Chapter 8

114 21 10
                                    


*PSMysteriousSwitch

Gardo's POV

Kasama ko ngayon si Bianca sa isang lugar kung saan  siguradong walang makakakita sa amin. Sa lugar kung saan ko natagpuan ang mahiwagang kubo ni Lolo Tasyo.

"Grabe di ba bigla bigla na lang nawala na parang bula!"kuda ko habang pinagmamasdan ang kinatayuan ng kubo.

"Oo nga eh ang huling punta ko dito ay yung pinalitan ko headphone ko!"

"Akala ko ako lang nakakilala at nakakita kay Lolo Tasyo. By the way ang weird lang na parang kinakausap ko ang sarili kung katawan!"

Ano ba kasing hiwaga ang naganap at bigla bigla kaming nagkapalit nitong Si Bianca.

"So tara na dun tayo sa may puno !" aya niya sa akin.

Umupo kami sa damuhan sa ilalim ng puno ng mangga. Kailangan muna naming kilalanin ang bawat isa  para handang handa kami sa pagrampa sa family namin later.

"So ako ulit si Bianca Marie Flores. You need to call me Bam or BM or else I will kill you!"

"Ang harsh mo teh !:

"Hindi naman naiinis lang ako sa tuwing may tatawag sa aking Bianca!"

"Ako naman si Gardo Louise Fuentes. You can call me Gel."

"By the way kelan mo narealized na barbie ka ?este na baklush ka !"

Okay na sana yung barbie binago pa.

"Since nasa sinapupunan ako ng Nanay ko nakablush on and lipstick na daw ako!"

Isang sapak ang naramdaman ko sa pisnge ko. Sinamaan ko ng tingin ang sarili kung katawan. Ang weird talaga My God!

"Ouchy! Bat ka nanampal ?"

"Eh tinatanong kita ng maayos!"

"Nung 7 Years Old ako happy na ?"

Yes seven years old ako alam ko na barbie ako. Yeah sabi niyo nga barbie!

"Tanggap ka ng parents mo ?"

Tanong niya na nagpabago sa ekspresyon ng mukha ko este mukha niya.

"Si Nanay tanggap ako pero si Tatay never niya ako tatanggapin. Ikaw ba tanggap ba naman nila na robot ka ?"

Napaisip siya muna sa sinabi ko.

"Robot ?"

"Ah na tomboyers ka ba ! 'Di ba pag baklush barbie eh di pag tomboyers robot !"

Natawa naman siya sa sinabi ko.

"Pauso ka rin eh no. Tanggap ako ni Papa pero ni Marites hindi !"

Anu daw ?

"Sinong Marites ?" tanong ko.

"Ina kong walang ginawa kundi saktan ako emotionally and physically!"

Wow ha may paemotionally  at physically si kuya mong thats my tomboy ah.

"Awwtts ako lagi din akong sinasaktan ni Pudracles pero never ko siyang winalang galang."

Nginitian ko siya. For me kasi kahit na anong gawin o sabihin sayo ng parents mo sila pa rin ang dahilan kung bakit nabuhay tayo. Oh kung wala sila eh di wala ding dyosa!

"Ewan hindi mo alam kung anong klaseng tao siya. Wait puede bang makahingi ng pabor."

"Ano yun ?"

Perfect SwitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon