siya todo blush on at lipstick ako always. Mamimiss ko yun ng bonggang bongga.
Kung ano anong bagay ang kinuwento sa'kin ni Bianca. Sinabi rin niya na may binibili lang si nanay sa labas. Andami na pala agad nangyari sa loob ng mga raw na wala ako. Almost two months ba naman akong tulog. Natawa ako sa kwento niya about Freda. Nang mag-away raw sila binantaan niya ito na sa susunod na awayin niya kami pagsisisihan niya nang husto. Kaya raw mula noon hindi na siya ginulo nito.
Ilang saglit pa ay dumating na si nanay. May dala siyang isang plastic ng iba't-ibang prutas. Ipinatong niya yun sa maliit na mesa sa tabi ng kama ko. Bigla niya akong niyakap matapos niyang ayusin yun.
"Nay grabe ka ha mas inuna mo pa pagbili ng prutas kesa makita ako,"biro ko sa kanya.
"Kaw talaga mas importante na kumain kq mg prutas. Para naman makabawi ka ng lakas. Dalawang buwan ka halos tulog eh."
BINABASA MO ANG
Perfect Switch
FantasíaIsang lalaking may pusong babae at isang babaeng may pusong lalaki. Paano kung magkapalit sila ng katawan? Is this a Perfect Switch? Or start of a bigger challenge that they need to overcome!
