Chapter 4.2

110 25 5
                                    

Chapter 4 (Part 2)

*Bianca'sPainfulDay

Maaga akong pumasok dahil wala ako sa mood. Ewan ko ba sa tuwing wala ako sa mood o stress ako sinisipag ako. Unang araw ng pasukan ngayon pero pakiramdam ko hindi ako excited.

Gulong gulo ang isip ko sa mga bagay na iniisip ko kagabi. Ilang saglit pa ay huminto na ang tricycle na sinasakyan ko. Pagkatapos kong iabot ang bayad ay naglakad na ako papasok ng school.

Lalong nasira ang araw ko ng makita ko si Janna kasama si Brix ang boyfriend niya. Nakaupo sila sa bleacher at nagtatawanan. Dito din pala nag-aaral yun pero bakit parang hindi ko siya nakikita dito.

Dumiretso lang ako sa aming room. Pagpasok ko pa lang ng room ay agad akong binati ni Berta. Ang kaibigan kong tomboy

"Uy tropapits musta bakasyon mo ?"masigla niyang tanong.

Hindi okay !

"Oks lang!"malamig kong sagot.

Wala ako sa mood makipagkulitan. Dumiretso na ako sa aking upuan. At sinalpak ang headset tenga ko. Makikinig na lang ako ng tugtog.

Ilang sandali pa ay dumating na ang teacher namin. Nagumpisa na siyang magdiscuss pero wala akong naiintindihan dahil bukod sa headset na nakalagay sa tenga ko ay wala rin ako sa mood makinig. Wala ako sa tamang wisyo para magseryoso sa mga oras na ito.

Ilang subjects teacher pa ang pumasok at nagturo pero wala akong pakialam sa kung anong pinagsasabi niya. Dumagdag pa sa inis ko ang makitang kasama ni Janna ang lalaking pinagpalit niya sa akin. Taga dito rin pala siya sa school pero bakit hindi ko siya kilala.

Lunch time na at wala akong balak pumasok ng hapon. Makikita ko lang si Janna at baka di ko magawang pigilan pa ang sarili kong saktan siya. Sa pangalawang pagkakataon nasaktan na naman ako ng dahil sa lintik na pag-ibig na. Bakit ba kasi hindi ako naging lalaki ? Bakit ba kasi sa babae rin ako nagkakagusto? Ang weird na nakakainis ayoko ng ganitong pakiramdam! Mula ng maging kami ni Janna doon ko naramdaman na may chance din palang maging masaya ang isang tomboy na tulad ko. Pero lahat ng yun
ay nagmistulang bula ng malaman kong niloloko lang niya. Sa pangalawang pagkakataon na naranasan kong mainlove doble ang sakit naramdaman ko. Doble ang pagkadurog ng puso ko.

Lunch time na at papunta ako ngayon sa canteen. At isang hindi ko inaasahang tao ang nasalubong ko. Walang emosyon sa mga mata niya.

"Puwede ba tayong mag-usap kahit sa huling pagkakataon?" tanong ko. Gusto ko lang linawin kahit sa huling pagkakataon ang lahat lahat. Kung bakit niya ako niloko ! Kung bakit niya ako pinaasang kaya niya akong mahalin kahit na tomboy lang ako.

Ang sakit ! Ang hirap!  Ang bigat sa dibdib! Pero gustuhin ko mang sapakin ang babaeng kaharap ko sa mga oras na ito ay hindi ko magawa.

Dahil mahal ko siya !

Matapos kaming pumunta sa likod ng classroom ay binitawan ko ang braso niyang kanina ko pa hawak hawak.

"Janna mahal kita! At alam na alam mo yun. Pero bakit mo ako pinaasang gusto mo rin ako !  Bakit mo ko pinaasang kaya mo rin akong mahalin tulad ng pagmamahal ko sa'yo."

Hindi ko na napigilan pang kontrolin ang mga luha ko. Sunod sunod na itong pumatak. Sabihin ko mang malakas at matatag ako mahirap pa rin na patunayan ito. Dahil sabihin man nilang may pusong lalaki ako ,may natitira pa ring pagkababae dito!

"Sorry !" yan lang katagang lumabas mula sa bibig niya

"Sorry ? Yun lang ! Alam mo ba kung gaano ako kadurog ng malaman ko yun  ha ?! Di yun magagamot ng kahit ilang milyong sorry mo. Dahil yung sugat na inukit mo dito!"  Itinuro ko ang ang tapat ng puso ko. "Hinding hindi malilimutan ng puso't isip ko !"

Hindi na niya nagawa pang magsalita. Wala akong idea kung anong nasa isip niya ngayon. Tanging ang pag-alis na lang niya sa harapan ko ang naisip niyang paraan.

Naiwan akong luhaan sa likod ng classroom. Napalilibutan ito ng napakaraming puno. Napaupo na lang ako sa malaking bato sa gilid ng isang puno ng mangga.

Natapos ang araw ko sa school na walang nangyaring maganda. Sa ngayon ay naglalakad na ako pauwi sa amin. Hanggang sa limang kalalakihan ang humarang sa daan ko. Kilala ko ang ilan sa kanila. Pero ano problema nila at may paharang harang pa silang nalalaman.

"Turuan na ba naten ng leksyon ng mabawasan ang kayabangan ng tomboy na yan !" tanong ng isa sa kanila.

"Sige ba ng magtanda!" sambit naman ng isa pa habang pinapaputok ang mga daliri sa kamay niya.

Yabang  tsk !

Inihagis ko  na lang ang bag ko kung saan. At inihanda ang sarili sa isang sagupaan na handang handa ako sa ano mang kahahantungan.

Hinawakan ng isa ang mga kamay ko ng hindi ko namamalayan. Nasa likod ko pala siya bat di ko naramdaman. Kaya naman pinilit kung magwala dahil ano mang oras mula ngayon ay pauulanan na nila ako ng suntok sa katawan. Wala silang sinasanto.

Dahil sa aking kalakasan nagawa kong makawala sa kanya. At pinatikim siya ng isang malakas na suntok mula sa kamao ko. Agad itong napahawak sa panga niya na siyang natamaan ng pagsuntok ko.

Sumunod ang isa at pinaulanan ko din siya ng sunod sunod na suntok . Sanay na akong makipagbasagan ng mukha pero hindi ko alam kung saan nagmumula ang lakas ko sa nga oras na ito. Nagawa kong patakbuhin at saktan ang limang lalaking nanghahamon sa akin.

Matapos yun at agad kong hinagilap ang aking bag at tinahak na ang daan papunta sa amin. Pero hindi pa yata ako tapos pahirapan ng araw na ito. Dahil si Marites agad agad ang bumungad sa akin sa may gate pa lamang.

"Ano nakipagbugbugan ka na naman ?! Hindi ka talaga nadadala no !"

Ano bang pake mo !!!????

"Sana sa susunod na balik mo dito bangkay ka na lang ng wala na akong anak na walang kwenta ! Sana hindi na lang kita naging anak!"

Nang marinig ko yun ay parang bawat letra ng mga katagang iyon ay nagmistulang kutsilyo na sumasaksak sa puso kong wasak na wasak na. Ayoko na gusto ko na lang magturok ng anestisya para wala na akong maramdaman kahit kunti.

"Akala mo ikaw lang !??? Pwes hindi !!! Dahil isa ka ring malaking pagkakamali sa buhay ko. Dahil hindi ko din gustong ikaw ang naging ina ko.! Mas gugustuhin ko pang hindi na lang pinanganak sa mundo kesa maging ina ang isang tulad mo !"

Isang sampal ang dumampi sa pisnge ko. Nagmula sa taong kinamumuhian ko. Ang totoo niyan itong pasang nakuha ko sa pakikipagbubugan at ang panibagong sampal niya sa'kin, walang wala sa sakit na nararamdaman ko sa loob ko.

"Sige saktan mo ako ! Patayin mo na rin kong gusto mo. Tutal yun naman gusto mo di ba ang mawala ako sa buhay mo. Mas gugustuhin ko pa yun kesa makasama ka !!!"

Pumatak na naman ang mga luha ko. At sa pagkakataong ito sobrang dami na nito at hindi ko na magawang kontrolin.

Tanging pagpasok na lang sa loob ng bahay ang nagawa ko. Agad akong pumasok sa kwarto ko at nagkulobong ng kumot.

Ano bang buhay to ?! Ayoko na suko na ko pagod na pagod na ako sa lahat. Ibang klase na toh di na makontrol !

"Love is too beautiful to be hidden in the closet."
            -Anonymous

PerfectSwitch

Perfect SwitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon