Chapter 5 (Part 1)
*Gardo'sNewFoundFriend
Hindi ako pinatulog ng mga chats ni Eldon. Ano ba kaseng trip niya ? Parang nung nakaraan lang dedmabels siya sa akin. Parang kailan lang para lang akong hangin na hindi niya mapansin. Tapos kahapon lang may pag-amin siyang gusto niya ako.
Unbelievable!
Pero at some point magiinarte pa ba ako?! Yung lalaking pinapangarap ko gusto din daw ako. Ang sayang isipin pero ang hirap din paniwalaan. Ano dapat ko gawin. 'Di ba dapat manliligaw siya ? Hindi naman ako babae para gawin niya yun !?
Bahala na basta papasok ako ngayon! Medyo maaga ako nakarating sa school. Agad akong dumiretso sa classroom. At pagdating ko dun ay naabutan ko si Lauron at Stacy na nagchichikahan.
"Uy mga bakla si Gardo nagtapat sa'kin kagabi !"
"Weh ?"
"Owwwss?"
Expected ko ng hindi sila maniniwala. Kahit nga ako hindi makapaniwala. Pero wait bat kaya wala pa siya ? Handa na akong ibigay sa kanya ang sarili ko. Pakakasalan ko na siya agad agad ! Hahaha Charrr lang!
Lumabas muna ako ng room. Kung ayaw nilang maniwala pwesss wag ! Habang naglalakad lakad sa campus ay may narinig akong naguusap. Teka sila Eldon ba yun ?!
Tumago ako sa malaking puno. At pinakinggan kong mabuti ang pinaguusapan nila.
"Sure na ba yan bro ? Talaga bang ngayon na ang tamang panahon para makuha mo ang premyo mo !?"
Boses yun ni Laurence na hindi ko maintindihan kong about saan ang sinasabi."Oo naman bro sinabi ko na sa kanya sa chat. And for sure mamaya na niya tatanggaoin ang pekeng alok ko."
Parang may kung anong bagay ang tumusok sa dibdib ko. Feeling ko ako ang tinutukoy ni Eldon.
"Haha grabe magkaka 5K ka na maya maya lang !"
"Oo naman buti madali dali ang pinagpustahan naten. Alam naman nateng patay na patay sakin si Gardo kaya ganun kadali na lang ako mananalo sa pustahang ito !"
"Oh baka nasa room na siya bro. Maya na lang ang 5 thousand pesos mo."
Patuloy sa pagtulo ang mga luha ko. Bakit ba kasi ako umasa ? Bakit ako umasa na mahal niya ako. Na may magmamahal sa kin na tulad niya!
Di ko na nagawa pang pigilan ang sarili ko lumabas na ako sa pinagtataguan ko. At kitang kita ko ang pagkagulat ni Eldon ng makuta niya ako. Wala akong pakialam kung makita niyang basang basa ang mukha ko .
"Gardo kanina ka pa jan ?"tanong niya.
"Oo at dinig na dinig ko lahat !"
"Gardo let me explain!"
"Ano pang ipapaliwanag mo ? Na tuwang tuwa ka dahil pinagmukha mo akong tanga. Na umasa ako sa isang bagay na imposibleng maging tunay !? Ganun ba ha !"
Kita ko sa mukha niya na parang wala lang talaga sa kanya ang lahat. Sino nga naman ba ako di ba?! Isa lang akong hamak na baklang dugyot.
"Sana pala hindi na lang ako naniwala! Hindi mo alam kung gaano kasakit para sa akin! Na umasa na naniwala ! Eldon ginamit mo yung pagkagusto ko sa'yo para magawa ang plano mo. At makuha ang gusto mo. Limang libo lang pala ang halaga ko !"
Halos hindi ko na mabigkas ang mga salitang gusto kong sabihin sa kanya. Dahil ito ako walang patid na pagiyak sa harap ng taong akala ko nagbago na. Akala ko nagkaroon na ng pake sa akin.
BINABASA MO ANG
Perfect Switch
FantasiIsang lalaking may pusong babae at isang babaeng may pusong lalaki. Paano kung magkapalit sila ng katawan? Is this a Perfect Switch? Or start of a bigger challenge that they need to overcome!