Chapter 9

112 22 6
                                    

*PSBeingYouIsPerfect!

Gardo'sPOV

Kinakabahan ako hindi ko kabisado ang mga kasamahan ni Bianca sa bahay pero sabi ni Bianca magingat lang ako dun sa nanay niya. Dahan dahan akong kumatok sa pintuan nila. Infairness simple lang bahay nila pero bonggacious. Pero mas bet ko pa rin yung bahay namin andun kasi si mudracles. Miss ko na siya agadchee.

Pagbukas ng pinto ay bumungad sa akin ang isang bata. Si Tonton siguro ito .

"Ate !"

Ang sarap sa ears na tinatawag kang ate. Ramdam na ramdam ko yung totoong ako.

"Pa andito na po si Ate!" natutuwang kuda nito.

Pumasok na ako sa loob ng bahay at nakita ko ang isang lalaki na tatay siguro ni Bianca.

"Oh Bianca san ka ba nanggaling kanina pa ako nagaalala sa'yo! "

"Dun lang po kay Tita!" buti na lang at naikwento sa'kin ni Bianca ang tungkol sa Tita niya.

"Ah ganun ba. Oh sige kumain ka na nak tapos na kami ni Tonton. May sinigang na hipon diyan paborito mo!" Pumasok na ito sa kwarto pagkasabi niya nun. Si Tonton naman ay pumasok na din sa kabilang kwarto kung saan din ako tutulog mamaya.

Pagbuklat ko sa taklob  ay bumungad sa akin ang sinigang na hipon. O em geee ngayon na lang ulit makakatikim ng hipon. Laging sardinas ulam namin eh hehe.

Buti na lang at madaling hanapin ang pingganan nila. Kumain na lang ako ng kumain.

Hmmmmmmmm

Busog !

Maya maya pa ay dumating na ang nanay ni Bianca. Agad itong lumapot sa akin. Nakasuot ito ng maikling kasuotan. Kita ang makinis nitong hita.

"Ano nasabi mo na ba !? Tanda mo pa naman siguro kung anong kondisyon ko di ba!"

Omg anong kondisyon!? Bakit hindi ata ito nasabi ni Bianca sa'kin.

"Sorry nakalimutan ko na po eh ano po ulit yun ?" tanong ko.

Nagtaka siya ng magsalita ako.

"Na sa oras na sabihin mo ang mga narinig mo kagabi hindi ako magdadalawang isip na umlais at isama si Tonton !"

What hindi puwede yun. Ano bang klaseng tao ito. Niloloko na nga niya tatay ni Bianca anlakas ng loob pang manakot sa anak. Hayyyssttt.

Agad itong umalis sa harapan ko at pumasok sa kwarto nila ng asawa niya.

Kalerke pala itong mudracles ni Bianca !

Matapos kong kumain ay hinugasan ko na ang mga pinagkainan. Madali ko namang nakita ang dishwashing liquid at sponge.

Pagkatapos nun ay pumasok na ako sa kwarto nila Bianca. Btw ako nga pala si Bianca hehe more girly version nga lang because of my galaw.

Sa taas ang higaan ni Bianca at sa baba naman ang kapatid niya. Medyo nahirapan akong umakyat dahil hindi naman ako sanay sa double deck. Siping siping lang kami nila mudracles at pudra sa isang papag.

Masarap na ang tulog ni Tonton buti na lang. Baka kasi magtanong pa siya ng kung ano ano eh hindi ko alam ang isasagot.

Nahiga na ako may seiling fan dito kaya presko ang pakiramdam. Wala kasi sa'min kahit electric fan. Pero miss na miss ko na si mudracles. Gusto ko na umuwi. Huhuhubels.

Namalayan ko na lang na umaga na. Ang sarap ng tulog ko mga bes. Agad akong bumaba ng higaan ko. Wala na si Tonton dito. Napaharap ako sa isang malaking salamin sa kwarto nila. Pinagmasdan ko ang mukha ni Bianca. Maganda naman siya . Malantik ang pilik niya, medyo maliit ang mata ,matangos ang ilong, mapink yung lips at maliit ang hugis ng mukha. Sayang siya andami niya sigurong manliligaw kung nagkataon. Naalala ko siya palaging nakasombrero malaking shirts at short na pangbasketball ang lagi niyang suot. For sure pag naging girl siya ang ganda ganda niya. Kunting makeover lang pak na pak na ang beauty niya.

Perfect SwitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon