*PSPerfectPlan
Bianca's Point of View
Kinabukasan sinabay uli kami ni Tito.
Sana mas maging maganda ang araw na ito kesa kahapon."Gardo punta muna ako sa canteen may bibilhin lang ako!"paalam ko kay Gardo.
Nauna na siyang umakyat sa room dahil inaya siya ng isang babae. Kaklase namin yun eh di ko lang matandaan ang pangalan.
"Uy san ka punta?"nagulat ako ng biglang sumulpot sa harap ko si Lauron. Bakit ba naging bestfriend pa to ni Gardo eh nakainis ang kakulitan.
"Canteen!"tipid kong sagot.
Habang naglalakad papuntang canteen ay namalayan kong sumusunod siya sa akin.
"Gardo napapansin ko parang nagiba ka! Parang hindi ikaw yung Gardo na bestfriend ko!"kinabahan ako ng marinig ko yun.
"Pa'nong iba ?"tanong ko.
"Hindi ka na makulit at madaldal. Tapos medyo hindi ka na ganun kalandi na pag nakakita ng boylalo ay hindi ka na mapakali ganern ba!"
Natawa na lang ako sa sinabi niya. Hindi naman kasi ako si Gardo ako si BM na gwapo at habulin ng chix!
"Haha napagisip isip ko din na ayoko ng maging ganun!"sagot ko na wala sa loob .
Dahil nagkukwentuhan kami habang naglalakad ay hindi ko na napansim ang isang nilalang na nabangga ko.
Nahawakan ko siya sa bewang dahil muntikan na siyang matumba. Nang mapatingin ako sa mukha niya ay pakiramdam ko na love at first sight na ako. Ang ganda niya para siyang anghel na bumaba sa lupa para mahalin ako.
Pakiramdam ko ay nag-slow motion ang paligid. Hanggang sa bigla siyang tumayo.
"Thank you!sambit niya na lalong nagpaibig sa akin. Mala-anghel na nga ang mukha niya pati ba naman boses.
"Walang anuman ano nga ba pangalan mo?" galawang BM Flores .
"I'm Princess puwede mo akong tawaging Cess!" naks bagay na bagay sa kanya ang pangalan niya.
"BM este Gardo nga pala nice to meet you !" muntik na tayo dun mga trops.
Maya maya ay umalis na siya sa harap ko. Nang mapatingin si Lauron ay parang gulat na gulat ito. Hindi ko na siya pinansin at pumunta na akong canteen. Bumili ako ng tuna sandwich at naglakad na paputang room. Kasunod ko naman si Lauron na tanong ng tanong. Kelan pa daw ako naattract sa babae. At kung ano ano pa.
Pagdating naming room ay wala pang teacher. Ang gugulo nila na parang nagsasaya.
Yey wala si Ma'am!
Yes walang klase!
Party party!
Yan at kung ano ano pang pagbubunyi ang sinisigaw ng mga kaklse namin. Pero hindi pa rin ako tinitigilan ni Lauron. Maya maya pa ay inaya kami ni Gardo.
Dinala kami ni Gardo sa may CR. Ano kayang binabalak niya.
"Lauron para matigil ka na sa kakakulit mo sa kanya. Ito na siguro ang time para malaman mo ang totoo!"
Nakatingin lang si Lauron kay Gardo na naghihintay sa sasabihin nito.
"Anong totoo?"halatang naguguluhan na si Lauron.
"Pero magpromise ka muna na magiging secret lang nating tatlo ito. Mangako ka na wala kang ibang pagsasabihan !"
"Oo na promise!"
BINABASA MO ANG
Perfect Switch
ФэнтезиIsang lalaking may pusong babae at isang babaeng may pusong lalaki. Paano kung magkapalit sila ng katawan? Is this a Perfect Switch? Or start of a bigger challenge that they need to overcome!