*PSForTheLove
Gardo's POV
Kaloka ang Bianca nakisleep-over daw kila Princess. Ngayon ko lang umaga nabasa ang text niya dahil maaga ako natulog kagabi. Hanggang ngayon kasi wala akong natatanggap na text or tawag man lang galing kay Kurt. Ganoon na naman siya nakakaloka!
"Hello nay musta po kayo jan?"bungad kong tanong.
[Okay lang naman anak wala nga dito sila Sir eh. Tapos si Janna naman ay bumalik dun sa tinirahan niya noon.]
"Eh di uuwi po kayo dito?"
[Hindi anak eh kailangan kong mag-stay dito. Dadagdagan na lang daw ni Sir ang sahod ko. Sayang din yun nak.]
"Ganun po ba sige nay."
[Sorry nak ha. Kelangan magtrabaho ni nanay nang husto eh. Hayaan mo balang araw hindi ko na kinakailangang gawin ito.]
Matapos ang usapan namin ni nanay ay lumabas muna ako ng bahay. Andito ngayon si tatay dahil natapos na yung project na pinagawa sa kanila. Pati nga tatay ni Bianca ay naghahanap na rin ng trabaho.
"Oh anak gising ka na pala. May niluto ako jan na sinangag at hotdog."
Ang sarap pakinggan talaga pag galing sa kanya. Kailanman ay hindi ko naimagine na mangyayari ito. Pero tingnan niyo naman okay na okay na kami.
Matapos kumain ng almusal ay lumabas ulit ako nang bahay. Baka kasi andun na si Bianca sa kanila eh gusto ko magtanong kung anong nangyari.
Pero hindi pa man ako nakakarating kanilang bahay ay ginulat na ako nang isang lalaking nakamotor. Walang iba kundi si Kurt. Malungkot ang mukha niya na hindi ko gets kung bakit. Agad niyang inihinto ang motor at pumunta sa'kin.
"Gardo sorry sa mga nagawa ko."
"Dapat kasi alamin mo muna ang totoo bago ka kumilos!"
"Uy Gardo,"biglang bati ni Warren na todo ngiti. Nawala naman agad ang ngiti niyang iyon nang mapansin si Kurt.
Humarap naman si Kurt kay Warren. Kinabahan namana ko ng very light kasi akala ko magsusuntukan sila.
"Brad sorry sa mga nagawa at nasabi ko sa'yo." Nagulat ako nang bigla itong yumakap kay Warren. Juskwahhh baka magkainlaban ang dalawang itey nakakaloka!
Pero mukhang friendly hug lang talaga iyon. Yun bang kadalasang yakapan ng dalawang lalaking magkaibigan. Ganern!
"Wala yun hindi naman gaano masakit eh."Pagyayabang ni Warren.
"So gusto mo yung mas masakit sige!" Biro naman ni Kurt kaya ayon naghalakhakan ang dalawang ugok.
"Ahmmm sige mauna na ako sa inyo lovers. Magkikita kami ng bebeloves ko eh." Biglang paalam ni Warren. Kaloka yung endearment ha bebeloves. Ang baduy hahaha!
"Bebeloves talaga kaloka ha!"
"Sige na ipapakilala mo pa siya sa tatay mo di ba?"
Shocks kinakabahan ako! Todo na ba to? Ahhhhhhhhhh!
—————————
So ayon na nga natitense na ako kasi kaharap na namin ngayon si pudracles. OMG naloloka na ako nang sobra!
"Iho mahal mo ba talaga ang anak ko?"tanong nito.
"Sobra pa po sa sobra tito. Hmmm actually siya naman po ang ipapakilala ko sa mga kapatid ko."
![](https://img.wattpad.com/cover/176242364-288-k280549.jpg)
BINABASA MO ANG
Perfect Switch
FantasyIsang lalaking may pusong babae at isang babaeng may pusong lalaki. Paano kung magkapalit sila ng katawan? Is this a Perfect Switch? Or start of a bigger challenge that they need to overcome!