Chapter 2

4K 104 0
                                    

This is the updated version of Chapter 2. However, I'll update it once more if I encounter any problem or issues. Thank you for your understanding!


Updated: January 04, 2022


Ayesha Rakki's POV


Nakatingin lang ako sa puntod ni Lola habang lumilipad ang napakalakas na hangin. Hindi sa Pilipinas inilibing ang Lola ko dahil nasa France kami ngayon. Dito pala nakatira si Uncle Sean kaya medyo kakaiba din ang itsura niya. Nung sinundo niya kasi ako sa hotel kinabukasan, medyo natagalan pa 'yun kasi halos 14 hours ang byahe niya, agad na kaming pumunta dito kasama ang ilang body guards niya na nagbitbit sa katawan ni Lola. Gustuhin ko man na humanga sa sarili niyang eroplano at napakalaking bahay ay hindi ko na nagawa pa dahil sa emosyon na nararamdaman ko. Akala ko nga manhid na ako pero ngayong nararamdaman ko ang malamig sa balat ko, mukhang hindi pa naman pala.


"Ayesha, we need to go." Ramdam ko ang presensiya ni Uncle Sean sa likuran ko. Isang linggo na rin kami dito sa France. At sa isang linggo na 'yun, halos araw-araw akong nandito sa sementeryo. Wala ngang masiyadong tao. Ang malala pa diyan, may sariling parking kami dito. Napansin ko pa ang agwat ng mga nakalibing. Halatang kakaiba ang lugar na 'to.


"Uncle, pwede po ba akong magtanong?" Seryoso kong sabi. Nang walang marinig mula sa kaniya, nagpatuloy ako sa sinasabi ko. "Bakit po nangyari kay Lola 'to? Wala naman ho kaming kaaway. Mabait naman po si Lola. Kaya... bakit?"


"Piniprotektahan ka ng Lola mo, Ayesha. At kung hindi ka aware doon, hayaan mong ipaintindi ko sayo."


"Saan po? Kanino?" Naguguluhan na tanong ko.


Tumikhim siya at umiwas ng tingin bago muling tumingin sa akin ng diretso. "Kailangan mo ng magsimula sa pagta-training sa isang araw. I will give you one day to rest and to condition your mind as well as your body. And after that, dadalhin na kita sa organisasyon na kinabibilangan ko at ng lola mo. Hihintayin kita sa sasakyan." Seryosong sabi nito at tinalikuran na ako. Nagtataka man sa sinabi niyang organisasyon ay napabuntong-hininga nalang ako at muling tinanaw si Lola. Magiging busy ako sa mga susunod na araw kagaya ng sinabi ni Uncle Sean. Gagawin ko ang lahat para makaiwas sa sakit. Kailangan kong magpatuloy para makaganti sa mga taong 'yun. Hindi ako papayag na ganito nalang. Alam kong sinadya nilang patayin ang lola ko.


Sa ngayon, isa palang ang tanong ko. Sino ang mga taong 'yun?


•••


Makalipas ang isang araw. Tinotoo nga ni Uncle ang sinabi niya sa akin. Agad niya akong isinama sa organisasyon na 'yun. Na mukhang halos lahat ng tao doon ay iginagalang siya. Paano ko nasabi? Nakita ko kasi ang kislap sa mga mata ng mga tao habang nakatingin sa kaniya. Mukhang mataas ang posisyon niya sa lugar na 'to.


Nagkaroon ng pagpupulong para sabihin ang pagkawala ng lola ko. Gustuhin ko mang magtaka kung anong posisyon ni Lola dito ay hindi ko magawa dahil sa lungkot na nakikita ko sa mga tao ngayon. Galit. Galit silang lahat. Ako ay nanibago doon. Ngayon lang ako nakakita ng mga ganitong emosyon. Sa tagal kong nag-aral at nakipagsapalaran sa ibang tao, ngayon ko lang naramdaman ang galit na talaga namang mararamdaman mong nagmumula sa ibang tao.


"J'aimerais vous présenter le nouveau membre de notre organisation, Ayesha." [Translation: I would like to introduce to you the newest member of our organization, Ayesha.] Napatingin sa akin ang mga tao sa anunsyo ni Uncle Sean. Napangiti ang ilan sa akin samantalang ang ilan naman ay seryosong nakatitig kaya medyo nailang pa ako. Hindi naman kasi nila ako kailangan tingnan ng ganiyan.


When Fighters Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon