*PSProofOfLove
Gardo's POV
Kinabukasan maaga kaming pumasok ni Warren. Medyo lantutay ako dahil hindi ako nakapagalmusal. Hindi kasi nakapagluto si tatay agad. At may kailangan kasi akong asikasuhin. Alam niyo naman late na ako nakapasok and marami akong nalampasang mga quiz, seatworks, activities at kung ano ano pang projects. Kaloka nga eh kabago-bago andami agad ginawa.
Nasa parking lot kami ngayon ng school nang biglang may lumapit sa'kin. Kaloka alam niyo yung feeling na kabisado mo na yung amoy ng isang tao. Na kahit hindi ka agad lumapit sa kanya ay keri lang kasi knows mo siya agad.
"Oh Gardo ang aga mo ata ngayon?"
"Oo eh marami kasi akong gagawing seatworks and kung ani ano pang hahabulin."
"Ahhhh pareho tayo tara sabay na tayo."
"Ahmm balak ko sanang magalmusal muna sa canteen eh."
"Naku tamang-tama hindi pa rin ako nakakapagalmusal."
"Tara,"aya ko sa kanya.
"Sure," tugon niya.
"Ahmm Warren kaw ba?"tanong ko.
"Oo naman tara!" Masiglang sambit nito matapos ayusin ang pagka-parking ng motor.
Hay naku kasama ko na naman ang dalawang lalaking ito. Sana naman hindi sila mag-away dahil sa kagandahan ko. Alam ko namang maganda ako pero reserved na yung beauty ko dito kay Kurt eh.
Nang makarating sa canteen ay may mainit pang sopas doon. "Tatlo po ate," napatingin ako kay Kurt na kumukuha na ng pambayad.
"Kurt ako na ang magbabayad."
"Hindi okay lang pambawi ko sa'yo yan."
"Pare ako na magbabayad lahat gusto ko rin namang mabaryahab itong 1K ko eh."
Napanganga na lang ako dahil sa sinabing yun ni Warren. Kita naman sa mukha ni Kurt na hindi siya patatalo kahit na 50 pesos lang ang hawak niyang pera. Kaloka baka magsuntukan pa ang dalawa pag hinayaan kong isa sa kabila ang magbayad.
"Ahmm ako na okay,"sabat abot ng thirty pesos sa tindera. Saktong sakto na yun para sa tatlong mangkok ng sopas namin. Kaya naman hindi na nagawa pang magsalita nung dalawa.
Habang kumakain ay ramdam ko ang tensyon sa pagitan nila. Naloloka na ako nang husto grabedad! Humigop na langa ko nang humigop ng sabaw.
"Ahmm Kurt punta ka sa bahay sa Linggo. Gusto ka raw makilala nang husto ni tatay."
Napatingin naman siya sa'kin at napangiti. Hay naku sa ngiting yun ako nahulog at hanggang ngayon hindi makaahon.
"Sure excited na ako para dun."
Nagngitian na lamang kami ni Kurt. Napatingin naman ako kay Warren nang bigla itong nagsalita.
"Ahmm gaano na kayo katagal mag-jowa?"tanong nito.
"March naging kami eh so August na ngayon so five months na kami." Proud na tugon ni Kurt sa tanong ni Warren.
Gosh five months na pala kami pero hindi ko naramdaman nang husto yun ah. Palibhasa siguro nacomatose ako tapos noong namatay ang father ni Kurt hindi na kami gaano nakapagkita. Alam niyo yun galit sa'kin mga kapatid niya. Ang sakit pa rin talagang balikan.
"Congrats alam.mo bang sobrang saya ko nang malaman ko na may boyfriend siya." Napatingin naman ako kay Warren na may sincere na ngiti sa kanyang labi. "And nasaktan ako nang malaman ko kung anong pinagdaanan niya."
BINABASA MO ANG
Perfect Switch
FantasyIsang lalaking may pusong babae at isang babaeng may pusong lalaki. Paano kung magkapalit sila ng katawan? Is this a Perfect Switch? Or start of a bigger challenge that they need to overcome!