Chapter 1.1

334 36 14
                                    

Chapter 1 (Part 1)
*MeetGardo

Gardo's POV

Nakatingin lang ako sa dinadaan ng sasakyan namin and narealized kong andito na pala kami . Tumigil na ang sinakyan ko . Finally nasa tapat na ako ng gate ng school namin. Christmas party time ngayon and siyempre kabog na kabog ang beauty ko.

Nakapink gown ako ngayon na tumiterno sa pink kong kotse.  Bagay na bagay ang suot kong backless pink gown sa sexy kong katawan. Siguradong maiinggit na naman silang lahat sa akin.

I am the most perfect girl na talaga!

Inintay kong may magbukas sa door ng kotse pero wala man lang. Kaloka tong driver na ito ha. Anlaki-laki ng pinapasuweldo namin sa kanya tapos ganyan siya. Kaya 'di ko na napigilan magsalita.

"Kuya baka naman puwedeng alalayan mo ako! Pinapasuweldo ka namin para maging responsable sa lahat. So what are you waiting for?"

May pa-english ang lola niyo !

Isang malakas na sapak ang naramdaman ko sa likod ko.

"Aray !" May sumapak sa 'kin !

Walang sinuman ang may karapatang saktan ang prinsesa .

"Uy gurl wag ka nga masyado assuming jan ! Anong suweldo suweldo ! Eh pambili nga ng bigas wala kayo pampasuweldo pa ! "

Yun ang gumising sa akin. Pinamukha sa'kin ng kaibigan kong si Laura este Lauron ang katotohanan.

Yes imagination ko lang 'yon!

Hindi ako sa kotse nakasakay kundi sa tricycle. Hindi rin ako naka-gown. Nakasimpleng plain pink t-shirt lang ako and naka maong pants. And ang pinakamasakit na katotohan hindi ako babae bakla rin ako tulad ni Laura este Lauron huhuhu.

Pareho kami ng outfit of the day ng baklitang sumira sa imagination ko. Twinny goal daw kami. Jusko eh sobrang layo ng itsura niya sa'kin. Napakaganda ko and siya mukhang tukmol. Hahaha pero kahit ganun yun mahal na mahal ko yun. Siya ang best of the bestfriends ko.

"Bayad Manong oh,pagpasensyahan mo itong bestfriend ko mahilig lang talaga itong mag-imagine ng mga bagay na imposible!" Sambit niya sabay abot ng 20 pesos. Nalungkot ako ng marealized kong nagimagine na naman ako. Napapikit na lang ako !

"Sana ipinanganak na lang akong straight!"

Alam mo yung tipong hindi ka katanggap-tanggap sa lahat ng aspeto. Itinuturing ka ng iba na salot dahil lalaki at babae lang naman daw ang tanging nilikha ng Diyos.

Which is true naman!

Pero wala naman silang karapatang i-judge kami by our personality. Hindi nila makita -kita yung mga positive vibes na dala namin dito sa earth. Basta katulad namin wala ng karapatang maging masaya. May ilan din namang naaapreciate kami . Pero mas marami pa rin talaga yung hindi kami tanggap. Dahil ang tingin sa amin ay salot o walang silbi sa lipunan.

Pero kahit pagbalibaliktarin man ang mundo bakla ako baklush bading girlalo binabae bayot kembolar achuchuchu o kahit ano pang  tawag sa' kin yun ako. Actually nasa sinapupunan pa lang ako ng mudra ko ay nakalipstick and blush on na daw ako hahaha. Charowwttt ! Sana nga inagas na lang ako ng mudrakels ko ng hindi ko naranasan ang lupet ng mundong ginagalawan ko !

Pero thankful na rin ako dahil hindi yun ginawa ni mudra dahil kung nangyari yun wala sana siyang prinsesa na napakaganda.

By the way tama na ang chika I need to introduced myself na. Ako nga pala si Gardo Louis Fuentes. I hate my first name kasi tunog pa lang ang hard hard na.  Si Pudra kasi nagname sa kin nung Gardo then dinagdagan lang ni mudra ng Louis. Buti na lang talaga.

Perfect SwitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon