Chapter 32

34 3 20
                                    

*PSTruthOrDare

Bianca's  Point Of View

Kinabukasan ay hindi ko nakita sa tabi ko ang tatay ni Gardo. Oo magkatabi kasi kami sa kama. Ako nga si Gardo 'di ba. Tss umuwi na kaya yun?

Agad akong pumasok sa banyo upang magmumog at maghilamos. Sakto lang ang laki ng kuwartong ito. May medyo malaking kama na kaya naman ang dalawang katao. Tapos may banyo na sakto lang rin naman. May shower at lababo sa loob.

Matapos makapagpalit ng damit ay agad kong inayos ang bag ko. Lumabas na ako at dumiretso sa kuwarto ni Princess. Kasama niya sa kuwarto si Gardo. Samantalang si Papa ay si Tonton ang kasama. Tapos si Tito at Tita naman ang magkasama.
Tapos si Eldon at Kurt sa iisang kwarto. Baka magbugbugan yun magkaribal pa man din yun sa puso ni Gardo.

Kumatok ako sa kuwarto nila. Agad naman bumukas iyon. Iniluwa nito si Gardo na halatang bagong hilamos dahil basa pa ang mukha niya. "Oh ang agap mo namang manligaw brother hahaha."   Biro niya sa akin habang todo ang ngiti.

"Baliw ka pabalato mamaya ha may pa-eighteen bills ka eh ako gifts lang."

"Haha oo naman sa'yo naman talaga dapat iyong mga natanggap ko eh. By the way highway si Princess nasa CR pa eh!"

"Pwede ba papasukin mo na ako. "

Agad siyang dumiretso papasok at  sumunod naman ako. Katulad rin naman ng kuwarto namin ang kuwarto nila. Umupo muna ako sa kama upang hintayin si  Princess. Aayain ko siyang maglibot sa tabing dagat.

"Ahmm Bianca kelan mo sasabihin ang totoo kay Princess ?"  Natigilan ako sa tanong na iyon ni Gardo. Napatingin ako sa kanya na nakaharap sa salamin habang may ipinapahid sa mukha niya este muka ko.

"Ewan ko eh hindi pa yata ako handang aminin sa kanya ang totoo. Eh ikaw kelan mo balak sabihin kay Eldon na pinapaasa mo lang siya ?"

"Basta ako na bahala dun."

Ilang saglit pa ay lumabas na si Princess sa banyo. Bihis na ito. Naka spaghetti ata ang tawag dun tapos maiksing short. Sorry guys ha kahit babae ako wala alam sa mga damit. Basta ba nakaover size t shirt ako tapos jersy shorts or maong pants eh sapat na sa akin. Kagaya ng suot ko ngayon naka jersey short ako tapos kulay blue over size shirt.

Naglalakad kami ngayon ni Princess sa buhanginan. Nakahawak siya sa braso ko. Ang sarap sa feeling na yung taong mahal mo kasabay mong naglalakad. Hindi pa gaanong mataas ang araw.

"Princess parang ang clingy mo sa'kin masyado ngayon ?"Nagtatakang tanong ko.

"Mahal kasi kita sobra."

"Hmm ano nga ulit yun ?"

"Sus bingi-bingihan sabi ko mahal kita."

Hindi ko na napigilan ang sarili kong iharap siya sa akin. Tinitigan ko siya sa kanyang mga mata. Nakangiti siya habang pinagmamasdan ako.  "Princess ibig sabihin ba nito sinasagot mo na ako ?"

"Hmmm," sabay ngiti sa akin.

"Ano linawin mo kasi."

"Gardo ilang buwan ka nang nanliligaw sa'kin. At sa tuwing nakakasama kita unti unti kitang nakikilala. At yung mga efforts mo araw araw sa panliligaw sa'kin super naappreciate ko ng husto. Kaya oo sinasagot na kita." Kasabay ng masarap na simoy ng hangin ay ang kasiyahang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Hindi ko inaasahan ito.

"Princess mahal na mahal kita. At kahit paghintayin mo ako ng sobrang tagal. Hindi ako mapapagod maghintay. Pero sobrang saya ko na marinig yan sa'yo ngayon. Hindi ko inaasahan ito. "

Perfect SwitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon