Chapter 29

2.3K 81 0
                                    

This is the updated version of Chapter 29. However, I'll update it once more if I encounter any problem or issues. Thank you for your understanding!


Updated: January 12, 2022


Ayesha Rakki's POV


Hinilot ko ang batok ko nang makalabas ng operating room. Nag-overtime ako ngayon para maaga ang out ko bukas. Dadalaw ako sa flower shop ni Tita Klare. Nakakahiya naman kung hindi ako pupunta. Nangako na ako sa kaniya, eh. Dalawang magkasunod na operation ang ginawa ko ngayon kaya nang makalabas ako ay 11pm na ng gabi. Grabe, pagod na pagod na talaga ako. Gusto ko na matulog.


Napatingin ako sa front desk at hindi ko na nakita doon sila Nurse Cha. Malamang sa malamang ay kanina pa nakauwi ang mga 'yun. Hindi ko naman sila masisisi dahil nakakapagod talaga ang araw na 'to. Nginitian ko din ang mga nurse na nakakasalubong ko habang papunta ako sa kwarto ni Enzo. Pinatay ko pa ang ilaw sa playroom dahil akala ko ay wala ng tao pero bumalik din ako nang may mapansin. Napatingin ako isang bata na sa pagkakaalala ko ay pasyente ni Doc Meisha. Madali naman kasi alalahanin ang mga bata sa lugar na 'to.


Pero una sa lahat, ano ang ginagawa niya dito?


Lumapit ako doon sa bata at nakita siyang mahimbing na natutulog. Ayoko na sana siyang gisingin kaya akmang bubuhatin ko na ito nang sumulpot si Doc Noah sa likuran ko na ikinagulat ko pa pero binuhat na niya 'yung bata.


"Pasensya na, Doc Rakki. Kanina pa kasi hinahanap ang batang 'to. Nandito lang pala sa playroom." Natatawang sabi niya at tuluyan nang binuhat 'to. Sumunod naman ako sa kanila para malaman kung may problema ba 'yung bata.


"Kapag nawawala ang bata, sa playroom niyo lang hanapin. Wala namang ibang pupuntahan 'yan bukod doon." Sabi ko na mahina niyang ikinatawa. Tinawanan pa talaga niya ako. Tss. Hindi talaga marunong magseryoso 'to si Doc Noah.


"Tumingin na daw sila sa playroom pero wala silang nakita. Hindi ko pa siya makikita kung hindi kita napansin na may nilapitan sa gilid ng playroom." Sagot niya at bahagya pang inayos ang pagkakabuhat sa batang lalaki.


"Akala ko nga ay minumulto na ang hospital, pfft. Marami-rami nang tulog sa mga oras na 'to. Actually, pinatay ko na ang ilaw doon tapos may nakita lang akong kumilos kaya nilapitan ko." Napailing pa ako at bahagyang natawa sa sarili ko.


"Ang cute mo, Doc." Nakangiting sabi ni Doc Noah na ikinataas ng kilay ko. Sasagot na sana ako nang matanaw si Doc Meisha at si Doc Zayden na naghihintay kasama ang mga magulang nung batang dala-dala ni Doc Noah. Nang makita nila kami ay lumapit pa sila sa amin.


"Salamat po Doc sa paghahanap sa anak ko." Emosyonal na sabi ng nanay nung bata at hinalikan pa ang tuktok ng ulo ng natutulog na bata.


"Wag po kayo magpasalamat sa akin. Si Doc Rakki po ang nakakita sa kaniya." Turo sa akin ni Doc Noah. Napatingin naman sakin 'yung babae at bahagyang ngumiti. Bakit ba kasi sinabi pa ni Doc Noah 'yun? Tss.


"Salamat po, Doc."


"Ayos lang ho 'yun." Kaswal na sabi ko sa kanila. Napatingin pa muna sa amin si Doc Meisha at Doc Zayden bago sumunod dun sa mag-asawa. Kailangan ba magkasama sila palagi? Tss. Edi sila na.


"Bakit nandito ka pa? Anong oras na, ah." Biglang sabi ni Doc Noah kaya napaangat ng bahagya ang kilay ko sa kaniya. Ang dami niyang sinasabi sa akin.


"Hindi ba dapat tinatanong din kita niyan?" Natatawang tanong ko.


"May operation ako mamaya. Hindi pa ako pwede umuwi. Kaya nga sana all nalang ako sa mga maaga umuwi ngayon." Sagot nito na tipid pang ngumiti. "Ikaw saan ka pala galing? Akala ko ay umuwi ka na kaya nagulat ako nang makita ka dito."


When Fighters Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon