Chapter 4.1

124 25 9
                                    


Chapter 4 (Part 1)

*Gardo'sKnightInShiningArmor

Gardo's POV

Tapos na ang maliligayang araw ng mga estudyanteng tulad ko. Dahil mula sa araw na ito umpisa na naman ang klase. Actually hindi pa ako handa eh handang handa lang. May cellphone na akong maipagyayabang sa mga classmate ko.

Kasalukuyan akong nasa tricycle on the way to school na ang lola niyo. Excited na akong makita ang lalaking gumugulo sa buhay ko. Charowwttt siya talaga ang kumukumpleto sa buhay ko. He is my inspiration in life.

Taray ! May paenglish na naman ang lola niyo.

Nabitawan ko ang cellphone ko at nauntog ako sa harap ng tricycle.

"Aray Manong ano ba !?"

Buti na lang at hindi nahulog sa kalsada yung cellphone. Napahawak na lang ako sa ulo ko.

Ang sakit !

"Pasensya na totoy nabutasan ako ng gulong !"

Hanudaw ! No hindi puwede kailangan kong hindi malate ngayon.

"San po niyo ipapaayos yan ?"

Bumaba na ako ng tricycle. Bagsak ang balikat akong tumingin sa daan. May kalayuan pa ito sa school namin.

"Malayo pa iho. Mas okay kung sakay ka na lang sa iba. Baka malate ka pag hihintatayin mo pa ako."

Ibinalik niya ang bayad ko. Nagbayad na kasi ako pagkasakay pa lang. Pagkakuha ko nun ay naglakad lakad muna ako.

May dumadaan man puro motorsiklo.
Wala bang balak pumasok ang nga estudyante sa may amin ?

At dahil wala pa rin dumadaan. Naisip kong ipagpatuloy ang paglalakad.

Lakad

Takbo

Lakad

Takbo

Hanggang sa marating ko na ang school. Late na ako for sure. Wala ng pagdadalawang isip pang tinakbo ko ang aming room.

Pagdating ko dun ay dinig ko ang boses ni Ma'am Dilema.

Lagot!

Dahan dahan akong pumasok sa likod na bahagi ng room.

"Mr. Fuentes why are you late ?"

Tanong niya na nagpatigil sa akin. Tiningnan ko lang siya at kita sa mata niya ang nais niyang mangyari.

Ang baho !

Ang pinapangarap kong magandang bungad ng bagong taon sa akin ay hindi natupad. First day na first day ko sa school nagkukoskos ng dingding ng mabahong CR. Sa mga lalaki ito kaya ganun na lang kadumi. Buti hindi ako umiihi at hindi ako naiihi pag napasok ng school.

Kahit yata ilang powder na mabango ay tunawin sa tubig para ibuhos ay hindi na tatalab sa kapal ng dumi na bumabalot sa CR na ito.

Kuskos dito !

Kuskos doon!

Kuskos pa more !

Pawisan na ako sa aking ginagawa ng may narinig akong yabag ng mga paa.

Oh noes may tao !?

Bumilis ang tibok ng puso ko dahil may pamilyar na presensya akong naramdaman.

"Oh Gardo okay ka pa ba jan ?"
Tanong niya sabay diretso sa bowl . Hindi ko magawang tumingin sa kanya dahil mukhang alam ko na ang susunod niyang gagawin.

Perfect SwitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon