Chapter 33

2.4K 83 0
                                    

This is the updated version of Chapter 33. However, I'll update it once more if I encounter any problem or issues. Thank you for your understanding!


Updated: January 13, 2022


Ayesha Rakki's POV


Parang tumigil ang mundo ko sa sinabi ni Samonte. Si Lola Belinda ang totoong nanay ni Uncle Sean? Hindi ako makapaniwala sa bagay na 'yun. Bakit hindi ko agad nalaman?


"Ano, Ayesha? Gusto mo pa bang malaman ang mga nalalaman ko?" Tanong niya na ikinaangat ko ng tingin. Inagaw pa niya ang baril na hawak ko at itinutok sa akin 'yun. Seryoso ko siyang tiningnan at pinakita sa kaniya na hindi ako natatakot. "Sasabihin ko naman sayo ang nalalaman ko pero hindi ang pangalan ng taong pumatay sa lola mo at ang naghiwalay sayo sa totoo mong mga magulang." Sabi niya na sarkastiko kong ikinatawa. Pasimple kong tiningnan si Tristan na buhat-buhat na ng mga tauhan ko at palihim na inilalabas sa lugar na 'to. Tss. Hindi man lang nila napansin sa sobrang focus nila sa akin. Alam siguro ng mga taong 'to na kaya ko silang lahat.


"Ang husay niyong pahirapan ako, noh? Kung hindi mo naman pala sasabihin kung sino ang puno't dulo ng lahat ng 'to ay dapat na kitang patayin." Normal na sabi ko sa kaniya at nagkibit balikat. Pinanood ko pang lumapit sa kaniya ang isang lalaki at bahagyang bumulong na rinig ko din naman.


"S-sir Alex..... wala na po si Tristan." Sabi niya na ikinalingon agad ni Samonte at nang makita niya na wala nga si Tristan sa pwesto nito ay agad niya akong tinutukan ng baril. Yung baril na dala ko.


"Napakahusay mo, Ayesha. Alam mo bang labis akong humahanga sayo? Pero hanggang dito ka nalang. Magpaalam ka na sa mundo, Ayesha." Nakangisi nitong sabi at pinindot ang baril na hawak niya. Gusto kong matawa nang mapakunot ang noo niya at tingnan ang baril na kanina ay hawak ko.


Agad kong sinenyasan ang mga tauhan ko dahil sa nangyaring 'yun. Senyas na ang baril na 'yun na magsisimula na kami kaya wala pa atang isang minuto, halos kalahati ng mga tauhan ni Samonte ay nakatumba na ngayon.


Kinuha ko na rin ang baril ko sa bulsa at itinutok kay Samonte na gulat na nakatingin sa akin. Bahagya ko pang itinagilid ang mukha ko nang tuluyang maubos ang mga tauhan ni Samonte sa ilang segundo na natira. Pagkatapos nun ay isa-isang lumabas ang mga tauhan ko na nakangisi nalang na nanonood sa akin ngayon.


"Anong akala mo sa akin? Maiisahan mo ko?" Natatawa kong sabi at kinuha ang laruang baril na binili ko. Tss. Paglalaruan ko lang sana ito pero nagamit ko pa ng maayos. Pfft.


Agad kong hinampas si Samonte ng baril sa ulo kaya napaupo siya sa sahig kasabay nun ay ang pagsipa ko sa tiyan niya. Nakuha niya pa ngang ngumisi sa ginawa ko kaya napabuntong hininga ako at bahagyang umupo para magpantay kami.


"Any last wish, Samonte?" Nakangisi kong tanong sa kaniya. Napangisi naman siya sa akin na mas lalo kong ikinatawa. "Uh, wag mo na asahan ang mga paparating mong tauhan na nasa paligid ng gusaling ito dahil lahat sila ay nasa impyerno na. Ikaw na nga lang ang hinihintay."


"Kahit patayin mo ako ngayon, hindi mo pa rin malalaman kung sino ang taong 'yun." Natatawa niyang sabi na ikinataas ng kilay ko. Ginagawa niya akong mangmang sa mga oras na 'to. "Kung papatayin mo ako ay hindi mo siya mahahanap. Hindi ka makakapaghiganti." Sabi nito na ikinatawa ko. Napailing pa ako na ikinakunot ng noo niya.


"May alas ako Samonte. May nakakita sa inyo nung patayin niyo ang lola ko." Sabi ko na ikinatigil niya. Hindi alam ang tinutukoy ko. Tss. "Siya ang alas ko kaya hindi na kita kailangan. Magkita nalang tayo sa impyerno, Samonte." Nakangisi kong sabi at itinutok sa noo niya ang baril na hawak ko at walang pagdadalawang isip na ipinutok 'yun. Hindi pa ako nakontento sa ginawa ko dahil kinuha ko pa ang isang baril ko at sunod sunod na ipinutok ang bala ng dalawang baril sa katawan at ulo ni Samonte. Sabi ko naman sa inyo, mas malala ang gagawin ko sa taong 'to. Tss.


When Fighters Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon