Chapter 33

42 4 20
                                    

*PSTheReasonsBehind

Gardo's Point of View

Agad akong umupo matapos ang yakap na iyon. Saglit lamang iyon pero parang napakatagal na para sa akin. Kaloka ang lakas ng tama ko sa lalaking ito.

Si Princess naman ang next. "Truth!"
Mabilis niyang sambit. Si Bianca ang nagpresentang magtanong.

"Ahmm Princess kung mabibigyan ka ng chance maging isang artista. Tutal uso naman yung from vlogger to artista. Tatanggapin mo ba yun ng buong buo? "

"Hmmm oo naman siyempre. Dream ko rin yan eh maging artista. Pero sa ngayon pagaaral muna ang priority ko. Mas importante pa rin kasi para sa akin ang studies. Pero kung dumating man baka puwede kong pagsabayin hehehe."

Hay naku malulungkot itong si Bianca pag nagkataon. Dadami laki ang karibal niya sa puso ni Bianca eh. Sa school pa nga lang ngayong vlogger pa lang siya andami ng nagpaparamdam what more kung maging artista na siya. Hahaha. Kaloka kasi itong si Bianca dami daming puwedeng tanong yun pa talaga.

It's Bianca's turn. "Dun tayo sa truth!" Si Princess ang nagpresentang magtanong.

"Ahmmm kung may bagay kang gustong baguhin sa nakaraan ano iyon at bakit?" Ay kaloka si momsh pang beauty pageant  ang tanong.

"Actually wala. Wala akong babaguhin kasi kung hindi dahil sa mga pangyayari sa nakaraan ko. Hindi mangyayari ang mga ito. Wala akong pinagsisihan o ayaw sa mga iyon. Saka dahil sa mga iyon naging malakas ako. At nakilala pa kita." Naks naisangat pa nga yun. Kaloka itong si Bianca daming kaekekan. Hehe. Pero may point naman siya. Kung hindi kami nagkapalitan. Baka hindi namin nagagawa ang mga bagay na gusto naming gawin noon pero hindi magawa.

OMG ako na ang kasunod. Gosh mag-truth kaya ako o magdi-dare? Wahhhh help me mga bakla. Chosss dun tayo sa Truth. Sa True lang mga sis. "Truth ako."

"Ako na magtatanong!"Presenta ni Lauron. Bigla tuloy akong kinabahan. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa utak ng baklang ito. Pag talaga tinanong niya ako ng hindi kanais nais ay pagbubuhulin ko sila ni Laurence tapos itatapon sa laot at ipapakain sa mga pating. Wahhahaha.
"Ahmmm Bianca sino ang mas matimbang sa'yo si Eldon o si Kurt?" Naloko na nga po. Wahhhhhh makakatikim talaga ng sapak itong kaibigan kung ito maya maya lang.

"Uy bakla grabe naman baguhin mo tanong." Hindi na ako nakatiis magreklamo.

"Oh sige halimbawa na lang nasa isang bangka kayo tapos ikaw ang magaling maglangoy. Palubog na yung barko iisa lang ang puwede mong iligtas. Sino ang ang isisave mo si Eldon o si Kurt?" Kaloka iyon pa'rin yung tanong niya eh. Pareho lang naman kung iintindihin.

"Kaloka ka ganun pa rin naman yun eh. Oh sige para sa akin si Kurt ang ililigtas ko."  Walang alinlangan kung sagot. Bigla namang nabago ang  reaksyon ko ng makit ko ang reaksyon ni Eldon. Parang tumamlay ang mga mata niya. Hindi lang gaano halata kasi madilim at ang apoy lang ang nagsisilbing liwanag. Wala namang nagnanught swimming ngayon kaya halos kami lang ang tao dito sa tabing dagat. "Ahmm kasi  para sa akin mas athletic si Eldon. Kayang kaya niya isave ang sarili niya. Yun lang yun. Saka pareho silang matimbang sa'kin. Kainis ka talaga bakla eh noh. Daming puwedeng tanong eh yun pa." Palusot ko sa kanila. Hindi pa rin nagbabago ang reaksyon ni Eldon.

"Sabi ko ikaw lang ang marunong lumangoy. Pero sige na okay na yun!"

Nauwi ang gabing iyon na puro kwentuhan,kantahan at kainan. Kainan ng mga pagkain. Alam kung maraming green minded diyan pinangungunahan ni Lauron. Hahahaha.

Kinabukasan ay maaga kaming umuwi. Sakay kami ni Bianca sa kotse nila tito. Samantalang nauna na ang mga tatay namin dahil sa work. Sina Eldon,Kurt,Princess,Lauron at Laurence naman ay sa jeep nakisabay sa iba naming bisita.

Perfect SwitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon